Six

4.5K 58 1
                                    

Unedited chapter. Full of typos and wrong grammar

A/N

You don't need to read this chapter if you don't want to. It's your choice. Sorry kung boring. :)))))

Skip this for chapter seven? No problem. Flashback lang naman ito. And the details is not complete. The 'fight' scene is not included. Alam niyo naman na yung nangyari e. Maria get killed,sinabi kay Cleofe,kinuwento kay Ana nung lumaki siya,sinabi ni Ana kay Carolina. Tamad po kasi ang author na magupdate lalo na kapag flashbacks lang. Para po kasi sa kanya,mas importante ang mga mangyayari sa future. ;)

**

Mistake..

Year 1913

3rd Person's POV

"Maaari tayong matulungan ni Maria." Naguusap ngayon ang mga heraldy kung ano ang gagawin nila.

"Leicester. Talaga bang kailangan humantong 'to sa madugong labanan?" Tanong ni Charity. "Hindi ba natin pwedeng pakiusapan si Hylas?"

"Sa tingin mo ba makikinig sila satin? Charity Clinton Clan yun. Hindi sila magdadalawang isip na pumatay kapag may nalabag na batas."

"Pasensya na po.." Nakisingit si Jeron sa usapan. "Kasalanan ko po ang lahat. Ako lang po dapat ang maparusahan." Nakayuko siya habang sinasabi yun.

"Anak. Wag mong sisihin ang sarili. Pamilya tayo kaya dapat tayong magtulungan." Pagtatanggol ng nanay niya sa kanya.

Bigla namang sumingit si Memphis sa usapan. "So pupunta tayo sa Edinburgh para pakiusapan si Witch Maria? Ano naman ang maitutulong nito."

"Makakatulong siya sa laban. Maaari din siyang gumawa ng spell upang palawakin pa ang pagiisip ng mga Clinton" Sagot ng ama niya

"Kaya niyang gumawa ng ganoong spell?" -Ciera. Amazed ang kanyang mukha ngayon.

"Ciera. Si Witch Maria na ang pinaguusapan dito. Kaya niyang gawin ang kahit ano. Ganun siya kalakas." Si elizabeth ang sumagot sa kanya.

"Waaaaah. Amazingggg."

"Bukas na bukas. Bibiyahe tayo patungong Edinburgh."

**

Tatlong beses muna silang kumatok sa pintuan ng isang wooden house bago may nagbukas. Isang babaeng nasa 30 palang siguro ang edad pero may pagkamatanda na ang itsura. Stressed siguro.

"Bampira..." Gamit ang kapangyarihan niya,kaya niya agad madetect kung isa bang bampira,wolf o mortal,wizard,royalty ang dumarating sa bahay niya. "Anong kailangan niyo?"

"Ikaw. Ikaw ang pakay namin kung bakit kami naririto." Nagstep na papasok si Leicester pero agad naghand sign ng 'sandali' si Maria. "Sandali lang.." Pumikit muna ito ang pagkaraan ng mga 30 segundo siguro ay tinitigan niyang mabuti ang buong pamilya.

"Alam ko na ang pakay niyo. Wag niyo akong idamay diyan sa pagkakamali niyo. Kayo ang umayos niyan. Bakit ba kasi kayo lumabag ng batas ninyo? Ikaw.." turo niya kay Jeron "Ikaw ang kagagawan nito. Huwag ka ng mangdamay"

Hindi nagsalita si Jeron. Nakatungo lamang ito. Tama si Witch. Dapat hindi siya nangdadamay.

"Ngunit anak ko siya. Parte siya ng pamilya ko at handa akong ibuwis ang aking buhay para lang maprotektahan sila" giit ni Leicester.

"Pasensya na po kayo. hindi ko naman sinasadya na umibig sa isang mortal. Sige po. Magisa kong haharapin ang Clinton clan. Tatanggapin ko ng buong buo kung anumang kaparusahan ang ipataw nila sa akin" -Jeron

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon