24th Letter
Dear You,
Malapit na malapit narin tayo sa huling sulat ko sayo Raf at unti unti ko naring binabaon sa limot ang lahat ng nadarama ko para sayo
Kung madami tayong magagandang alaala, marami din tayongg alaala na gustong gusto ko ng makalimutan but I can't forget about it because it's part of us
Ilang beses na siguro akong umiyak dahil sa mga away natin, ilang gabi ako nag iisip kung ano ba talaga ang nagawa ko at nagbago ka. Kung may iba ka na ba o kung sawa ka na
Ilang beses akong umiiyak dahil sa mga naiisip ko
And then our fights, our fights grew bigger and bigger at mas lalo kong nadarama ang pagod. Pagod sa relasyon na parang wala nalang, sa relasyon na puno nalang ng pagsasakitan
I still remember those fights that we had Raf, I guess one of the major fights that we had is nong time na nag inom ako, buong magdamag akong umiinom nun tapos pumunta pa ako ng club. Hindi ko alam kung alam mong pumunta ako but that night you were so mad
Babe:
Umuwi ka na babe, lasing na lasing ka na
Me:
Uuwi narin ako mamaya
Babe:
Wag kanang gumala pa ha
Me:
Oo na nga, nasan ka na? Anong ginagawa mo na?
Me:
Babe?
Me:
Sige diyan ka naman magaling eh. Text ka nalang pag may oras ka na sa akin
Ilang oras akong nag intay ng reply kase di ka na nagrereply since your last text na pinapauwi mo na ako
You were mad at me already kase nga binabaan kita, eh syempre binabaan kita kase di na kita nun maintindihan and I wanted to puke already
Babe:
Okay lang ako. Soundtrip lang
Oh diba kung makapagtext ka parang wala lang nangyari, parang di dalawang oras akong nag intay
Me:
Galit ka ba sa akin?
Babe:
Ano sa tingin mo?
Me:
Sorry na nga diba? Di ko naman yon sinasadya
Babe:
Binabaan mo ako and you were shouting at me
Di na kita mareplayan because I was trying to sober myself up kaya pilit kung sinusuka lahat ngi ininom kong alcohol nung gabing yon, di ko na nga namalayang dinala ako ng mga walanghiyang kaibigan ko sa club
We were at Club Genova at I was still dizzy kaya di kita ma text agad nun but when I was sober enough, I tried to review the texts and then I replied
Me:
Di ko nga sinasadya, I was so dizzy. Sorry na babe :(
And ilang ulet pa akong nag sorry at nag text pero wala paring reply and when we finally decided to go home, I texted you one last time, di ko pinaalam sayo na we went to a club that time kase alam kong mas lalala ang away natin, I wanted to fix it and so I didn't tell you
Me:
Babe? Sorry talaga :( Wag kanang magalit please? Di na ako iinom promise. Sorry na baby :(
And when tomorrow came, wala ka paring reply, di ko na nga mabilang ilang ulet na akong nag text sayo. I was texting you every damn time and I was saying sorry, feeling ko nga nauumay na ang salitan 'sorry' sa akin sa kakagamit ko sa kanya
And then I tried calling you and you know what happened next?
"The number you dial is not yet in service, please try again later"
Ilang ulet pa akong tumawag at ganon parin and I was beginning to be nervous. Is this the end? Iiwan mo na ako? Ganun lang? Putangina!
Hanggang sa di ko na namalayang pumapatak na ang mga luha while trying to call you and praying na sana mali ang kutob ko
Na di mo ako magagawang iwan sa ere ng ganito lang
That's just insane!
Pero hanggang sa napagod ako sa kakatawag at napahagulgol ako
But that night Raf, my heart skipped a beat when you texted
You said you were busy the whole day kaya di mo magawang magreply and wala kang load and the time that I called you, lowbat ka na. Yun yong sabi mo pero galit ako nun Raf, galit na galit kase di mo man lang nagawang mag sorry, pinakaba mo ako, akala ko ano na but you texted me like nothing happened, pinalagpas ko yun kase ayoko na ng panibagong away
Simula nun, sunod sunod na ang away natin, dumating pa sa punto na nag away tayo sa birthday ko, you were jealous sa crush ko kase he greeted me and even made me a birthday video message at nag joke ako sayo nun, partly gusto ko rin nun magparinig
"Buti pa siya he made me a video message, eh ikaw? Wala kaman lang gift sa akin"
And then you were mad kase ayaw na ayaw mong kinocompare ka sa ibang tao and yes, it was my fault kaya nga nag sorry ako diba?
Then comes your ex, one of the biggest fights that we have, ilang araw din akong nagselos sa ex mo na napagod ka kase ganun nalang parati
You can't blame me Raf, kase sa tuwing tumatawag ako sayo, ayaw mo akong kausap, gusto mo natatapos agad tayo, kung mag text ka sobrang plain and cold, tapos ang tagal mong magreply, aabutin pa ng half day bago ka makapagreply pero pinalagpas ko yun Raf
But I was also a human, I guess you've forgotten that part
I was a human being, capable of being hurt and tired
Hanggang sa napagod ako sa kakaintindi sayo at kaya kinalaingan kitang i.confront, ofcourse, I wanted to fix everything from us
"Raf, ano ba talaga? May iba ka ba? Kaya ganyan ka? O baka naman yung ex mo talaga ang rason that I'm just your rebound"
"Ayan na naman tayo eh, hindi nga at wala nga akong iba eh. Naman, paulit ulit nalang tayo, away nalang tayo ng away, pwede bang magkaroon ng araw na di tayo nagaaway?" sambit mo nun nung nag usap tayo sa telepono
And that night you tweeted something that pained me until now
"Pag ako talaga nagsawa. Nako" That's what you tweeted that time Raf
Sobra akong nasaktan kaya wala na naman akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak
Alam mo ba ang nakakasakit? Kase parang kasalanan ko na nag aaway tayo eh kung in the first place, kung di mo ako ginagago, di tayo mag aaway ng paulit ulit
You didn't do anything to fix our issues kaya paulit ulit tayo
Ilang beses kitang nahuli na nagsabi ka sa akin that you are going to sleep pero gising ka pa pala, you were freaking online the whole time and I was quiet, di ako nagpapabuking na nahuli na kitang naka online
Ilang beses ko yun pinalagpas Rafael hanggang sa di ko na kinaya ang sakit and I had to tell you about it
And ikaw pa ang galit nun? Kase lage nalang ganun? Lage akong may maling duda? Kase hinahayaan mo akongg makgaroon ng ganoong pag iisip
Kase you made me doubt you even more with your lies Raf
Hanggang sa umabot ang puntong gusto ko ng makawala sa mga kasinungalingan mo
-Amber
BINABASA MO ANG
Dear You #Wattys2016
Teen FictionThis story is actually inspired by the books "Why we broke up" & "To all the boys I've loved before". Actually na hook ako sa mga librong to at di ako makaget over kaya naman gumawa ako ng storya na medyo may ganito but may something din na kakaiba...