Twenty Two

2.4K 37 2
                                    

Dedicated po sa kanya. Siya may gawa nung nasa mutimedia. Ang ganda po anez? *u* <3

May side story po si Seleena Hermosa. Ipopost ko po siya kapag finished na itong VT. 'Curse of Eiden' po ang magiging title. :)

Sorry for the typos. unedited

**

Caelyn's Point Of View

"Ano ba kasing ginagawa mo sa school?" Tanong ko kay Seleena. Nakabalik na kami sa Edinburgh. Nakahiga ngayon ang makulit kong pamangkin sa aking kama.

"Kasi po." Nagpout siya. "Naiinis na po talaga ako kay Serena. Magsusumbong po sana ako tita.."

Serena? "Serena? Yung bestfriend mo?"

She nodded. "Bakit ka naman maiinsecure sa bestfriend mo?"

"Kasi po ang ganda ganda niya. Kapag magkasama kami, siya lang ang laging napapansin.." Lumungkot na naman ang mukha niya. "She always gets the love. I always gets the hate.."

Hindi na lang ako nagsalita. Niyakap ko na lang siya habang nilalabas niya ang galit niya sa kanyang bestfriend.

Si Serena Eiden Villegas ang tinutukoy niyang bestfriend. Kahit bata palang siya ay sikat na siya sa Edinburgh. Maraming namamangha sa taglay niyang kagandahan. Marami ding naiinis. Isa na nga dito si Seleena.

"Tita, am i ugly?"

"Huh? No. Of course not baby.." Hinaplos ko ang top ng ulo niya. "May kanya kanyang ganda ang bawat tao Seleena. Minsan hindi nakikita ng mata dahil ang tunay na kagandahan ay nagmumula sa psuo.."

Hinigpitan niya ang yakap sa akin habang umiiyak parin. "I hate her.. But. She's my bestfriend pa rin eh. Hmmp."

"Hay baby Seleena, masyado ka pang bata para magkaproblema. Tama na yan. Smile lang.."

Pinunasan niya ang luha niya gamit ang likod ng palad niya. "I should not be insecure of her. I am beautiful in my own way.."

Aba. Mukhang malapit na talaga magmature ang baby namin. Sana lumaki siya ng may kaalaman kung ano ang tama.

**

Kinabukasan, balik na naman sa normal ang lahat. Para bang walang nangyaring pagsabog dito sa school.

Pylenor. Bigla na lang sumagi sa isip ko ang pangalan nung bwisit na yun. I think nakita ko siya sa Clinton Mansion. It was really him right? Hindi lang ako namamalikamata.

"Where were you yesterday?"

Halos mahulog naman ang puso ko sa pagsulpot ni Krystan sa harap ko. Hinampas ko siya.

"Aray ha?" Reklamo niya.

"Tch. Ge manggulat ka pa."

"Wala ka kahapon e."

Sus. Concern siya. Wala ako kahapon dahil busy ako. Feeling close din tong lawa na 'to.

"I know." Tanging sagot ko sa kanya.

"I was worried. May nagpasabog ng Naizyrton smoke di ba? Akala ko andito ka pa sa loob."

He was worried? He knows something about Naizyrton smoke? Akala ko ba nacompel na ang lahat ng estudyante dito? Parang may mali.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa Naizyrton?"

Nakita ko ang pamumula niya sa tanong ko.

"Alis na ko.." Pagiiba niya ng usapan at umalis na siya sa harap ko.

Ang weird ni lawa. Ano ba siya? Hindi naman siya vampire. Hindi rin naman witch. Normal na tao lang siya. alam ko, ramdam ko yun. Nararamdaman ko naman kung may something na kakaiba sa isang tao. Malalaman ko kung isa siyang supernatural creature. Well pwera na lang yung kay Heraldy noon.

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon