SORRY SA TYPOS AND WRONG GRAMMAR. UNEDITED
-
Naghilamos ako sa banyo para mahimasmasan. What was he thinking & what was i thinking? Nagulat ako kasi di ko inexpect yun but still! Hindi iyon tama. Pero at the back of my head, deep down my unconscious mind, my heart is celebrating for what happened. I must be out of my mind.
Okay, Crystal. Try to inhale and Exhale. Just relax.
Bumili ako ng snacks sa convenience store. Kakain nalang ako sa bus para mabawasan ang awkwardness. Baliw kasi bakit niya ginawa yun.
Bumalik na ako sa bus. Sumulyap muna siya sa akin bago tumayo. "Kalimutan mo na yung nangyari. Niloloko lang kita." Ha! Wait, what the hell crystal!
"Whatever. Kanina ko pa yun kinalimutan." Pagsisinungaling ko. To be honest, medyo awkward parin sa part ko. As in awkward. Siyempre naman ako ang babae. Normal na samin ang magoverthink sa mga bagay at maging emotional. Bampira man ako, babae parin naman ako.
Naging tahimik ang buong byahe namin. Ngayon lang ako nainis na hindi nga pala kami natutulog.
Napatingin ako sa daan at napansin ko na we're in manila already at tanaw ko na ang NAIA. Finally!
Isa isa na kaming bumaba ng bus at kinuha ang aming mga maleta. Akmanh kukunin na sana ni Jeron ang maleta ko ngunit tinignan ko siya ng masama. "Kaya ko na." Sabi ko tapos ay tinalikuran ko na siya.
Nakalimutan niya na siguro na hindi ako tao. Stop trying hard na maging gentleman.
If i am not mistaken, nasa terminal 4 kami. Ilang minuto nalang at boarding na namin. I sighed heavily dahil alam kong siya na naman ang katabi ko sa airplane.
I looked at my boarding pass. 54D ang aking seat number. Nilingon ko siya "Anong seat number mo?"
Hindi niya ako kinibo. Sinampal ko ng bahagya ang pisngi niya. Kumunot ang noo niya sakin. "Ano?" May pagtaas sa tono ng boses niya.
"Ay bakit ang sungit? Itatanong ko lang kung anong seat number mo."
"Tss. Can't you see? Naglalaro ako. I think it's 20L." Sagot niya pero hindi niya ako ginawaran ng tingin. 20L? Oh so hindi ko siya katabi? Ang layo ng upuan niya.
Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa cellphone niya. Ano bang ginagawa niya?!! Dinungaw ko ang kanyang cellphone at nakita kong naglalaro siya ng everwing. What the hell?
"Everwing? Wtf? Don't tell me may facebook account ka? Diba bawal tayo sa social media? O ano yan?" Tuloy tuloy kong tanong.
Umangat ng kaunti ang kanyang labi at may nagbabadyang ngiti. Damn this guy.
"O bakit galit ka? Relax, baby. It's just a fake account and yes i'm addicted to everwing lately. Try it also para malaman mong maganda nga ito." Paliwanag niya. "Also, i'm not breaking any rules, tala. Naglalaro lang ako grabe ka naman. Ang ganda kaya nito."
"Okay" Tipid kong sagot. Narealize ko na nagoverreact ata ako.
Narinig ko ang announcement na boarding na daw namin. Wala akong hand carry kaya diretso na ako sa pila.
Ang aking upuan ay sa window side, buti nalang. Pero pang tatluhan ito. Nakatingin ako sa bintana kaya hindi ko napansin na may nakaupo na pala sa aking tabi.