TJ’s POV
“Guys, kailangan ko ng umalis..”
Nung narinig namin yun, agad agad nagbihis sila CL at sinamahan na namin si Kriss sa airport.
Sa kotse ko sumabay si Kriss. Niyaya ko e. Hehe.
Magkita kita nalang daw sa airport.
Mabilis na yung pagmamaneho ko nun. At mas lalo ko pang binilisan.
“T-TJ. Masyado na yatang mabilis.Hindi naman ako nagmamadali e”
“Ah, sorry..”
Masyado nakong natetense dito. Tsk.
Binagalan ko na yung pagpapatakbo sa kotse at inihinto muna ang sasakyan sa gilid.
“May problema ka ba?” – tanong niya sa’kin
Ipinatong ko kasi yung noo ko sa manibela.
“Wag ka nalang umalis.. Please?”
AYAN! Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kanina pa. Tiningnan ko siya and she looks so puzzled.
“Wag mo ko ulit iwan”
Alam kong para akong tanga dito pero....itatry ko pa rin na pigilan siya.
Ayoko. Ayokong mawala siya sa tabi ko. Selfish na kung selfish. Mahal ko e.
Walang kasiguraduhan kung babalik pa siya. Pano kung may makita siyang ibang lalaki dun?
“Bakit mo sinasabi sa’kin yan?”
Tumingin ako sa mga mata niya at sinabing, “Kasi mahal kita”
Halatang nabigla siya sa sinabi ko.
“Please don’t go”
“*sigh* Look, TJ. I’m sorry. Kailangan ako sa states. And I’m sorry again because hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. Thank you. Thank you kasi, kasi...mahal mo ko. Let me just take my time in states and let’s just remain friends muna. Okay?”
Tumango ako.
Atleast nasabi ko yung gusto kong sabihin. Nasabi ko na mahal ko siya. I thought na mapipigilan ko siyang umalis pag sinabi kong may nagmamahal sa kanya in a romantic way, pero hindi. Aalis pa rin siya.
And she’s different. That’s why I love her.
Pumunta na kami sa airport. Napakahirap gawin nito, lalo na kung ayaw mong umalis ang taong mahal mo.
***
“Mag-iingat ka dun ah?”
“Oo naman. HAHA. I can take care of myself.”
“i promise” – dagdag pa niya.
Isa isa niya kaming niyakap ang when it’s my turn.. she kissed me on the cheeks.
“Thank you.. :) I will miss you bestfriend” –saka niya ko niyakap. Niyakap ko rin naman siya pabalik.
Then nagpaalam na talaga siya sa’min kasi tinatawag na sila.
One last glance. Hindi ko pa sigurado kung kailan siya babalik o kung babalik pa ba siya.
Cutie’s POV
Mabilis nagdaan ang mga buwan. Tapos na rin kami sa fifth year. Nung summer, may kanya kanya kaming ginawa eh. Except kila Tiantelle loveteam, Joon at Lex. Palagi kasi silang magkakasama. Di na nagkasawaan.
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Teen FictionIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.