Sorry for the typos
**
A story..
Andito ako ngayon sa bayan ni Lola Ana. Ewan ko ba, parang trip ko munang magsenti at mapagisa. Para makapagisip isip muna.
Sana naman makalimutan ko kahit saglit si Memphis sa pagpunta ko dito. Kahit alam ko naman sa sarili ko na imposibleng mangyari yun.
Para na siyang nakatattoo sa puso ko e. Ayts enough. Korny dre.
"Bakit ka naparito apo?"
Busy na naman si lola sa paggawa ng kung anu-anong spell.
"Gusto kong makapagisip isip. Masyadong magulo ang mundo sa Edinburgh." Sagot ko.
Hindi sangayon ang mukha ni lola. "Lalaki ba yan?"
Namilog ang mata ko sa sinabi ni lola sabay yuko. "Lalaki nga. Dalaga na talaga ang apo ko" Kilala na talaga ako ni lola. Kahit may pagkamasungit yan o minsan isip bata,mahal ko parin yang si lola.
"Hmm. Nabasted nga ko e."
"Babae na pala ang nababasted ngayon. " Napatawa ng kaunti si lola. Hmp naman eh. Tawanan pa ko.
Nakapangalumbaba ako sa upuan.
"Kalimutan mo na yan.."
Ay grabe. "Kung pwede lang po.." matagal ko ng ginawa. Ang tamlay na ng boses ko.
"Wag ka ngang magdrama diyan Caelyn. Sagabal yan sa training mo." Giit ni lola.
Sagabal. Sagabal. Eto na ba yung sinasabi niyang sagabal. Langya naman eh. Daming alam ni Memphis. Tch.
"Caelyn!" Nilingon ko si lola. "Po?"
"Ay shutangers. Litsi. Wth lola?" Biglang umapoy sa kinatatayuan ko.
"Ops. Ingatan mo yang pananalita mo. Hehe. Peace tayo apo." Isip bata talaga 'tong si lola.
Oo nga pala, kasali ang training sa dahilan ng pagpunta ko dito.
Buong araw akong nagsanay. Beginner parin ako kung tutuusin. Si lola Ana parin ang pinakamalakas na witch sa lahi namin. Aside from Lola Maria.
"Halika dito maupo sa tabi ko apo." Sabay tapik sa katabing upuan. "Pagaaralan mo ngayon ang kasaysayan ng mga witch.."
Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang libro ng mga achievements at kabiguan ng mga past witches.
"Ito." Tinuro niya ang isang sketch. "Yan ang pinakaunang witch sa buong pilipinas.. Siya si lola cretunia mo."
Tumango na lang ako.
Nagpatuloy siya sa pagkukuwento. "Siya rin ang nakaimbento ng cursed spell na nagsimula ng buhay ng mga bampira."
"Totoo po ba talagang nagexist ang mga bampira?" Tanong ko kay lola.
Seryoso kong binabasa ang laman ng bahat pahina ng libro pero nakikinig pa rin naman ako sa mga sinasabi ni lola. Ito na yung chance eh, para malaman mo ang pinanggalingan ninyo.
"Oo. Totoo sila. Gumawa ng isang immortal cursed spell si Cretunia. Si Hylas, na unang bampira sa pilipinas ang naging biktima niya."
May naalala ako. Si Memphis na naman. Tch. Pero hindi e,naalala ko lang nung nagrecite siya at about vampires yung topic. Niloko ko pa nga siya, na baka bampira din siya. Hehe.
"Pagkatapos po nun? Ano ng nangyari?"
May dinukot si lola na kung ano sa bag niya. Pagkatingin ko, isa itong maliit na bote. As in maliit talaga. Para siyang dropper bottle sa liit. "Ano po yan?"
Hinawakan ko ang bote at pinagmasdan ng mabuti ang itsura. Medyo luma na.
"Iyan ang ginamit ni Cretunia noong gumawa siya ng cursed spell."
"Ahh" Tumango tango ako.
"Pagkatapos noon ay kumalat na ang lahi ng mga bampira. Hindi lang dito sa pilipinas. Maging sa ibang bansa na din. Kinatatakutan sila ng lahat. Siyempre naman diba? Sino ba naman ang hindi matatakot sa isang bampira?" kinuha na niya sa akin yung bote at ibinalik sa bag.
"Gusto sanang bawiin ni Cretunia ang spell ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan.." Anong klaseng buhay kaya mayroon noon? Parang nakakatakot mabuhay sa ganung lugar.
"Mabait naman si Hylas kahit papaano kaya naman gumawa siya ng batas para sa mga bampira. Naglaon ay naging tahimik na ang existence ng mga bampira."
Binuklat niya ang ikalawang pahina at tumambad ang litrato ng tatlong babae.
"Ito ang three generations na sumunod. Obviously, pasa pasahan lang ng kapangyarihan at kaalaman ang nangyayari. Sila rin ang nakaimbento ng mga bagong potions katulad ng love potion.."
Pumukaw ng atensyon ko ang sumundo na page. "Ayan ang Lola Maria mo."
Naalala ko si lola Maria. Marami akong naririnig na kuwento sa kanya kaya tuloy mas naging curious ako.
"Ano pong nangyari kay Lola Maria?"
Matalim akong tinignan ni lola bago nagsalita. "100 years ago, may isang bampira. Nainlove siya sa isang tao. Alam mo namang hindi pwede sa batas nila yun di ba? Ngunit ayaw niya paring hiwalayan ang babae. Mahal niya daw ito. Hanggang sa isang araw, nalaman ng clinton clan ang nangyayari. Alam na nila ang magiging consequences sa pagkakamaling iyon. "
"Ngunit. Ang padre pamilya ng biktima ay nakaisip ng paraan para mapikot ang clinton. Kinausap nila si Maria. "
Sumingit ako. "Namatay po si Lola Maria sa laban? Yun po ba ang nangyari?"
"Oo apo. Kaya naman malaki ang galit ng mga witch sa mga bampira"
"Mayroon parin ho bang bampira hanggang ngayon? Nageexist po talaga sila?" Curious mode again. Grr.
"Oo. at hindi lang iisa, libo ang bilang ng mga bampira na nagkalat sa buong pilipinas."
Omg. Creepy. "Weh? Asan po sila kung ganun?"
"Kahit saan nila gusto."
"So. Meron po ba dito sa bayan niyo?"
Umiling si lola.
"Sa Edinburgh meron" Dapak. Halos mahulog ang librong hawak ko. "Ano po? Edinburgh? Paano nangyari iyon?"
"Kaya't magiingat ka apo. Mamaya hindi mo alam, may nakausap ka na palang bampira."
"Huh? No way po. Ang creepy. Nakakatakot sila."
Tahimik na ang paligid. Nagsalita ulit ang lola.
"Malamig ang mga kamay nila.."
Naalala ko si Memphis. "Mabilis. Ibang bilis." Si Heraldy ulit. Sinasabi ni lola ang mga katangian ng bampira.
"Kumakain ng dugo."
Shet. Ayokong magconclude ah? Pero kasi. Di ba sabi niya hindi siya cannibal? Eh umiinom ang pamilya niya ng dugo?
Hindi kaya bampira siya?
Pero hindi e.
ano ba yan? kung anu anu na naman ang nacoconclude ko.
"La. Paano mo ba malalaman kung bampira ang isang tao." Ay pramis. Gagawin ko talaga. Kahit ano pa yan. Anong paraan man. Mapatunayan lang. Amp naman oo.
Nginuso niya ang suot kong vervaine herb. "Makakatulong yan. Masusunog ang balat nila kapag nadikit diyan sa vervaine herb."
Hmm?
-itutuloy-
**
Owkay. Next chapter, okay na ulit utak ko. =))))