22nd letter
Dear You,
Sa dami nang naging away natin, isa sa mga common reasons why we fight is because of the time
Sa kakulangan mo ng oras para sa akin
I know, ayaw kong magdemand, lage ko namang sinasabe sayo yon na ayaw kong nagdedemand ng panahon sa isang tao
Lalo na kung napipilitan nalang sila
At first, I swallow everything Raf, I swallow the pain of you being so distant
Di ako nagreklamo kase nga baka busy ka, all those times I thought you were busy with your studies
Pero di pala, instead you were busy playing online games
Naiintindihan ko ang mga taong naadik diyan kase for once sa buhay ng kapatid ko, naging addicted din sya sa online games
Ang di ko lang talaga kayang maatim is that you'd rather stay awake till 2 am in the dawn playing online games rather than talking to me
Raf, kung malapit lang tayo, kung madali lang para sa akin na makasama ka, kung nagkikita man lang tayo at least twice a week, I won't demand that time for us to talk over the phone, na magkatext tayo from time to time kase nagkakasama tayo pero ang problema Raf, hindi eh
Malayo tayo, sobrang layo natin and all I wanted was to spend at least half of our day talking over the phone, nagkakamustahan kase miss na miss na kita Raf, every second hurts kase di kita kasama, kase kahit anong kagustuhan kong yakapin ka at makasama ka, di ko magagawa ng basta basta
Maliit na bagay lang naman ang dinedemand ko sayo nun Raf, kahit kaunti man lang sa oras mo, oo nga, nagkakausap tayo pero parang wala ka namang gana o minsan nagmamadali kang matapos ang usapan natin
Now, sino ang di mababadtrip dun?
Kung ako kaya ang walang time sayo Raf, kung ako kaya na lage nalang kitang ipagpapalit sa mga org duties ko or other activities ko
Would you like it? Hindi diba?
Kase diba nung time na medyo na busy ako nagalit ka?
Nagtampo karin kase di man lang kita nabigyan ng oras, ano pa kaya ang naramdaman ko nung halos apat na buwan kang walang time sa akin?
May iba ngang girlfriend diyan na sobrang clingy nila sa boyfriend nila, di pa nga ako clingy niyan eh
Di naman kita pinagbabawalang uminom, ayaw ko lang na susobra kase nga magkakasakit ka na naman, ayaw kong nagkakasakit ka kase nahihirapan ka at pag nahihirapan ka, nahihirapan din ako
Parang lage mo nang pinaramdam sa akin Raf that I was basically nothing, I don't know kung simula pa ba talaga ay ganun ka na sa akin and I just kind of discovered it
Tapos ang spoiled pa ng friends mo sayo, eh sa akin nga, kahit birthday ko man lang, kahit isang sulat lang Raf, wala kang naibigay
I didn't ask for something expensive, mas mahal pa nga ang hinihingi sayo ng mga kaibigan mo pero pinagbibigyan mo sila
Eh akong girlfriend mo? When did you even consider me? My feelings?
Sabe mo malalate ka lang ng padala, nagkahiwalay na tayo't lahat, wala parin ang regalo
Ofcourse, expected ko na yon na wala kang ibibigay, ganyan ka naman sa akin eh, magaling kalang sa mga kaibigan mo
But ofcourse, who am I to complain, they have always been there for you before I came into your life so syempre mas importante talaga sila pero akala ko kase Raf, mahal mo rin ako, kahit patas man lang sana kami ng mga kaibigan mo
Or okay naman na mas mababa ako pero para kaseng wala ka lang talagang pakealam sa nararamdaman ko eh
Yes, you say sorry when you make mistakes, you always make it up to me, you make sure na di na ako galit
But then it's like you are just saying sorry because you think it's the right thing to do and not because you want it to do
Magkaibang magkaiba kase yan Raf
Dapat mahal mo ako kase mahal mo ako hindi mahal mo ako kase yon ang dapat mong maramdaman
Gets mo na ba ang difference?
Sobra akong nasaktan Raf nung napatunayan kong wala ka talagang maibibigay sa birthday ko, nag expect ako, somehow. I was too excited for my first birthday to be celebrated with you
Pero ikaw mismo ang sumira sa birthday ko
Hindi naman sa importante sa materyal na bagay, gaya ng sabi ko kahit sulat man lang or a simple move, ni di mo nga ako tinawagan para sa birthday ko, ako pa talaga ang tumawag
Ni hindi ka man lang nakipag skype
Kahit yon lang sana Raf, yon lang, time mo lang sana kahit sa birthday ko but in the end, you still couldn't give it to me
You can't blame me for being disappointed at you because of that, I have all the rights to be disappointed
Sinasabe mo wala kang pera pero pag sa LOL kahit maubos na ang pera mo, okay lang, as long as you can play
Yes, people say it's their way to relieve stress, pero andito naman ako Raf, handa naman akong makinig eh
Di ko na mabilang ilang ulit ko ng sinabe sayo ang tungkol sa issue nato, I thought we already fixed it pero ang problema, labas sa kabilang tenga lang ang ginagawa mo
Parang di mo sineseryoso ang mga pag uusap natin tungkol sa issues sa relationship natin
I wanted you to be serious about it because I want us to fix it but why do I feel that you don't want to fix it, gusto mo lang tapusin para wala ng hassle
Maybe that's the major issue of this relationship Raf
You didn't want the hassle, you always wanted the easy way out, you always wanted the chillin part, not the part where we should overcome all the misunderstandings together
Raf, pumasok ka sa isang relasyon, sa isang relasyon, di naman palaging masaya o chill chill lang kayong dalawa, somewhere down the road, you will experience countless of fights and we have to deal the shit out of it
Maybe you weren't ready or maybe I wasn't ready
Maybe we weren't ready for that love
Maybe nagmadali tayo kase akala natin handa na tayo pero nung na punta na tayo sa eksaktong sitwasyon, baka doon natin na realize that we made a huge mistake
Kase, pakiramdam ko, I was your biggest mistake
And you were my biggest downfall
Maybe we had the right love at the wrong time
Or maybe it was the other way around
Either way, we were bound to end
-Amber
BINABASA MO ANG
Dear You #Wattys2016
Teen FictionThis story is actually inspired by the books "Why we broke up" & "To all the boys I've loved before". Actually na hook ako sa mga librong to at di ako makaget over kaya naman gumawa ako ng storya na medyo may ganito but may something din na kakaiba...