UNEDITED
-Nginuso ni jeje guy yung ID ko. "Michellyn Crystal H. Heraldy. Anong meaning ng middle initial mo? Heraldy rin ba?" So nosy! Ang kulit.
"Wala kang pake."
Tumawa siya ng bahagya. "Ang cute mo talaga kapag sinusungitan mo ako. Hindi pa pala ako nagpapakilala. How rude of me no?" Natawa siya ng onti. "Btw, i'm Joshua Felix. Pero josh nalang itawag mo sakin."
Hindi ako umimik. Pake ko ba sa kanya?! Ang feeling close.
"Uy ang sungit mo talaga."
Wala talaga akong balak na kausapin siya dahil unang una, tao siya. At pangalawa, tao ulit siya at hindi ako pwedeng magkaroon ng koneksyon sa kahit kaninong tao. Whatever, Joshua Felix!
Hindi na naman ako nakikinig habang nagtuturo ang teacher sa harapan. Nakatingin lang ako sa relo ko. Parang ang tagal ng oras. Pinagmamasdan ko ang bawat pag pagikot ng kamay ng relo ko.
Then i wonder.
Anong pakiramdam ng maging isang tao? Yung nagagawa mo lahat ng gusto mo. Hindi ka mag aalala kahit nasisinagan ka ng araw ng matagal, yung hindi ka matetempt kapag may dugo.
Umiling ako. Wala na akong magagawa. Ano ba, Crystal! Bampira ka na!
Katatapos ng klase namin ang nakatayo ako sa labas ng room dahil hinihintay ko si jeron.
"Waiting for someone?" Sa boses palang niya, naiirita na ako kaya alam ko kung sino ito. Hindi ko siya kinibo.
"Saan ka ba pupunta? Uuwi ka na ba? I can give you a ride." Sabi niya. I can run faster than your car, dude. Napangisi nalang ako sa isip isip ko.
"No thank you. May hinihintay ako. Mauna ka na." Sabi ko sa kanya. Ang rude naman kung hindi ko siya totally kakausapin.
Nang mahagip ng mata ko si jeron, nakakunot ang noo neto at hindi ko mawari ang aura niya. Matalim niyang tinignan si Joshua. Awkward.
"Tara." Yan lang ang sinabi niya bago niya hinila palayo ang kamay ko. Bakit feeling ko ay nagseselos siya? Or i was just seeing things kanina? Ganoon naman kasi minsan ang aura niya kapag wala siya sa mood.
I poked his arm. "Uy. Wala ka ata sa mood."
I just heard him tsked.
"Pinopormahan ka ba nung mokong na yun kanina?"
What?
"Huh? Who? You mean joshua? Heck no!" Ang init nga ng dugo ko dun e. Feeling kasi!
"Defensive."
Dafuq. "The hell, jeron. Bakit parang nagseselos ka ata?" Pabiro kong sabi sa kanya.
Ngunit hindi siya natawa sa joke ko.
"I'll see you later." Tumakbo siya palayo. Leaving me alone here sa ilog malapit sa school.
Ayaw ko pang aminin. Hindi ko pa kayang aminin. Kasi i'm sure hindi payag sila mama at papa dito.
I spent the whole night sa ilog. Thinking about everything. It was a perfect time para mag emo. At very emo talaga ako most of the time. Lalo na kapag magisa lang ako.
I was about to stand when i heard a crack ng isang sanga.
"Wow. Look who's here. Chicks pre. Akin yan."
"Ulul. Ako muna. Mga 5 minutes lang pwede na sakin. Matikman ko lang yan okay na ko."
Hindi ko sila nilingon.
"Hi miss. Ikaw si crystal diba? Wag ka magalala, masasarapan ka rin sa mangyayari."
Nakakasuka kayo.
"Pakipot pa ata to, pare. Ayan ang mga gusto ko sa mga babae. Yung medyo pakipot."
Fckers. Wag niyo akong iprovoke. Baka dumanak ng dugo dito.
Naramdaman ko ang paglapit nung isang lalaki sa akin. Nararamdaman ko na ang hininga niya.
"Lumayo ka. Isa." Matigas kong sabi. Hindi siya natinag. Nang lumapat ang labi niya sa leeg ko ay hinawakan ko ang kamay niya at tinulak ko siya ng malakas at tumama rin siya sa kasama niya at natumba silang dalawa.
"I told you lumayo pero hindi ka sumunod? Mali kayo ng babaeng binastos. Pasalamat ka at ganyan lang ang dinanas mo."
Lumapit ako sa kanila at inapakan ko yung tiyan nung isang lalaki. "At kung sa tingin niyo, nakakadagdag sa pagkalalaki niyo ang bastos sa babae, nagkakamali kayo. Sa totoo lang nakakadiri kayo. Maisip niyo sana ang nanay niyo o ang mga babae niyong kapatid kung meron man. Anong mararamdaman niyo kapag sila ang nabastos o worse, marape? Huh ano?" Sinampal ko siya. Nanginginig na sila sa takot.
"I- i- sorry."
"Pasalamat ka, yan lang inabot mo sa akin."
Tinalikuran ko silang dalawa. Binantaan ko sila na kung makita ko sila ulit ay hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin. Pasalamat nga sila at hindi ko sila napatay e. Okay na rin na pinagbantaan ko sila ng ganoon. Matatakot na silang gumawa ng kagaguhan next time.
Dumaan ako sa bintana ng kwarto ko. Akala ko nakatakas na ako pero nakita ko si jeron na nakaupo sa kama ko.
"Where have you been?" Halata sa boses niya ang pagkairita.
"Kung saan mo ako iniwan kanina." Dumiretso ako sa cabinet ko at kumuha ng damit bago ako pumasok sa c.r
To my surprise, nasa kwarto ko parin si jeron. "Hindi ka pa ba aalis?"
"Sorry nga pala kanina. Ang childish ko. Nairita lang kasi ako nung makita ko yung lalaking yun. Halatang may gusto sayo."
Ano naman sa kanya kung gusto ako ni joshua?