Sorry sa typos
--
Caelyn
Panaginip ko lang ba yun? O talagang pumasok si Memphis dito sa kwarto ko? Panaginip lang yun, Ano ka ba Caelyn! Imbyerna. Monday na naman pala. Kung pwede ko lang patigilin ang oras e. Witch naman ako. Pwede ba yun?
Haha Joke. Mga wolf, pwede nilang gawin yun. Nabasa ko e. Astig di ba? Paano kaya nila nagagawa yun?
Tinawagan ako ni Memphis kanina. Susunduin niya daw ako. Sabi ko wag na, nakakahiya naman. Isa din yun sa advantage ng pagkakaroon ng boyfriend e. Libre ka na sa pamasahe.
"Malapit na ang full moon.." Napalundag ako sa gulat nang may magsalita sa tabi ko.
"Krystan."
Oo, si krystan nga itong kasabay ko. Papunta rin siguro sa school. "...full moon? Adik ka ba? Sa isang buwan pa yun"
Tinitigan niya ako. "Kung kausapin mo ko, kala mo hindi mo ko binasted ah?" Ang drama ng buhay.
"Oy feeling. Mas maganda na yung sabihin ko yung totoo kaysa naman paasahin pa kita..Hmp.." Inunahan ko na siya sa paglalakad.
"Uy ikaw naman. Joke lang. Haha. Tsk. Mas gwapo naman ako kay Memphis ah! Payatot kaya nun. Hahahaha."
Edi ikaw na may abs. Pakita garud? Ay shet malande. Harhar.
"Whatever Krystan, Whatever"
Tahimik na ang paligid. Medyo awkward. Sinulyapan ko siya at nakita kong nakangiti siya. Creepy smile. Mukha siyang baliw!
"Musta kayo nung payatot na yun?" Tanong niya.
"Ang feeling mo talaga. Ayun, going strong. Saya noh?" Nangaasar ako kung hindi niya pansin. Gusto kong magselos siya para tantanan na niya ko.
"Sus..qorsmfnfdgruhjrem..clinton.." (Sus. Alam naman na ng Clinton)
Ano daw? Hindi ko narinig yung sinabi niya bukod sa Sus at clinton..Anong alam niya tungkol dun? Weird.
I gave him a questioning look.
"Oyoyoyoy.. Anong tingin yan?"
"What kind of creature are you? Isa ka bang wolf?" Lumapit ako sa kanya habang nakacross arm.
"Wolf? What the hell? Hahahahaha. Ano ako? Si Jacob Black? Tsk. Mas gwapo ako dun!" Eww. Lakas ng apog. Wala naman akong sinabi na jacob black.
"Seriously? You have the guts para sabihin yan."
Nahawa na ata ako kay Leena e. Gusto ko na din ang twilight. Hahaha.
"Pinagnasahan mo naman abs ko dati e. Ice lang yan.."
What! The! Eff!
"Ewww. Diyan ka na nga. Epal ka talaga!"
Mabuti na lang at andito na kami sa tapat ng school.
"Layas ka na. Una na ako. Shoo."
Di ko na siya hinayaang magsalita dahil tumalikod na ako.
"Oy! Bakit kasama mo yung mokong na yun?" Tanong ni Memphis habang naglalakad kami sa hallway.
"Selos ka naman. May lovelife na ata yun e. Yaan mo na.."
-Krystan's POV-
Mukhang imposibe na atang mainlove sakin yun. Masyado ng attached sa bampira niyang irog. Tsss.
"Aww." Sa sobrang pagiisip ko, di ko na napansin na may nabangga na pala ako.
"Ay sorry miss." Lumuhod na ako para tulungan siyang ayusin ang mga nahulog niyang gamit.
Saglit lang..Her face looks so familar.
"Victoria?" Bulong lang yun pero nagulat nalang ako ng tingnan niya ako ng matalim pero nilihis din naman niya kaagad.
"Salamat nalang.." Tumayo na siya at mabilis na naglakad papalayo sa akin.
Malakas ang pandinig niya! Siya nga! Si Victoria Del Real. My next victim..
(Lakas talagang makapromote o. Hahaha. Malapit na po, after v.t, si krystan naman ang bibida)
-3rd Person's POV-
Mayroong nagaganap na isang pagpupulong sa loob ng Clinton Mansion.
"Susugod tayo sa tirahan ng mga Heraldy kasama si Maisha Caelyn Hermosa para matapos na ang eksperimento natin.."
Lahat ay napatingin sa gilid ni Hylas. Isang babaeng wala sa ulirat at nakatulala lang. Buhay pero mukhang patay. Kulang pa kasi ang lahat. Ang dugo nalang si Caelyn ang kinakailangan para matapos na ang eksperimento ng Clinton
-itutuloy-
A/N
Sorry po. Medyo nahihirapan akong gumawa ng mahahabang updates.