This is a work of fiction. Some names, characters, business, places and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. There may be parts that are taken in a real incident but this story is more fictional.
In short, ang iba dito ay sadyang kathan isip lamang
-------
Habang nagsusulat na ako sa ika hindi-ko-na-alam-ang-bilang na sulat ko ay agad na pumasok ang isa sa mga naging malapit ko ring kaibigan na si Charles
"Para saan ba tong mga sulat na to ah?" nagtatakang tanong niya habang hinahawakan niya ang isa sa mga sulat ko at tinitignan niya ang ibang sulat na nasa kama ko at ang iba naman ay nasa lamesa lang.
"Wag ka ngang makealam Charles, ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang nakatuon parin ang atensyon ko sa sulat na ginagawa ko
"Wow, nakalimutan agad? May lakad tayo ngayon Amber, pinagusapan na natin to last week. We're supposed to watch Pan together" nakahalukipkip na sambit ng mala oa kong kaibigan. I rolled my eyes at what he said, nagdradrama na naman. Ganyan na talaga si Charles simula nung nagkalapit kami, feeling mo ultra mega close kami, masyadong madrama, kesyo di ko daw siya tinutuunan ng pansin. Sino ba siya para gawin ko yun? Boyfriend? Ew. "Boyfriend", the term even makes me feel like I'm gonna vomit anytime soon, hindi sa Ew si Charles, pero ayaw ko pa sa mga lalake, I mean I don't have any intentions to divulge my time into such petty things. Marami akong pangarap sa buhay and maybe because, wala namang magandang naidulot yang mga lalake sa buhay ko
Especially my ex
Yup, my latest ex
I hate him. I hate every inch of him, don't get me wrong, di naman ako sa bitter. I just simply hate him. Walang kapatawaran ang ginawa niya. Walang wala
And this letters? It's for him. To the boy who broke my heart
"Oo na Charlie, tumahimik ka muna dyan. I'll be done with this, hintayin mo nalang ako sa sala and I'll be there" seryoso kong sambit habang tinatapos ko na ang sulat
"Eh ano ba kase eto Amber? At ang dami dami naman ata ng sulat na to? Love letters ba to? Kanino mo ba to ipapadala? May nagugustuhan ka na bang lalake ha! Ha! Amber? Ano ba? Sagutin mo naman ako!" pasigaw na sambit at walang katapusang tanong ng lalakeng to. Naririndi na talaga ako sa kanya ha! Kita mo ngang nagcoconcentrate ako dito tapos sigaw ng sigaw.
"Pwede ba Charles, tumahimik ka nga muna diyan! Naririndi na ako sayo ah!" sigaw na sambit ko na may halong pagkairita pa habang tinatakpan ang tenga ko
"S-Sorry. Nadala lang ako sa emosyon. Para kanino kase eto?" tanong niya habang nakakunot ang noo at bubuksan na sana niya ang isang sulat ng mahuli ko siya at biglang inagaw sa kamay niya ang sulat ko
"Wag ka ngang makealam ng gamit ng iba! Tsaka eto?" sabay pakita ko sa sulat ko "...Wala to. I'll tell you at the right time" sambit ko habang nakasmirk pa sabay fold ko sa isang sulat at nilagay na sa pink na envelope.
"Just wait for me sa sala Charles. I'll get changed" sambit ko at tumayo na ako. I fixed all the letters that I've made so far. Halos mag o-one month na ako nagsusulat ng letters. Waiting for that day. The 18th of this month. Plano ko ng ipadala to sa walanghiyang ex ko
Yes. I'm mad at him but why am I wasting my precious time writing him letters? Well, that's because I hate him and I want him to know that.
Sinimulan ko to the day we broke up, yes I was still freaking crying and sobbing the whole time I was writing the first hate letter. Until umabot ako sa araw na to. Today is the 29th of September. And bukas ko nato ipapadala sa kanya para dumating talaga sa kanya, saktong October 1
Nang matapos na ako sa pagliligpit at pagbihis ay bumaba na ako at pumunta sa sala. Pumunta kami ni Charles sa SM para manuod ng 'Pan' na movie. Gaya ng sabi niya, last week pa niya akong pinipilit na manuod, eh wala na akong magagawa, mapilit ang gago tsaka libre naman niya eh kaya pumayag na ako but there was a rule
Habang namimili kami ng popcorn, pangiti ngiti pa ang mokong. Agad naman akong napakunot ng noo. Ano na naman kaya ang naiisip ng gagong to
"Hoy! Ano bang nginingiti mo dyan" sabay hampas ko sa likod niya, agad naman siyang napa "Aray" at hinagod hagod ang likod niya. Psh. Weakling.
"Ano ba naman yan Amber, ang sakit mong makahampas. Galit lang?" sambit niya habang hinahagod parin ang likod niya sa sakit
"Hays, parang ano naman yun. Weakling. Sabi ko, bakit ka ba ngumingiti na parang asong ulol!" sambit ko sa kanya at ang kaninang nakakunot na lalake ay biglang napangiti na naman na parang baliw. Napailing na ako kase approve na approve na, baliw na talaga siya. Wala na siyang pag-asa
"K-Kase..Masaya lang ako" nakangiti nyang sambit
"Hoy!" at pangalawang hampas ko na yun sa kanya sa gabing to
"Aray ha! Amber naman eh!" pagrereklamo ng gago
"Hoy ulol ka, ano nga ang sinabe ko sayo nung pumayag ako na sumama sayo?" tanong ko sa kanya habang nakahalukipkip
"Na librehan kita ng popcorn" may tango tango pang nalalaman at napasmirk ako sa kagaguhan niya
Syempre, hinampasan ko ulet ang gago
"Aray! Isa nalang talaga Amber ha!" naiinis niyang sagot
"Ano? Ha? Anong gagawin mo? Aba, makinig ka sa akin gago ka! Anong sabi ko nung pumayag ako? At wag na wag mong sasabihin na lilibrehan mo ako ng popcorn at di lang isa, dalawa, tatlo kundi sampung hampas na ang maibibigay ko sayo!" nakasigaw kong sambit
"Bakit ka ba sumisigaw?" pabulong na may halong kataasan sa boses
"Ano nga ang sabi ko" pabulong na may inis sa boses kong sabi
Napabuntong hininga pa siya bago niya ako sagutin "Na, this is not a date" sambit niya sa akin at ako naman ang huminga ng malalim
"Good. It's good that we're clear about this settlement Charles" sambit ko at tinutukan ko sya ng matatag
"Oo na, Oo na, di ko naman sinabeng date to ah" at umiwas siya ng tingin sa akin at nagfocus nalang sa menu ng popcorns.
Pagkatapos naming makabili ng popcorn ay agad kaming pumasok sa sinehan at nanuod na ng movie. The movie was good and I quite enjoyed it. Buti nalang at di rin naging weird si Charles sa loob. He did fulfill his promise
Pagkabalik ko sa bahay ay binigyan ko muna ng sulyap ang sulat ko. Bukas na bukas, ipapadala ko na sila sa kanya and I could finally move on
BINABASA MO ANG
Dear You #Wattys2016
Teen FictionThis story is actually inspired by the books "Why we broke up" & "To all the boys I've loved before". Actually na hook ako sa mga librong to at di ako makaget over kaya naman gumawa ako ng storya na medyo may ganito but may something din na kakaiba...