Kristelle’s POV
Nagulat ako nung narinig ko yung “KT”.
Isang tao lang naman yung tumatawag sa’kin ng ganyan eh.
Ngumiti ako. “Oy. :)”
“Pwede ba tayong mag-usap?” – CL
Bago pa ko makasagot, nagsalita na si Cutie.
“USAP?! Ay, naku! Yan!. Yan ang kailangan niyo. Sige na! Mag-usap na kayo. Kristelle, una na akooo. *KissSaCheeks* Christian, pakihatid nalang yang babaeng yan ah? Byeee!” – umalis na siya.
=____= Ang bilis ng pangyayari ah. Hindi nga kami nakapagsalita ni CL eh.
“Tara?” – CL
“San tayo?” – ako
“Dyan lang sa may playground” – siya
Umupo kami dun sa swing. Tig-isa kami syempre.
Natawa na lang ako ng mahina. HAHA. Naalala ko yung birthday niya. Yung binigyan ko siya ng bracelet. And speaking of bracelet.
Hinanap ko yung bracelet sa kamay niya. Kumunot noo ko. Oh, bakit wala? Tss. Tinapon na ba niya. Porke di ko lang pinapansin–
“Eto ba hinahanap mo?” – may kinuha siya sa bulsa niya.
Yung bracelet na bigay ko.
“Kahit hindi ka na namamansin, sinusuot ko pa rin ‘to. Ayan ah, susuotin ko na. Wag ka na mag-isip ng kung anu-ano diyan. HAHA” – CL
Ngumiti nalang ako.
“Di ako sanay na tahimik ka. Pag tayo magkasama.” – CL
“HAHA. Masanay ka na kasiii” – ako
“1 linggo ka na di namamansin ah? Anong problema?”
“Christian..” – panimula ko. Oo, Christian na yung itatawag ko sa kanya, from now on.
Nagbago yung ekspresyon ng mukha niya, pero hindi ko na lang pinansin.
“Siguro, kailangan na nating bawas-bawasan yung pagiging close natin noh? HAHA. Di rin kasi natin alam na may nasasaktan tayo. Christian, may girlfriend ka. Nagseselos yun malamang, kung nakikita niyang mas close yung samahan natin kaysa sa samahan niyo. Oo, bestfriends tayo, pero, we need to consider the feelings of Kriss, diba? Kaya, medyo layo-layo muna. :) Wag kang mag-alala, bestfriends pa rin naman tayo. Sabi mo nga diba na gusto mong magpasaya ng babae? Nagpaturo ka pa nga sa’kin eh. Eto na yun. :)”
Tumayo ako. Tumapat ako sa swing niya. Nagkatitigan kami.
“Just promise me one thing”
Tumitig siya sakin.
“Ano naman yun?”
“Don’t you ever..ever..hurt, Kriss Santiago” – ako
Inabot ko yung kamay ko sa kanya. Nagshake hands kami.
“Promise.”
Nagngitian nalang kami.
“Kristelle!” – napalingon kaming dalawa sa tumawag sa pangalan ko
Lumapit siya sa’min.
“Lex!” – nag-apir naman yung dalawang lalaki.
“Anong ginagawa niyo dito?” – Lex
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Teen FictionIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.