Twilight series and The Vampire Diaries are my inspiration for this story. Wag na kayo magtaka kung medyo magkakaroon ng similarities. :)
P.s
Sorry sa typos and errors. Unedited. Hindi na ko nagbabackread.
**
Ang unang pagkikita.
Author's POV
"San ka na naman pupunta memphis?" Hindi pinansin ni Memphis ang kanyang ina. Patuloy lang siyang lumabas sa kanilang bahay.
"MEMPHIS CLAYNE HERALDY! Wag mong sasagarin ang pasensya ko. Isa!" Halatang galit na ito kaya't nilingon na niya ang kanyang ina.
"Mamamasyal lang po ma" Mahinang sagot niya sa kanyang ina.
'Quit acting na parang totoong ina kita' sabi ni memphis sa kanyang sarili. Oo. Hindi niya totoong ina si Mrs. Charity Heraldy. Malaki ang utang loob nito kay Charity sapagkat ito ang umaruga sa kanya noong mga panahong halos gusto na niyang mawala sa mundo. Nung mga panahong tao pa siya.
'Tsk. That was 500 years ago' He snap back to the reality at naglakad lang palabas ng bahay. Wala naman ng magagawa ang mommy.
Bagong lipat lang sila sa Edinburgh. Tagong lugar ito at hindi gaanong kilala kaya naman panigurado nilang walang makakakilala sa kanina. Sanay na siya. Ganun naman lagi. Palipat lipat nalang ng lugar para walang makakilala sa kanila. Ano nga ba talaga siya?
Nakasuot siya ngayon ng isang jacket na may hood upang matakpan ang kanyang ulo at katawan. Laging maulan sa lugar na ito kaya naman ayos lamang kahit hindi na sila magsuot ng jacket. Bukod doon,may suot naman itong singsing na proteksyon nila sa araw.
Ang tanging kinatatakot ni Memphis ay ang mga tao. Natatakot itong makisalamuha sa mga tao. At higit sa lahat. Natatakot ito na baka ay umibig ito sa isang tao na isa sa mga patakaran ng kanilang lahi na bawal silang umibig sa isang mortal.
Mas gusto pa din ni Memphis ang buhay ng isang tao. Malaya,walang inaalalang araw. Higit sa lahat,hindi dugo ang kinakain nila. Nakakamiss din maging tao. Iyon ang lagi niyang iniisip sa araw araw. Kung bakit ba kasi niligtas pa siya ni Charity. Mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa maranasan ang mga nangyayari sa kanya ngayon.
100 years ago,kinalaban nila ang Clinton clan dahil ang isa sa mga kapatid nito na si Jeron ay umibig sa isang mortal. Ayaw na nilang maulit pa itong muli.
Ngunit kaya niya ba talaga itong iwasan? Kaya niya nga ba talaga ang hindi umibig?
**
Her
"Caelyn? Hindi ka pa nagaagahan ah. Kumain ka muna!" Hindi niya na alam kung anong uunahin niya. Nagmamadali siyang inaayos ang mga papeles sa table. Sumingit pa ang kanyang ina.
'Hala. Malapit na mag 9' hinahabol niya kasi ang deadline of submission ng mga kailangan papeles para scholarship niya. Hindi kasi ganoon kayaman ang pamilya niya,although may kaya naman. Gusto niya sanang tulungan ang mga ito sa pamamagitan nga ng pagiging scholar ng Edinburgh High.
Less than five minutes ang layo ng Edinburgh high sa bahay nila kapag nilakad mo ito.
"Hindi na po ako kakain ma. Mamaya nalang paguwi." Pumunta siya sa kusina kung saan naghahanda ng lulutuing tanghalian ang kanyang ina.
"Ano? Hindi pwede. kumain--" Hindi na pinatapos ni Caelyn ang kanyang sa pagsasalita sapagkat humalik na ito sa pisngi ng nanay.
"Bye ma! Promise mabilis lang 'to. Labyu!" At tuluyan na siyang lumabas ng kanilang bahay.