Eighteenth Letter

17 0 0
                                    

18th letter

Dear You,

I guess all the good memories will always be in my heart and mind Raf, always

Naalala ko pa yong unang buwan natin, our ever first monthsary. Naalala mo pa ba yon?

Kase ako, naalala ko lahat, lahat lahat, sa phone call, sa messages, sa gifts and higit sa lahat ang pakiramdam

Ang pakiramdam to celebrate it with you

The month before our monthsary, June 19, 2015. This is the day where I started to write you the letters

Every day hindi ako pumapalya, I always wrote one letter per day, ilang ballpen na ang nabili ko para lang ma kompleto ko ang 30 letters na yon

Kase ang goal ko nun, every day till the July 18 ang letters na isusulat ko para sayo, I wanted to be romantic

Well, hopeless romantic naman talaga ako kaya innate ko na ang mga ganong thinking

Everynight kahit nakakaantok na, I made sure na di ko makalimutang sulatan ka Raf

Each letter contains different stories, stories of my day, stories of how I fell for you, stories of how you made me feel everyday, there were poems too. My own poems

Isa yan sa mga bagay na magkapareho tayo, we both write poems, but you never wrote me one

I always wrote you poems, naalala ko pa nga that I wrote a poem that every beginning letter of every sentence consists each letters that would spell your full name

Buong puso ko yun Raf, buong puso ko ang binigay ko sayo

The letters were reminders of how much I love you, and gaya neto,I instructed you to read one letter per day hangggang sa umabot na naman sa August 18 but you didn't follow it, minsan more than 5 ang binabasa mo everyday

But I was still happy, I was still happy kase parang excited ka na basahin lahat ng binigay ko

I remember when you called me the day before our monthsary, you were on a trip with your friends, kase parang may sinicelebrate ata kayo nung time na yon

You called me out of nowhere

"Hi babe, papunta na kami ngayon sa beach" you said and narinig ko pa na may kasama ka dun eh

"Talaga? Nakaalis ka na ba? Baka kase papunta na ang binigay ko" natatawa kong sabi sayo, it wasn't already a surprise na may ibibigay ako sayo, actually nag debate pa nga tayo nun na meron karing ibibigay, di naman ako naniwala, masyado ka lang talagang competitive

"Oo eh, talaga? Ano ba kase ang binigay mo sa akin babe?" nakangiti mong sambit, yes kahit di kita nakikita, alam kong nakangiti ka ng mga oras na yon, for a month I already knew how you sounded when you are happy, sad and angry

"Sekreto nga, ikaw talaga. Eh ikaw nga rin eh, kelan ba yong sayo?" sambit ko kase na cucurious na talaga ako kung totoo bang may ibibigay ka kase di nga kapanipaniwala

"Matulog ka pa ng ma 5 araw babe" natatawa mong sambit

"Grabe naman sa limang araw, tagal pa pala" nakangiti kong sambit, sinabe ko yon but honestly kahit umabot pa ng isang buwan, I'll still wait for it

I will always wait for you Raf, ganun kita kamahal dati

Then I hear voices from your side, mukhang kasama mo ang mga kabarkada mo

"Sino ba yan John!" sambit ng isang lalake

"Tumahimik nga kayo, kausap ko pa si Amber" pagtitigil mo sa mga tukso nila, napapangiti nalang ako kase nakakatuwa kayong pakinggan

Dear You #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon