VT II. Chapter 6

217 6 0
                                    

Unedited

HAPPY NEW YEAR GUYS! Godbless us all!
--

"Edi sana sinabi mo na allergic ka sa araw." Nagagalit na sabi ni daddy. Haynako, Dad. "Bakit ba may ganyan na ngayon sa edinburgh high? Noong panahon namin wala naman."

Panahon nila?! Yeah right! 100 years ago. I laughed sa isip isip ko.

"Dad talaga. Joker ka pala. Siyempre marami ng nagbago. 1 century na ang lumipas."

"Oh anong balak mo?"

"Nandoon naman po si Jeron. Alam kong hindi niya ako pababayaan." Kahit ang totoo ay medyo kinakabahan ako na kasama siya.

"Yes, Bro. Wag ka magalala dahil kasama ako." Sabi ng kakapasok na si Jeron.

"Ayun nga e. Mas lalo akong nagaalala kasi andun ka." Sabi ni daddy habang natatawa. "Baka kung ano pa ang gawin mo sa anak ko."

"Dad! Hindi si jeron ang type ko."

"Excuse me! Hindi rin ikaw ang type ko."

Nagtaas ng kilay si dad. "Are you guys having a lover's quarrel? May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" Then he crossed his arm.

"What the ef?!!!" Ako

"Dude no!" Jeron

"Ang defensive niyong dalawa. Bro sabihin mo lang sakin kung may gusto ka sa anak ko. Hindi kita pipigilan. Alis na ako."

Naiwan kami ni kupal sa kwarto. Inaamin ko naman sa sarili ko na attracted ako sa kanya pero hanggang doon lang.

"Wag mo nalang pansinin yung sinabi ni dad." I told him, hindi ko siya tinitignan. "Maybe dad's right ano? Wag na tayo pumunta. Madami tayong problema ngayon. Mas maganda kung tulungan nalang natin sila daddy."

Narinig ko ang yapak niya na papalapit sa akin. "Kung pwede lang, tala. Pero required tayo. You think gusto ko rin pumunta sa retreat na yan?" He sighed heavily. "Ingatan mo ang singsing mo habang nandoon tayo. Mahirap na baka bigla kang maging tanga at malaman nila kung sino tayo."

Binatukan ko siya sa malakas. "Bastos ka talaga. Tanga? Sino, ako?"

"Sino pa ba?"

Alam na alam talaga niya kung paano ako bwisitin. Kinuha ko ang isang unan sa sofa at binato ng malakas sa mukha niya.

"Fxxk you!" Sabay tawa at mabilis akong lumabas pauwi sa bahay namin. Siguro umuusok na ilong nun sa galit. Natatawa ako habang naiimagine ko ang itsura niya.

Nilabas ko ang maleta ko. Hmm ano bang mga dapat dalhin na damit? Should i bring a bikini? Isa lang siguro na bikini then puro long sleeves na. Mas maganda nang nagiingat.

Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto ni mommy.

"Yes, anak?"

Umupo ako sa paanan ng kama niya. "Medyo kinakabahan lang po ako sa retreat namin. Boracay kasi yun, ma."

Lumapit sa akin si mommy at tinabihan ako. "Alam mo anak. Darating talaga tayo sa point na magiging at risk ang pagkatao natin pero para lang gawin tayong handa sa mas malala pang sitwasyon. Kailangan mo lang magingat. Kasama mo naman si Jeron alam kong hindi ka niya pababayaan."

Ayan na naman sila. Bakit ba ganyan nalang ang tiwala nila sa kupal na yun? Buff lang siya pero whatever. I rolled my eyes.

"Baka siya pa ang protektahan ko. Maraming mga sexy doon. Luluwa na naman mata niya for sure."

Tumawa si mommy. "Natural na sa kanya yun anak." Hinahaplos niya angbuhok ko. "Pero kahit ganoon siya alam mo naman protective siya sayo diba?"

Tumango ako. Okay the last part was medyo true. Pero para parin siyang bangus. Matinik!

Hinatid kami ni mommy at daddy sa school. Buong byahe sa sasakyan ay pinapaalalahanan ni dad si jeron. I'm wearing a brown long sleeves dahil feel ko ay maaraw sa manila.

Bale 6hrs ang byahe papuntang manila tapos magaairplane kami papuntang boracay and then magbabangka ata papunta sa island na pupuntahin namin.

Ang sabi sa amin ay may island daw malapit sa boracay yung mayari ng Edunburgh High at ipapagamit niya muna sa amin iyon. Buti naman kung ganoon. Mas private. Ayoko sa public beach kasi pag may mangyari sa akin, madaming makakakita.

Umakyat na ako sa bus at pinili ko ang medyo gitna at window side. Nakita kong papalapit si Joshua sa akin. Sht please don't tell me tatabi siya sakin.

He grinned at me muna bago niya ako nilampasan. Nagbuntong hininga ako. Muntikan na yun. Ayokong may tumabing tao sa akin. Magtataka lang sila kung bakit hindi ako aantukin, mahihilo, magugutom.

Then i saw Jeron sa labas na nakangisi. Damn it. Parang may paruparo sa tiyan ko. I'm a weird vampire. I shouldn't be feeling this. Ugh!

Kausap niya ang adviser namin na parang nakikiusap. Well, okay lang naman sa akin kung siya ang katabi ko. Choosy pa ba ako? Mas okay na siya kaysa sa tao. Pero hindi ako mapapakali sa buong byahe for sure.

Umakyat siya sa bus namin at tinabihan ako.

"Oh? Bakit ka nandito sa bus namin?" Medyo iritado kong tanong. Kunware inis ako.

"Sus. Pasalamat ka pinakiusapan ko adviser mo na ako nalang katabi mo kasi sabi ng papa mo." Nilapit niya mukha niya sa akin at parang may ibubulong. "Ano nalang sasabihin ng tao na makakatabi mo kung sakali diba? Magtataka kung bakit hindi ka matutulog o iidlip man lang."

"Tss okay fine." I plugged my earphones at hindi na siya pinansin.

Pinaandar na ang bus hudyat na aalis na kami. Hinawi ko ang kurtina sa bus para mas makita pa lalo ang tanawin. Sight seeing nalang ako buong byahe.

Halos bundok at bulubundukin ang madadaanan kapag papuntang manila. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit halos hindi umaaraw sa bayan namin.

Sinulyapan ko si Jeron at nakita ko na naglalaro siya sa cellphone niya. Napatingin siya sa akin at kinindatan ako. Umirap ako.

Nagstop over ang bus sa isang gasolinahan na may mga kainan.

"Hindi ka ba bababa?" Tanong ko kay jeron dahil busy parin siya sa cellphone niya.

"Nah."

"Tss. Padaanin mo ko. Alis."

Nag "tsk" lang siya. Itutulak ko ata 'to, malapit na.

"Daan ka nalang basta." Sabi niya. Sisipain ko siya kita niya ah. Kaasar.

Sinubukan kong dumaan sa harap niya kahit ang laki niyang tao. Sa sobrang sikip ay natalisod ako kaya naman napaupo ako sa kanya. Para tuloy niya akong kinakandong.

Hindi ko alam kung anong itsura niya ngayon. Mabuti nalang at kami nalang ang tao sa bus.

"Ah.. sorry.."

Sa isang iglap ay pinaharap niya ako sa kanya. Fck! Ang intimate ng position namin. Nakakandong ako sa kanya paharap. Para tuloy akong baby.

"Are you seducing me tala?" He said while licking his lips. Ang red ng lips niya tapos ang moist pa. What the? I shook my head. I must be out of my mind.

Umalis agad ako sa lap niya at nagmadaling bumaba.

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon