Sorry for the typos
**
Walong Pandesal
**
Andito ako ngayon sa gubat. Balak ko kasi na sa hayop itry yung ginawa kong love potion. Experiment lang. Hindi ko naman papatayin pagkatapos eh. Yaan ko lang siya. Di naman siguro sila maiinlove sakin di ba? Weird pag ganun. Ahaha.
May nakita akong lamb. Inalala ko yung spell na pwedeng makapagfreeze sa isang nilalang. Mapatao man yan o hayop.
Pumikit ako at bumulong. "Iesaldēt!"
Nang dumilat ako,nakita kong nakatigil na ito. Waah ang galing ko na kahit isang araw pa lang akong nagprapractice.
Agad ko itong nilapitan at tinurukan. Naghintay lang ako ng ilang minuto. Ngayon ay ang amo para mawala ang epekto ng freezing spell ko sa kanya.
Ang amo na nung lamb sakin. Clingy. Dinidilaan niya yung paa ko. Hahaha kaloka.
Tinap ko yung ulo niya. "Good boy."
Hahayaan ko na lang ba talaga siya dito? Psh bahala na.
Paglingon ko. "Ay manok!" Bumungad ba naman ang mukha ni Krystan. Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya. Omo ba't ganun? Ang tigas ng chest niya? Luuuh.
Humagalpak sa tawa ang loko habang hawak ang kamay ko. "Huy tama na. Masakit na." Pinipigilan niya yung kamay ko. Kaines.
"Oh ano masaya ka na?"
"Eh kasi. Hahahaha.--Yung mukha mo. Hahahahaha. " Jusko panay tawa. Sige lang may naintindihan ako.
Nakapamewang na ako at tinitingnan siya ng seryoso. Agad naman siyang tumigil.
"Ikaw talaga!!!" Kinurot niya pisngi ko. "Ang sungit sungit sungit mo."
"Aray namaaan" Sabay himas ko sa pisngi kong kinurot niya. "Ikaw naman." Kinurot ko din ang magkabilang pisngi niya. "Ang epal epal epal mo. Hmp."
"Oy mas masakit yung kurot mo ah." Medyo natatawa pa boses niya. Nakakainis talaga. Pangasar.
Binaling niya yung tingin sa lamb na ngayon ay malapit na naman sa akin. "Yan ang ginawa mong experiment?"
"Obvious naman di ba?" Pagtataray ko.
"Lagi kang highblood. Kumusta nga pala training mo?"
Alam niyang witch kami. Closefriend kasi nila mommy yung parents niya. Buti na lang ngayon ko lang siya nakilala kung hindi maaga siguro akong nahigh blood. Salamat inay.
"Masaya."
Sabay na kaming naglakad papuntang bahay. "Bakit hindi na lang ako ang gamtin mong pangexperiment?"
"Mandiri ka nga. Perv ka kasi. Babaero."
"Hindi nga sabi ako babaero. Loyal kaya ako."
"Ows?"
"Oo nga. May girlfriend ako."
Hindi na ako nagulat. May itsura naman kasi siya talaga. "Oh bakit parang hindi ka masaya?" Hot seat ka Krystan.
Medyo lumungkot yung expression ng mukha niya. "Gusto na niya makipagbreak sa akin kaso ayoko." Sagot niya.
Sulitin na. Minsan lang to mangyayari. "Bakit daw?"
"Sawa na daw siya sakin?"
Napailing ako sa kanya. "Alam mo. Feel ko may iba na siyang mahal. Hindi lang niya kayang sabihin sayo yun ng harapan dahila alam niyang masasaktan ka."
Tumawa siya. Halatang peke lang. "Sa tingin niya ba hindi pa ako nasasaktan sa lagay na 'to?"
"Edi pagbigyan mo."
Napatingin siya sakin. "Mahal ko siya Caelyn."
"Mahirap magmahal kapag ikaw ang umiibig. Masokista ka ba? Nasasaktan ka nga parang wala lang sayo. Hindi mo siya deserve. Gwapo ka. Maraming babaeng nagkakandarapa diyan"
Nagsmirk siya. Shekeness. Ang creepy. "So inamin mo ding gwapo ako?"
Oh noes. Nadulas pa ko. "Ewan ko sayo. Sinira mo yung magandang mood."
"Ikaw ba?"
"Naku. Wala akong alam sa love love na yan. Mas gugustuhin ko pang kumain."
"Kaya ka nagkakabilbil e" Tinuro pa niya yung tiyan ko. Ang epal. Mataba na ba ako? Hindi kaya!
"Ikaw din. Taba ka!"
Bigla tuloy niyang tinaas ang shirt niya. Ooooohlalaaaaaa~ 8 pack na pandesal. Eww. Pinagnanasahan ko si Perv.
"Ito ba? Ha! Kita mo 'to? Abs yan oh. Kahit hawakan mo pa." Tukso. Shete.
"Aba ang feeling mo." Nilihis ko na lang yung tingin ko sa pandesal niya.
Unti unti siyang lumapit. "Namumula ka?"
"Tae ka! Mainit dito sa labas e. Amp" Binato ko shirt niya. "Uso magdamit. Mahirap na magkasakit."
Tumawa lang siya. Kainis talaga.
**
Umaga na naman. Lumabas muna ako sa may balcony ng kwarto ko atsaka nagunat.
"Good Morning Maisha Caelyn." Binaba ko agad yung kamay ko at matalim na tinignan si Perv.
"Ginagawa mo dito aber?"
Tinuro niya yung tree house.
"Kung di mo sana nasunog 'to edi sana tapos na ano?" Nalalagari siya ngayon. Kitang kita ko na naman ang walong pandesal niya. Ohhhlala~ ulit
Amp ka. Sinisi pa ko. Parang nasunog naman yung buong tree house. Hindi naman.
"Sorry po ah.." Nagpangalumbaba ako sa chuvanes. Tsk di ko alam yung tawag at pinagmasdan ko siya.
Infairness ang buff talaga ng katawan niya.
Tinignan niya ulit ako sabay smirk. Gags talaga e. Ngiting aso. "Kaysa nilulusaw mo ako, magayos ka na lang kaya. Hindi ba't may pasok ka pa?"
Omg. Oo nga pala. Pumasok ako sa kwarto ulit at tinignan yung oras. Shoot. 7:15 na.
Tumakbo kong binalikan si Krystan saka nagpaalam.
**
Mabuti na lang at mabilis akong kumilos. 5 minutes before ang klase ng makarating ako.
Habang naglalakad, hindi ko inaasahang makasabay si Ciera. As ususal, hindi niya ako pinapansin. Lumingon lingon ako sa paligid. Ngunit hindi ko siya nakita.
"Looking for my brother?" Napatalon ang puso ko sa boses ni Ciera.
Umiling lang ako pero sa totoo lang ay nagbabakasakali ako na baka pumasok na siya ngayon. 5 araw na siya absent.
Umupo na lang ako sa table ko pagkarating. Chineck ko yung bag ko. Shemaks. Bakit dala ko yunh potion? Baka mamaya makita pa 'to nila Lala. Usisain na naman ako.
"Good Morning everyone." Binalik ko agad sa bag ko ang hawak kong potion.
Habang nagdidiscuss si maam, hindi ko maiwasan mapatingin sa pintuan. Pero wala. Wala siya.
15 minutes na siyang late. KUNG saka sakaling papasok pa siya pero mukhang malabo na ata.
"The difference between Vector and scalar is--" Natigil sa pagsasalita si Prof ng may pumasok sa pintuan. Nakahood na gray na lalaki.
"Sorry i'm late."
Napako ang tingin ko sa lalaking pumasok.. "Memphis?"
He's back.
**
-itutuloy-
Krystan or Memphis?
Habang wala pa si Memphis,dahil nasa Mystic Falls pa rin siya,i give you krystan muna. Atleast sa dulo nagbalik naman siya. Yeay. Hihihi. XD
---> Jeron Heraldy