21st letter
Dear You,
I still asked myself Raf, saan nga ba ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Anong nagawa ko?
Didn't I loved you enough? Nakakasakal na ba ako? O di mo lang talaga ako mahal?
I wondered where it all began, hindi ko nga alam bakit biglaan nagkaganun ka Raf
Bigla ka kaseng nagbago, parang isang araw you went from the sweetest boyfriend to the coldest human being alive out there
We've talked about this a million times and you've said your sorry a million times
Pero lageng ganun ang cycle Rafael, lage ka nalang ganun, kung tinatanong naman kita kung may problema tayo, lage mong sagot eh wala naman, ikaw ang may problema kase di mo kayang i balance ang time mo
But it wasn't that Raf, it wasn't just that
Para ka kaseng hindi yong Rafael na minahal ko, ibang iba ka na
Nag iba ka
Di ko parin ma pin point kung bakit nagkaganun, wala ka namang sinasabe
Parang sa isang iglap, nawala lahat ng pagmamahal mo sa akin
Bakit Raf? Bakit? Sagutin mo naman ako ng totoo, wag yong lage mo nalang akong ginagago
Kase ang sakit sakit lang isipin na parang kasalan ko, pero in the first place, ikaw na yong sumira sa lahat
Yong mga constant calls mo, nawala lahat, di ka na nga masyadong tumatawag and if I call you para ka namang walang gana, well there are times that you seem to enjoy our conversation pero may time rin na parang napipilitan ka nalang
Yong mga skype natin, unti unting nababawasan, parang ayaw mo na. You would rather have skype with your friends than me, ako na girlfriend mo, na malayo sayo
Yong mga goodnight and goodmorning text mo? Nagiging cold na, parang wala lang, parang napipilitan lang
Yong mga text mo, unti unting nababawasan rin, kung dati every minute may text ka, pero naging madalas nalang, minsan inaabot ka pa ng apat na oras bago ka makakareply
Minsan naman nakakalimutan mo na nga akong batiin ng goodmorning, minsan ako na lage ang nauunang mag text sayo when you aren't even that in the first place Raf
Kung dati ang tagal nating mag usap, matagal tayong natutulog, pero dumating ang araw na parang ayaw mo na akong kausap at mas gusto mo nalang matulog o magpanggap na tulog
May isang araw pa nga yon na nahuli kitang gising pa, when in fact, you told me that you are going to sleep already kase maaga ka pa bukas pero putangina kang gago ka! Online ka pa eh
At alam kong gising na gising ka pa, kase may time na ino-offline mo nung nag chat ako tapos maya maya nag online ka na naman
Dapat sa panahon na yon Raf, sumuko na ako, dapat nakipaghiwalay na ako kase kitang kita na eh, alam na alam ko ng ginago mo ako pero balewala lang sa akin, nanahimik ako, di kita kinonfront immediately
Yung pag tawag mo sa akin ng "kalog" at "baliw", nawala na rin, di mo na ako tinatawag ng ganun
Bakit nga ba Raf? Bakit biglang naging ganun? Nagsawa ka lang? Kaya ganun?
I remembered telling you what I felt when you began to change, nung araw na yon, di ko na kaya pang itago lahat, yong araw na yon, sagad na ako eh
Me:
Rafael, kung may problema, sabihin mo agad sa akin, wag yong ganito. Ewan ko ba kase babe, nagbago ka eh, bigla bigla ka nalang nagiging distant sa akin, bigla ka nalang naging cold, wala ka ng masyadong time sa akin at may time pa na nahuli kitang online ka naman pala, na gising ka pa pala pero sinasabe mong matutulog ka na, ano ba kase talaga? Para naman maayos natin
Baby:
Babe :( Sorry, di ko naman sinasadya maging distant and sorry kung feel mo ang cold cold ko na, di naman ganun eh. Wala namang problema eh
Yon Rafael, yon ang lage mong dinadahilan, di naman ako mind reader para alam ko kung ano ang iniisip mo, kaya nga tinatanong kita kase di ko alam, wala akong naiintindihan
You always tell me that there's nothing wrong, na wala naman akong ginagawang masama, that you loved me for who I am at di ka naman galit, wala kang iba
You were just busy
Yon ang lage mong sinasabe Raf, but I always knew there's something else, I just couldn't figure what was that thing
Simula nung nagbago ka, lage na akong bothered, lage na akong nagdodoubt, lage ko na tinatanong ang feelings mo para sa akin
Kase pinaparamdam mo sa akin na unti unti ka ng nawawala Raf
Unti Unti ka na nawawalan ng pagmamahal
And I was right
I was damn right
But why Raf?
Kung wala akong kasalanan, kung wala akong mali, kung wala naman pala talaga sa akin ang problema then what the hell is wrong Raf? Why the hell did you left me?
Why the hell did you do that?
Why did you changed?
Dumating pa nga ang araw na buong maghapon, wala kang paramdam sa akin
Dumating ang araw na parang wala ka ng pakealam sa akin Raf, na wala nalang ako para sayo
Naramdaman ko yon, I felt that I was just nothing to you
Did you really changed? O ako kaya ang nagbago?
Oo nga, di naman natin ma foforce ang tao to be someone they are not but you were sweet Raf, yon ang tanong ko eh, kase in the first place, sweet ka naman talaga, you always cared, you always text me, you always call me pero bigla kang nagbago
Bigla ka naging cold
So ofcourse, magtatanong talaga ako
I can't just sit there and pretend that there's nothing wrong
Everytime I tell you that we should talk about it, lage kang nagmamadali na maayos, lage mong inaavoid ang heavy converstations, so ofcourse Raf, di talaga natin maayos
Especially when I'm the only one who's committed and who is willing to fix it
Yes, I was the only one who was fighting
I was the only one who want this to last
Kase ikaw, matagal ka ng bumitaw
Matagal mo na akong iniwan sa ere
The moment that you've changed, you've already left me
-Amber
BINABASA MO ANG
Dear You #Wattys2016
Teen FictionThis story is actually inspired by the books "Why we broke up" & "To all the boys I've loved before". Actually na hook ako sa mga librong to at di ako makaget over kaya naman gumawa ako ng storya na medyo may ganito but may something din na kakaiba...