Chapter 46: The first time

288 8 3
                                    

Kristelle’s POV

"May pag-asa pa ba ko?" - tanong niya

"Ewan ko. Hindi ko alam" - sagot ko

Yan yung huli naming pinag-usapan bago siya nawala sa everyday routine ko.

Kung bakit ko sinabi yun? Ewan ko rin at hindi ko alam. Pag sinabi ko naman na Meron, masyado nang obvious. AH BASTA. Dapat kasi hindi na niya tinanong.

Lumayo siya! Literally, as in lumayo siya. Di siya nagtetext, di siya tumatawag.

Aaaarrggh. Ewan ko! Naiinis ako.

Kasi kung, you know, mahal niya talaga ako, hindi siya susuko agad. Hindi yung ganito na basta basta nalang nawawala.

=________= Wala man lang pasabi.

2 weeks na! Dalawang linggo na siyang ganyan. Lumalayo. Dumaan na nga yung valentines day, lumalayo pa rin siya.

And maybe you're asking kung bakit ganito ko makareact. Well..

I'm a girl. Kapag sa mga ganito, madali akong maapektuhan. Kasi, one second, he promised me that he would do everything to make me fall inlove with him again. Then ngayon, susuko na agad siya. Sakit nun ah! He promised me.

Nagtataka na nga yung ibang students dito e. Ang akala nila, break na kami. E hindi pa naman nagiging kami.

I didn't know na ganito pala ang feeling kapag nilalayuan ka ng taong mahal mo. :( Nakakapanghina. Lalo pa't hindi niya pa alam na mahal ko na siya.

Binuksan ko ng padabog yung pinto ng rooftop. At umupo ako dun sa sulok.

"Problema mo?"

Nagulat ako nang may nagsalita.

-_____- Oh, si CL lang pala.

Wait! Si CL nandito! And for the first time again, kinausap na niya ko!

Since nandun siya sa kabilang side, tumayo siya at naglakad papunta sa tabi ko at umupo.

"Long time no see" - sabi ko nalang.

"You sounded mad. Is everything alright?"

Alright mo mukha mo.

"Bakit mo ko kinakausap?" - tanong ko, still, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Nakatingin lang ako straight sa kawalan. HAHA.

"Hmm. Let's just say na, hindi ko na kayang hindi ka kausapin" - this time, tumingin nako sa kanya.

I frowned. Nakangiti kasi siya eh.

At hindi ko alam kung anong iniisip niya.

"Ahh, ganon.. Pagkatapos mong sumuko, gaganyan ganyan ka ngayon?"

"Pardon? Ako? Sumuko? Kelan pa? Hindi sumusuko ang mga Perez"

"Seriously, you just stopped communicating with me. Huminto ka sa paglapit sa'kin. Sa pagtetext. Sa pagtawag. Sa memessage sa FB. Sa pagsundo sa'kin sa classroom. Sa lahat. Simula nung nalaman mo na hindi ko alam kung may pag-asa ka sa'kin. Nakakainis lang kasi sumuko ka agad." - dirediretso kong sabi

Tumawa siya ng mahina.

"Miss Kristelle Flora Mendez.. May lilinawin lang po ako ah? Hindi po ako sumuko. Alam mo yun? I just gave you a break. Malay ko ba kung nasasakal ka na pala sa panliligaw ko ng isang taon, malay ko ba kung masyado ka nang napapagod kasama ako, malay ko ba kung nagsasawa ka na sa'kin. I just gave you space, kasi baka nalilito ka, sabi mo kasi hindi mo alam kung may pag-asa ako sa'yo, maybe you needed some time to figure that out."

It's You <3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon