Kristelle’s POV
Tahimik pa rin ako sa kotse. Di ko naman alam kung saan kami pupunta eh.
Saan nga ba?
Baka pupunta kami sa hindi mataong lugar, tapos dun ako iiyak?
Hmm. Baka naman pupunta kami ng bar at magpapakalasing! O.o
Omo. Definitely not. Ayoko nun.
Maya-maya. Huminto na kami. Lumabas na sila at lumabas na rin ako. Ngayon, naglalakad na kami papunta sa isang.....
AMUSEMENT PARK?!
Eh? Bakit naman dito? Diba pumupunta ang mga tao dito para magsaya?
“Wala ako sa mood magsaya. Uwi na ko” – ako
Tumalikod na ko. Pero nakakailang hakbang palang ako. May humila na sa damit ko.
Si Joon.
“Hindi pwede! Tara na. Tara na.” – siya
At ayun. Hinatak nila ako papasok.
*sigh
Dinala nila ako sa ‘Movie house’. Akalain mo yun? May movie house sa amusement park?? Oha. Dito lang yan.
Nanuod kami. At alam niyo ba yung pinanuod namin?! Isa lang naman siyang tragic story. T_T
At sa di inaasahan. Napaiyak ako. TSK.
Naalala ko si Papa at Mama.
Sumakay kami sa iba’t ibang rides. Grabe, masusuka nako ehh. ><
Pero di ko magawang mag-enjoy.
Sunod naming pinuntahan is roller coaster na napakataas!
O_O
Buti walang namamatay dito??
“Ayoko diyan” – ako
“Why? Wag mong sabihing takot ka sa height KT?” – CL
“Hindi ah. Ayoko pang mamatay noh kaya hindi ako sasakay diyan” – ako
Totoo naman eh. Konti nga lang ang pumipila eh. ><
Pero sa huli. Ano pa nga ba? Sapilitan to eh! Tss
TJ’s POV
Nakasakay na kami ngayon sa Roller Coaster. Pansin ko lang ah. Bakit biglang dumami yung mga tao.
Anyway. Ganito yung ayos namin.
Ako.Joon.Kristelle.Christian
Maya-maya, umandar na. Nung una, mabagal lang pero unti unti din tong bumibilis.
Tiningnan ko si Kristelle. Ayun nakapikit lang. Di man lang sumisigaw? Wala bang kinakatakutan tong babaeng to??
*ting!
May naisip ako :)))))))
“HOOOOYYY!!! KRISTELLE!!! KUNG KAILANGAN MO NG KAIBIGAN. NANDITO LANG KAMEEEEE!! DI KA NAMIN IIWAN!”
Tumingin naman ako kay Joon.
“OO NGA KRISTELLE!!!!! KAYA KUNG GUSTO MO NANG ILABAS YANG NARARAMDAMAN MO, SIGE LANG!!!!! DI KA NAMIN PAGTATAWANAN KAHIT PA PANGIT KA PA UMIYAAKK!!!!!!!” – Joon
Sira talaga tong si Joon. Tumingin naman siya kay Christian.
“KRISTELLE!!!! BINILIN KA NG TATAY MO SAMIN!!! AT KAHIT NA HINDI NIYA SABIHIN.. TINUTURING KA NA NAMIN BILANG KAPATID! KUNG GUSTO MONG UMIYAK, UMIYAK KA NA!!! GAWIN MO NA GUSTO MO, para gumaan na yung loob mo” – Christian
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Novela JuvenilIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.