Remebering the past naman ngayon. haha. Enjoy Reading! :)
***********
Kristelle’s POV
Nagising nalang ako sa lakas ng ulan.
Ah..Shoot!
Tumayo na ko.
Waaa. Bakit pa kasi ako natulog sa tabi ng puno eh.. Nabasa rin tuloy ako!
Hindi na ko tumakbo kasi basa na talaga ako.
Brr. Ang lamig. Anong oras na ba..
8:00 pm na pala. Wala man lang gumising sa’kin. Asan na ba ang barkada. Wala nang tao dito eh.
Bakit parang...
“Oh..”
“Nakita kasi kita eh..Kawawa ka naman. Kaya tumakbo agad ako papunta sa’yo at sinabayan ka sa paglalakad” – CL
Nagexplain agad siya. HAHA.
“Mahirap kayang mag-isa..” – bulong pa niya..na hindi ko masyadong narinig. -_-
“Bakit wala kang dalang payong?” – tanong ko sa kanya
“Para san pa?? Basa ka na kaya”
At ngayon lang nagsink-in sa utak ko..
“TEKA NGA. TARA BILISAN NATIN. MAGKAKASAKIT KA NYAN EH! CHRISTIAN NAMAN EH. ANO BAAAA” – ayaw pa niya kasing magmadali
“Kagaya nga ng sinabi ko..Basa na rin naman tayong dalawa..Sulit sulitin na ^___^ Minsan lang ako makaligo sa ulan”
“AISH. TARA NA KASI.” – at hinila ko na siya papasok sa bahay nila.
“Bakit ka pa kasi nagpabasa sa ulan..magkasakit ka niyan ako pa may kasalanan” – sabi ko habang patuloy kami sa paglalakad sa loob ng bahay niya..
Papunta na kong hagdan.
“Oh.. Kabisado mo ang bahay ko? Ay. OO NGA PALA. Dito ka nakatira dati. Diba? Diba?”
Di ko na siya pinansin. Nagmadali nakong umakyat papuntang kwarto niya at kumuha ng tuwalya.
Bumalik ako sa kanya na nasa hagdan pa rin hanggang ngayon.
“Oh..” – pinatong ko sa ulo niya yung tuwalya. Mukhang nagulat siya.
Aalis na sana ako para maginit ng tubig. Kaso.. May tuwalyang tumakip sa mukha ko.
“Ganyan ka pala.. Iniisip mo muna yung ibang tao, kaysa sa sarili mo?” – sabi niya habang tinutuyo yung ulo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/3740724-288-k851121.jpg)
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Teen FictionIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.