Twenty-Third Letter

7 1 0
                                    

23rd letter

Dear You,

Alam mo kung ano ang pinakamasakit na ginawa mo Rafael? Aside sa naghiwalay tayo, aside sa ilang beses mo na akong ginago

Yun ay dahil ginawa mo akong panakip butas

Akala mo di ko alam? Akala mo lang yun hayop ka! Punyemas naman kase Rafael eh, sa lahat ba naman, bakit ginawa mo akong rebound?

I thought minahal mo talaga ako o baka akala mo minahal mo ako kase for awhile, I made you happy, I made you forget about your ex

Yun nga lang, panandalian lamang, kase narealize mo na siya parin pala

It will always be her

And that pains me more

Bakit ko alam? Kase punyemas, obvious na obvious sa facebook account mo, di mo pa dinedelete photos niyo ng ex mo, there are still posts about your ex that you missed her so much at nagsisisi ka dahil nagloko ka

And that was even posted a month before we met

A month pa lang Raf tapos ganun ganun nalang? You then liked me?

Bakit? Kase ako ang gagawin mong panakip sa sakit na nadarama mo dahil wala na kayo ng pinakamamahal mong ex?

I thought you were over her kase sabe mo ayaw mo ng pagusapan ang past kase nakaraan nayon at iba na ang ngayon

At ako namang si tanga, naniwala agad sa matatamis mong salita and then it all made sense Raf. Bigla kong napatugma tugma lahat

First, ayaw mong pagusapan natin ang ex mo then ayaw mo akong lantaran na ipakilala sa facebook mo then you hide the fact that you really loved your ex that much

Natugma ko na lahat Raf, yun pala yon eh, kase hanggang ngayon, mahal mo parin siya at hanggang ngayon umaasa ka parin na magkabalikan kayo kaya temporary lang ako

Pampatanggal ng sakit

Or maybe out of boredom kaya napili mo akong lokohin at paglaruan because I was naive, I was this naive probinsya na babae at nagpakatanga para sa isang lalakeng di naman deserving

At first nanahimik ako sa na find out ko pero dahil lage ka ng walang time sa akin, mas lalo lang akong nagduda, Yes I was freaking jealous

Sino bang hindi Rafael, you loved her that much and you can't even love me that way o kahit man lang mas lamang ng konti

You were so unfair, sa kanya lahat ginagawa mo

You gave her flowers, letters at kung ano ano pa

While you gave me nothing, oo, sino ba naman ako para makipag kumpetensya sa kanya

You were together for almost 3 years Raf, anong panlaban ko? Eh tatlong buwan pa lang tayo

I can't beat your memories but I was trying so damn hard Rafael and di mo man lang yun napapansin

Yes, you gave me a letter and a stuff toy, oo naappreciate ko yun Rafael, sobra sobra pa nga eh

Pero iba kase Rafael, ibang iba

You loved her too much that you can give her your time, your heart and your everything

Eh ako?

Eh time mo nga eh, di mo maibigay man lang sa akin, I was fighting, kailangan ko pang makipagkumpetensya sa mga kaibigan mo but she didn't

All of your friends knew about her, even your family members

Pero ako? Naniwala sayo na kilala ako ng magulang mo pero di pala, you lied to me

Dear You #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon