Hanixyxy's Note: HAHA. Alam kong malilito kayo. Kaya advice ko lang ah? Tingnan muna yung mga POV para hindi maguluhan ^^ Thanks :* Enjoy!
____________________________________________________________________
Kristelle’s POV
Pagkatapos namin kumain, dinala niya ko sa isang lugar.
Garden siya. Yung halos di na naaalagaan? Pero maganda pa din. :)
Kasi dito.. Kitang-kita yung moon.
Yun lang yung nagsisilbing liwanag sa garden na’to.
“Ang ganda naman dito! HAHA. :)))” – ako
“Ang galing ko noh. HAHA”
“For sure nadala mo na si Kriss dito”
“Hindi. Para sa’yo lang ‘to. Bilang pasasalamat na rin sa pagtuturo mo sa’kin..”
“Talaga? HAHA. Salamat! :) Pero seriously CL? Hindi mo na kailangan pang magturo simula pa lang nung umpisa. Kasi pag sa babaeng mahal mo, automatic yan, yung mga nagagawa mong bagay, hindi mo alam, nakakapagpasaya na yun sa kanila. Yung akala mong simpleng bagay? Malaking bagay na rin yun sa mga babae. You just need to be yourself. :) Hindi mo na kailangan pang matutunan sa iba yan. Dahil ikaw mismo, alam mo ang dapat. Sabi nila TJ, ikaw daw yung taong masiyahin. :) I can see it. Simula nung dumating si Kriss nagbago ka na. M-mahal mo nga talaga siya nuh? HAHA. Ang swerte niyo sa isa’t isa. :)”
Napa speech ako ng wala sa oras aa. HAHA.
“Tara, may ipapakita ako sa’yo..”
Dinala naman niya ko sa seaside. *o*
Eto ang gusto ko! ^_____________^
Yung dagat tsaka yung moon ^^. Dagdagan pa nung city lights.
Ang lapad na ng ngiti ko. WAHAHAHA. Kilalang kilala talaga ako nito..
“Alam mo bang dinala ko dito si Kriss kagabi?” – siya
Nanatili akong tahimik. Nakapikit din ako.
“Ikaw ang bestfriend ko, kaya gusto ko. Ikaw ang unang makakaalam nito..”
Nakangiti at nakapikit pa rin ako. Hinihintay yung sunod niyang sasabihin.
“KT, sinagot na niya ko. Dito. Kami na ni Kriss kahapon. Sabi niya mahal niya ko.. :)”
Unti-unting nawala yung ngiti sa labi ko. Tumingin ako sa kanya. At nakita ko kung gaano siya kasaya.
Kaya muli akong ngumiti. A fake one.
“C-congrats! HAHA. Ako pa talagang BESTFRIEND mo ang unang nakaalam. Talagang pinahahalagahan mo ko bilang bestfriend aa. Nakakatuwa naman. ^^”
“A-ano. CL..” – ako
Tumalikod na ko sa kanya.
“Una na ko..” – ako
“Ha? Teka--” – siya
“Tawag ng kalikasan ehh. Pasensya na, congrats ulit!”
With that. Tumakbo na ko palayo sa kanya.
Ang lame ng excuse ko. HAHA.
E kasi... sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pero masakit.
Tumatakbo pa rin ako.
Ewan ko ba kung san na ko pupunta. Di ako tumitingin sa dinadaanan ko.
Hanggang sa mabunggo ako sa isang lalaki.
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Novela JuvenilIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.