Sorry for the typos. unedited
**
Hawak hawak ni Memphis ang kamay ko ngayon. Kailan pa talaga siya naging Clingy? Nakngtokwa.
"Basta Caelyn. Tandaan mo, mahal kita. Lahat gagawin ko para sayo.."
Ngumisi ako sa kanya. "Ang cuteee mo talaga. Kaya kita mahal eh." Sabay pisil sa pisngi niya.
"Asih.." sabi niya habang hinihimas ang namumula niyang pisngi ngayon. "Seryoso ako dun.." Pahabol na sabi niya.
"Alam ko. Kahit anong mangyari, kahit hadlangan nila tayo, wala akong pakialam. Sapakin ko pa sila eh." Natawa siya sa sinabi ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko. "Sana kahit anong malaman at marinig ko ay hindi pa rin magbago ang tingin mo sa akin."
"Hmm. Depende"Nagpout siya sa sinabi ko. ang sarap lang kurutin ng pisngi niya. Swerte ko dahil ako lang ang nakakakita ng cute side niya.
"Joke. Haha. Siguro naman may dahilan ka.."
Andito ulit kami sa resthouse. Kaming dalawa lang ang susugod sa Clinton Mansion. We took the risk. Alam naming pareho na hindi papayag ang mga magulang namin kapag pinakiusapan namin sila. Ako naman ang sisisihin kapag sinabi ko sa nanay ni Seleena ang nangyari. Ang alam daw kasi ng nanay niya ay kasama ko siya, iyon daw kasi ang paalam ni Seleena. I need to bring her back as soon as possible.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Memphis habang hinahaplos ang buhok ko. Haayz. It feels so great to be in his arms. I feel so secure.
Andito uli kami sa duyan habang nakahiga ako sa bisig niya. Ramdam ko na naman ang well defined chest niya. "Ikaw.." Bulong ko sa kanya.
He chuckled. "Adik ka na ata. Hala ka Caelyn."
"Oo. Ikaw kasi. Hmp.."
Hinigpitan niya pa ang yakap sakin. "Ayos lang yan. I'll make you fall for me deeper. Yung tipong hindi ka na makakaahon para hindi mo ako iwan.." Ang sarap ng ganito talaga. Yung parang wala kaming iniintinding problema.
"Mga banat mo na naman Heraldy.." Pero kinikilig naman ako ano? Haha.
"Nacompel ko na yung mga estudyante. Wala na silang maaalala." Tumango ako sa sinabi niya.
Comepel? "Wait.." Parang may naalala ako. Before kasi namatay si lola Ana, She told me about compelling. Yung tungkol sa mga bampira na nagcocompel ng mga tao para makalimot.
"By any chance ba, nacompel mo ko?.."
Mukhang nagulat siya. "Imba ka talaga Hermosa. Nakakalimutan ko minsan na witch nga pala ang girlfriend ko.."
Ahccckkk! Ganun na ba kami? As boyfriend ko na siya? agad agad? Walang ligaw? "Yup. Nacompel kita noong unang pagkikita natin.."
"Kailan yun? Hindi ko pa kasi fully na naaalala yung mga pangyayari.."
Inayos niya ang sarili niya bago nagsalita. "It all started noong ipapasa mo na sana ang papers mo para application mo ng scholarship siya Edinburgh High.."
Yeah. Naalala ko yun. "Nagmamadali ka that time. Hindi mo pa tinitignan ang dinadaanan mo. Tch. Nabunggo mo ko pero ako pa pinagkasalanan mo. Ice yon e."
Haha. "Yeah naalala ko.."
"Ang ingay mo. Alam mo yun? Sobra. Sabi mo 'Panagutan mo 'to'. Tsk. Akala mo naman tuloy nabuntis kita. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao pero sigaw ka padin ng sigaw." Halata sa mukha niya ang pagkairita.
Ngumisi siya. "Pero okay lang..kung hindi nangyari yon edi sana hindi kita kasama ngayon.." Abot tenga ang ngisi niya ngayon.
Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko. "Ooppss. Okay na. Enough with the banats muna ha?" Natawa siya.