VT. II Chapter 2

1.6K 19 3
                                    

Unedited--

Hawak hawak ni jeron ang aking kamay habang tinatahak namin ang daan pauwi ng bahay. Damn these heartbeats. Oh wait. Tumigil na nga pala sa pagtibok ang puso ko. But still! Why do i feel nervous? Nabalik ako sa realidad nang makita ko sila lola.

"Hey lola cha." Niyakap ko si lola at kinunutan niya naman ako ng noo.

"Haynako crystal how many times do i have to remind you not to call me lola?" Natawa siya ng bahagya. "Oo na matanda na ako"

Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang lola, kasi feeling niya daw ang tanda tanda na niya.

"Hmp okay po hindi na."

Umupo kaming lahat sa sala. Si ciera ay nasa tapat ko at busy sa pagaayos ng kanyang kuko. Naupo ako sa tabi niya habang hinihintay na makakababa sila daddy. Ohh nandito sila mommy. Hindi ako nakapagpaalam. Agad na kumunot ang noo ni mommy pagkakita sa akin.

"I thought you were in school, young lady." Ani mommy.

"Uhh yes po. Tinawag lang po ako ni Jeron. I don't know, may importante po atang paguusapan." Napatigin si daddy kay Jeron ng masama.

"What?! Ano na namang kasalanan ko? Hindi ko ba dapat dinala dito si tala?" Geez tala na naman ang tawag niya sakin. Hindi ako bituin!

"Let's talk later." Malamig na sabi ng daddy ko kay Jeron. Anong meron? May hindi ba dapat ako marinig o malaman? Pero i believe na nasa tamang edad na ako kung anuman yun.

Tumayo sa gitna si lolo Leicester. "Tama na ang pagtatalo. Wala na tayong magagawa. Nandito na ang aking apo. Hayaan niyo na siya, nasa tamang edad na ang bata para malaman niya ang tungkol sa clinton."

That's right lolo! Thanks for saving me. But wait. Clinton? "Huh? Clinton, what?"

"Sila ang pinakamakapangyarihan na clan." Saad ni Jeron na ngayo ay nasa tabi ko na pala. Tinignan ko siya at agad naman niya akong kinindatan. Playboy!!

"So? Ano naman pong meron sa kanila?" I can't help but to ask. Masyadong kontrobersyal ang Cliton Clan.

Ang aking parents ay nagbulungan. Minsan talaga hindi ko sila maintindihan. Minsan sweet, pero mas madalas na nagbabangayan.

"May nakarating na balita sa clinton tungkol sa kumakalat na hybrids dito sa ating lugar at mga karatig bayan. Nababahala na ang lahat dahil delikado talaga sila." Hy..what?

"Ano po ba ang hybrids?"

"They are originally humans. Parang si mama mo noon. Pero nakagat ng mga evil vampires at kapag nakagat ka, mapupunta sayo ang kapangyarihan ng bampirang kumagat. Mas malakas. Mapanlinlang sila dahil hindi mo alam kung isang hybrid na pala ang nakakasalamuha mo." Sabi ni lolo Leicester that sent shivers down my spine.

What if nasa tabi lang sila? At worse, nasa school na pala namin at classmate lang. Okay overthinking na yun pero what if nga lang? No one can tell naman.

"Paano po malalaman kung hybrid ang isang bampira?"

May inabot sa aking folder si lolo. Binuksan ko ito at nakita ko ang mga litrato ng mga nahuling hybrids through the years. 50 palang naman sila in total pero madami na rin kung titignan.

Makikita sa mga mata nila na hindi sila pangkaraniwang bampira. Masyadong mapula ang kanilang mga mata. Kasing pula ng dugo.

"Kapag nagalit sila, nagiiba ang kulay ng mga kanilang mga mata. Bloody red. Kaya hanggat maaari ay hindi nila ipapakita sayong galit sila. Magingat ka sa school niyo, Crystal. Wag ka basta basta makikipagkaibigan sa kung sinu sino." - Lolo Leicester

Tumango ako. "Oo naman po." Wala naman akong ibang nakakasama sa school kundi ang kupal na si Jeron Heraldy!

"Haynako Memphis. Pagsabihan mo nga 'tong anak mo. Gusto pala niya sumali sa cheerdance pero pinipigilan ko. Kaso gusto daw niya talaga." Sumbong ni Jeron kay daddy. Haynako walangya kang kupal ka. Humanda ka sa akin mamaya! Malilintikan ka talaga.

Nagpuppy eyes ako kay daddy. "Hehe daddy naman, don't look at me that way. Nagbabakasakali lang naman po ako. I was just trying my luck na baka payagan niyo ko." Nakasimangot ako habang sinasabi yun.

Sila lola cha ay umalis na. Kami nalang nila mommy ang natira.

"Pagbigyan mo na ang anak mo." Ani mama.

Binaling niya ang tingin kay mama. "Cae, mabuti sana kung normal lang tayo, e kaso hindi e. Hindi ba sabi ko walang makikipaglapit sa mga mortal? Hindi ka pwedeng maging close sa kanila."

Napakaold school talaga ni daddy! Palibhasa, 600 years old na siya. I love you ma! Ramdam mo talaga ako.

Hinawakan ni mommy ang kamay ni dad. "Oo dad alam ko naman e kaso siyempre gusto rin namang maranasan ng anak mo ang kaunting social life. Hindi ko kasi naranasan yan nung highschool ako. Alam mo namang si raven at lala lang ang lagi kong kasama."

My father sighed heavily. "Anak, naiintindihan ko naman ang point mo. Pero kasi sana maintindihan mo na, nagaalala lang kami para sayo. Laganap na ang hybrid, kailangan nating magingat."

Malungkot akong tumango sa kanila. "I understand naman po, dad." Tumayo na ako dahil gusto ko ng umuwi.

"Uwi na po pala ako, may assignments pa kami e."

Tumango sila mommy. Si jeron naman ay nakangisi at hindi ko alam kung bakit. Inirapan ko siya.

Hindi na ko nagpahatid sa bahay. Tinakbo ko nalang. Yes nagsinungaling lang ako na may homework ako. Nalungkot lang kasi ako dahil kailanman ay hindi ako magkakaroon ng normal na buhay.

Pagpasok sa school ay hindi ko nakasalubong si kupal. I wonder where he is. Dati rati ay hinahatid niya ako sa classroom. Pumwesto ako sa lagi kong pwesto at nagsuot ng earphones.

Ilang minuto ay biglang pumasok si emo guy. Yung leader ng jeje group na nakita namin sa canteen the other day.

Sarap sapakin ah! Makatingin naman sakin wagas. Parang gusto niya na kong kainin.

"Hi, miss frown." Rinig kong bulong niya sa likod. Lakompake. Hindi ko siya pinansin.

"Ms. Heraldy." Nilingon ko na siya.

"Wtf?? Stalker ba kita?" He knows my freakin' name.

"Tss. Asa ka pa ms. Frown."

Wtf again. What's with my frowning face? Pake niya na?!

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon