Chapter 52: Outing

98 2 0
                                    

Kristelle’s POV

 

It’s our Graduation Day! :) Pero bago ako pumunta sa school, dadalawin ko muna sila papa at mama.

Pagdating ko sa sementeryo, nakita ko kaagad si CL. Nasa harap ng puntod ng mga magulang.....KO?!

“Huy! Anong ginagawa mo diyan? Nandun yung sa mama’t papa mo oh”

“Tsk. Saglit lang.. May sinasabi pa ko. Wag kang maingay”

Tumahimik naman ako..hinintay ko nalang siya matapos. Tapos ako na yung sumunod. Siya naman, pumunta dun sa mga magulang niya.

I prayed for our parents. And I also prayed for this day.

Kinakabahan ako na ewan.

Ganito yata talaga pag gagraduate na maya-maya. Sayang wala sila Mama at Papa para mapanuod akong grumaduate.

Nakasemi formal attire nga pala kami ngayon, tapos bitbit namin yung mga toga namin.

Pagdating namin sa school, marami na agad tao. Syempre, ang barkada, nandun kasama yung mga magulang nila. HAHA. Maya-maya nalang kami makikisama. ^^

“Tara dun sa tambayan habang hindi pa nagsisimula..”

Yaya ni CL.

“Hindi talaga ako sanay na nagdedress ka na ^^” – CL

“ -____- Kala ko nakamove on na tayo dyan sa topic na yan?”

Kanina niya pa kasi ako inaasar tungkol dito sa outfit kong to.

Babaeng babae daw kasi ako.

“Sasanayin ko na sarili ko. ^^ Kasi.. dadating yung araw na magsusuot ka na ng gown na puti.. tapos maglalakad ka papunta sa’kin. :)”

“Tapos sabay tayong magpropromise kay Lord. :’> Tapos mapapalitan na yung apelyido ko, ganun ba?”

Tumango naman siya as a sign of ‘Oo’..

Ganito talaga kami. Lagi naming pinaguusapan ang mga bagay na may kinalaman sa future NAMIN.

Parang sure na sure na kami na kami pa rin hanggang huli. Hindi man namin sa isa’t isa, alam kong parehas kami ng nakikita sa hinaharap.

Nagsimula na yung Graduation namin. Maraming parents sa likod. Then we did the order of the graduation. Nakatayo na kami, kasi sa major na namin magtatawag. Gusto ko nga yatang umiyak ngayon. Kasi nakakalungkot at ngayon ko nadama ang sobrang pagkamiss ko kay Mama at Papa.

Masakit. Sa. Puso.

Ayaw ko na ngang alalahanin kung paano ko nalagpasan yun, na piiiiiinakamasakit na nangyari sa buhay ko so far.

It's You <3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon