Kriss’ POV
*o* “uwaaaaahhh” – ako
Kakagising ko lang. 6:00 am pa lang? Ehh? Late na late na kami natulog kagabi ahh.
Tiningnan ko yung katabi kong tulog na tulog pa rin. Lumapit ako bandang tainga niya at bumulong.
“Good Morning”
At saka ako tumayo.
Sa totoo lang? May napapansin ako kay Christian. O baka guni guni ko lang. Hayy, ewan ko ba. There’s something different about him.
5 months na kami, kilalang kilala ko na siya. At alam kong parang may problema. Ah basta, saka ko na lang isipin yun. Makapagluto na nga. :)
Magluluto ako ng bacon and egg. Ang favorite na almusal nila dati. Siguro naman hanggang ngayon din?
“Ang bango niyan ah” – lumingon ako. Si Joon.
“Haha. Ang aga mo naman magising” – ako
“Naamoy ko yung paborito ko ehh”
“Ay naku, di pa rin pala nagbabago”
Wala nang umimik pagkatapos nun.
“Bacon ba yan?” – pumunta rin dito si TJ
“Hindi TJ. Hindi. Baka hotdog..” – Joon
“Basag” – nandito na rin si Cutie na kakagising lang rin.
“Hoy, Joon. Baka nakakalimutan mo, mas matanda ako sa’yo” – TJ
“Haha. Baka nakakalimutan mo rin, 17 na ko ahh. Magkakaedad na tayo nila Christian. Isa lang naman matanda dito ehh” – sabay tingin sa’kin
Aba’t dinamay pa ko.
Lumapit si Joon.
“Mano po Lola. :D” – Joon
Binatukan naman ni Cutie si Joon.
“Etooo.. Ang aga aga nang-aaasaar ka” – Cutie
“Birthday na birthday ko, nakatanggap agad ako ng batok??” – Joon
“Yan na uso ngayon pre. Haha.” – sabat naman ni Lex na kasalukuyang kumukuha ng tubig sa ref. Bigla bigla nalang tong sumusulpot.
“Morning” – sabay na sabi nina Christian at Kristelle.
Haha. Ang cute ni Kristelle. ^__^ Nakapikit pa kasi siya nung sinabi niya yun.
Inihain ko na yung bacon and egg, tapos tinapay. Eto namang si Christian, lumapit sa likuran ko at binulungan ako.
“Morning Bee..”
^//////^
“Eto nanaman po tayo. Magdadagsaan nanaman po ang maraming langgam!” – Joon
“Ehem! Ayun ‘yon eh! Kristelle!” – Cutie
Eh? Bakit nasama si Kristelle dito. Tumingin ako sa kanilang dalawa ni Cutie.
“Ahhmm. Yun ‘yon, Kristelle ehh. Diba nagugutom ka na? Ayan na may pagkain na!” – Cutie
“Di mo naman kailangang isigaw pa, Cutie naman” – Kristelle
At napansin ko na tumawa ng mahina si TJ.
“YOSH! Kain naaaa” – Lex
At kumain na nga kami. Maya-maya, umalis na sina Joon at Kristelle.
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Dla nastolatkówIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.