Joon’s POV
Nasa kusina ako ngayon, umiinom ng Milo. Pampatulog ko kasi to eh. Nang bigla kong nakita si Kristelle na papunta rin dito. A-ang ganda niya sa suot niya! Bagay talaga sa kanya yung suot niya kanina at ngayon. Para siyang prinsesa.
“Hoy JOON.. Tulaley?” – Kristelle
“Ah, hehe.. Bakit gising ka pa?” – ako
“Di ako makakatulog kung walang Milo. May milo ba dito?” – siya
Pareho pala kami.
“A.. Oo, eto nga eh, umiinom na din ako, pampatulog ko to.” – ako
Tumayo na ko at kumuha na rin ng Milo para sa kanya. Pinagtimpla ko na rin siya, tapos nilagyan ko ng konting gatas, at katamtamang asukal. Una tinunaw ko muna sila sa kaunting mainit na tubig. Nung tunaw na, nilagyan ko naman ng malamig na tubig at yelo. Haha.
Nung tinikman niya.
“Ano? Ayos ba?” – ako
“Hmm. Sige na nga. Aaminin ko, ikaw na! Haha. Sarap ahh..” – siya ^^
“Haha. Expert ako diyan eh. Tinuruan ako ni.. Mama.” – ako
“Anong meron sa mama mo? Iba yung tono eh” – siya
*sigh.. Eto na..
“Like I said nung una tayong magkwentuhan.. Business Management is not really my type.. E gusto ni Papa, ako yung magmanage ng business or company niya pag nasa tamang edad na ko. E anong ginagawa ng mga assistant niya? Wala daw akong silbi kung hindi ako. Ang mama ko ang pinaka-kaclose ko sa pamilya.. Tch. *smirk* siya lang naman ang nakakaintindi sa’kin e. Si Papa? Ewan ko ba kung mahal ako nun.” – ako
“Mahal ka niya. Baka hirap lang talaga yung papa mo sa pageexpress ng LOVE niya sa’yo. Believe me. Mahal ka ng papa mo. Siguro pinapakita na niya, pero ikaw tong di sumasalo o namimisinterpret mo lang.” – siya
“Sabi pa nga niya, ipapadala niya ko sa US pag hindi ako sumunod. Nasan don ang pagmamahal? Nilalayo niya ko kay Mama, nilalayo niya ko sa mga kapatid ko. Si mama na nga lang nakakaintindi at nagpapasaya sa’kin tapos mawawala pa? No way, ayokong malayo sa kanya. So yun, nakita ko si TJ, nagsabihan ng problema. Kahit mga bata pa kami nun, sinasanay na kami sa mga pressure na yan. Nakilala namin si Christian and Poof! Barkada na kami. Nakahanap ako ng tunay kong pamilya” – ako
“E tanga ka pala eh, sorry ah, pero ikaw na kasi mismo ang naglayo ng sarili mo sa mama mo” – siya
“Hayyy. Bahala na, ako pumili nito, ako rin nagsabing wag nila akong hanapin. Ako, hahanapin ko sarili ko. Pero sa 5 taon na hindi ko sila kasama, di ko pa rin alam. Nakikita ko pa naman sila, pero hanggang tingin na lang ako sa malayo dahil sigurado ako, kiamumuhian na ko ngayon ng tatay ko” – ako
“Try mong ienroll ang business ad.. tingnan lang natin kung sinong walang kwenta. Good night Joon” – ngumiti siya sa’kin sabay akyat sa taas.
Nung nawala na siya sa paningin ko.
“Salamat, Kristelle..”
Baka pwede ko ng ibaba muna yung PRIDE ko.
Kristelle’s POV
*poke *poke
HMM. Anu ba yan Istorbo!
*poke
*poke
Tsk. Napabangon ako ng wala sa oras. At tiningnan ko kung sino yung nangangalabit sa’kin.
Yung tatlong lalaki pala. Nagtalukbong ako ng kumot. Tss. Ang aga aga eh.
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Novela JuvenilIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.