16th Letter
Dear You,
I guess one of the things I really loved about you being my boyfriend was that di ka naman talaga masyadong strict sa mga bawal. Although there was a night that you were totally open sa mga things na ayaw mong ginagawa ko
Usually kase di mo masyadong sinasabe, parang napaguusapan lang tapos sinasabe mo lang na wag akong mag ganun pero you were never transparent enough of how you hated me doing things like that
Tulad nalang ng bawal akong umiinom, okay lang sayo na uminom ako pero konti lang. When I become drunk, dyan kana nababadtrip
You told me you just wanted me to be safe and trust me on this Raf, kilig na kilig ako
Gustong gusto kong pinagbabawalan mo ako, I don't want my parents telling me what I shouldn't do, minsan nga naiinis ako sa mga bawal nila sa akin
But when it comes to you? Ewan ko ba, parang gusto ko na possessive ka, gustong gusto kong pinagbabawalan mo ako
Kase sa mga bagay na ganun, doon ko nararamdaman na mahal mo talaga ako
O baka naman talaga nadadala lang ako sa mga napapanood ko at nababasa ko sa mga teen fiction, usually kase sa guys nila, pinagbabawalan talaga nila ang girlfriend nila and I wanted you to be that one
Maybe that was the part where I could blame myself for what we become Raf
Kase pilit kitang ginagawa o pilit kitang tinutulad sa mga fictional characters na gusto ko
Maybe I was just to hopeful
Sinabe mo rin sa akin dati na bawal akong mag two-piece. I remembered telling you that I was going to a beach with my family, kase parang post celebration yun ng birthday ko
"Wag kang mag two piece" you said when we were talking on the phone
Pero yun nga nag two-piece parin ako
I remember you telling me na mas gusto mong mag shorts nalang ako at t-shirt kase ayaw mong nababastos ako
You told me ayaw mo rin akong nagpupupunta sa club, yes Raf, I stopped my night outs, I stopped going to clubs, kahit with friends man lang. Hindi na ako pumunta kase ayaw kong magalit ka. Oo minsan nasusuway kita pero pag alam kong sosobra na ang galit mo, di ko parin kayang gawin
Kase nga tangina, minahal kita ng sobra pa sa buhay ko
I remembered how you were mad when I joked you about me going to club
"Babe, baka mamaya pupunta kami ng club, tapos mag iinuman don" nakangiti kong sambit, kase gustong gusto kitang tinutukso
"Sige ba, bahala ka" irritation was evident in your voice
"Talaga? Okay lang? Tapos magsasayaw kami" nangingiti parin ako
"Sige ha, gawin mo ha. Bukas, wala ka ng boyfriend" seryoso mong sambit pero natawa lang ako dun
Maybe I should have taken the hint? Na bawal kang galitin ng sobra, kase pag nagkataon, kayang kaya mo akong iwan
"Eto naman oh, di na mabiro baby ko. Joke lang baby, uuwi na ako promise" sagot ko sayo nun nung nagalit ka na
That night when I went home, agad kong chineck ang twitter account mo and there I knew how much you hated me going to clubs and drinking late
"Sige ha, pag ako nag ganun, wag mo rin akong pagbabawalan ha?" that was one of the tweets you tweeted that night
"NAKAKABADTRIP" other tweet from you, I guess this was tweeted when I told you na pupunta kami ng club
Bigla ako nung na guilty and after that night Raf, I tried my best to become a good girlfriend to you, din a ako nagiinom ng sobra. Nag iinom lang naman ako pag may away tayo
Other girls don't want their boyfriends being clingy or possessive pero ako? I really love when you suddenly become so clingy and possessive
Ilang beses kitang tinanong dati kung anong mga ayaw mo na ginagawa ko
Mailap ka lang sumagot, sinabe mo lang na ayaw mo akong nagiinom at umuuwi ng disoras na ng gabi
You don't want me to go to a club
Akala ko yun lang talaga Raf because you told me so
Pero later on, habang tumatagal
Unti unti mo ring nasasabi sa akin na ayaw mong nag uusap tayo sa mga past crush ko o past relationship ko
Ayaw mo rin pala na nagshoshorts ako ng maikli
Ayaw mong nagpapalipas ako
Ayaw mong nagpupuyat ako
Pero sana sinabe mo nalang lahat Raf, sana sinabe mo nalang lahat ang mga bawal
Kase baka kung alam ko lang sana ang lahat, di sana tayo nagkaganito
Sana pala simula pa lang, alam kong ayaw mo akong nagtatanong tungkol sa ex mo
Na ayaw mong icompare ka sa ibang tao
Na ayaw mong pabalik balik nalang ang issue
Pero masisisi mo ba ako Raf? Ilang ulit narin akong nagsabi sayo kung bakit ako nasasaktan sa tuwing ginagawa mo yun, pero parang wala lang naman Raf. Parang labas pasok lang sa tenga mo ang lahat ng sinasabe ko
It seems that you only listen to the things you want to hear, yung mas papabor sayo
Pero sana naman pinagbawalan mo ako
Pero baka naman talaga eto ang dapat
Kase nga, like I've always said in the previous letters
Isang malaking bawal ang relasyon natin
-Amber
BINABASA MO ANG
Dear You #Wattys2016
Teen FictionThis story is actually inspired by the books "Why we broke up" & "To all the boys I've loved before". Actually na hook ako sa mga librong to at di ako makaget over kaya naman gumawa ako ng storya na medyo may ganito but may something din na kakaiba...