Seventeen

2.3K 33 0
                                    

Sorry For the typos..

Pasyal

**

"Apo. Pumunta ka na sa palengke. Bilhin mo 'to." Inabot sa akin ni lola ang listahan ng mga bibilhin ko. Magluluto siya ng pakbet.

Kinuha ko yung papel at lumabas na ng bahay. Nagsuot ako ng jacket ngayon. Ang lamig kasi. Magdedecember na. Ang bilis ng panahon.

Sembreak na kasi namin. Buti naman. 1 week na akong andito sa bahay. Ice na din yun. 1 week ko ng di nakikita si Heraldy Boy.

Sumakay na ako sa tricylce at tinahak ang daan patungong palengke.

"Ampalaya,kamote,patani,okra,talong,sitaw.." Inisa isa kong basahin ang mga nasa listahan habang naglalakad. "Ayun.." Spotted. Buti na lang. Nasa bungad pa lang ako pero kita ko na yung mga gulay.

"Ate magkano kalahating kilo ng talong?" Hinawakan ko yung talong. Ampupu. Matigas. May uod 'to. Dapat daw kasi malambot yung bilhin. Delikado pag matigas.

"30.." Sabi ni ate. "Tawad na. Gawin mo ng 25. " Hahaha. Kuripot ako eh.

"Barat mo naman ading. sige na nga." Sinupot na niya. Hihi. Galengs.

Pagkauwi ko, tinuruan ako ni lola kung paano magluto ng pinakbet.

"Tikman niyo nga po lola kung anong lasa." Kumuha ako ng kutsara at nagsandok ng sabaw na ipapatikim kay lola.

Nangasim ang mukha ni lola. Omo. "Apo. Sinigang ba 'tong ginagawa mo? Anyamet. Ang asim."

Ows? Tumikim din ako. "Taenes oo nga noh la? Ang asim. " Hmp. Peyl

"Hali ka nga dito at tuturuan kitang magluto."

Pinaplakpak ko ang kamay ko. "Yehet!!"

"Lapit ka." Lumapit naman ako at tumabi kay lola.

"Ganito lang yan." Kumuha siya ng mantika at nilgyan sa kawali. "igisa mo muna ang bawang sibuyas,luya tsaka kamatis. Huwag naman malakas ang apoy. Jusmiyo. Di ito tustang pakbet."

Watch ang learn lang ituu. "Isunod mo na itong baboy. " Tinakpan niya yung kwali. "Maghintay lang tayo ng 5 hanggang 8 na minuto. "

"Okay po." Umupo muna ako sa stool at nagcellphone.

"May boyfriend ka na ba apo?" Out of nowhere na tanong ni lola.

"Wala po. Promise, honesto"

"hmm. Chosera."

HINDI AKO NATUTONG MAGLUTO. HMP!! Fastforward na tayo.

kinahapunan, nagpaalam ako kay lola kung pwede ba akong mamasyal. Pumayag naman siya.

Mas maganda ang bayan na ito kaysa sa Edinburgh.

Nagsuot lang ako ng Raglan shirt at simpleng shorts Bibili ako ng mga kakanin. Iyon kasi ang pinagmamalaki ng bayan na ito. Ipapasalubong ko iyon kina inay.

"Hi.." Napatingin ako sa tao na nasa gilid ko.

"Krystan?" Oo si krystan nga itong nakatabi ko. "Ginagawa mo dito?"

Ngumisi siya. "Dito talaga ako nakatira."

Sumabay siya sa paglalakad ko.

"Gusto mo ipasyal ka dito? Maraming magandang tanawin dito." Nakangiting sabi ni Krystan. "Pero siyempre, mas maganda pa din."

"Hoy. Langya ka. Manahimik ka diyan. Playboy talaga!" Sinuntok ko ng mahina ang braso niya. He laughed. "Cute mo talaga."

"Tch. Hindi ako aso para sabihan mong cute." Ngumuso ako. Ang laki na naman ng ngisi sa mukha niya. Siya ang aso. "Yeah. Because gorgeous is the right term to describe you." Sabay kindat.

Dapak lang? "Pwe! Ang korny mo lake. Mandiri ka nga diyan." Pagsusungit ko sa kanya.

"De seryoso tara na." Hinila na niya ko. May magagawa pa ba ako? Edi sumama nalang. Psh.

Pumunta kami sa 'Masaya dito Amusement Park' Di ko alam kung bakit natatawa ako sa pangalan niya. Ang babaw talaga ng kaligayahan ko. Murhaha

Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Aba aba lang. Baka pagkamalan kaming magsyota dito ah. Pasimpleng chansing ang loko.

"Bump car muna tayo?" Yaya niya.

"Pambata masyado. Roller coaster na lang para masaya." Sabi ko. Mas enjoy kasi yung may thrill na rides.

"Tch. Ge."

Sinusubukan kong tanggalin yung kamay ko sa kanya pero hinahawakan niya agad ng mahigpit. Binatukan ko nga,

"Sht. Problema mo? Nambabatok ka?" Sigaw niya. Nginuso ko yung kamay naming dalawa. "Tss. Pwede mo namang sabihin di ba? Hindi yung mambabatok ka pa talaga. Amazona ka talaga."

Umirap na lang ako. Buti naman at tinanggal na niya. Good dog.

Kumapit akong mabuti sa hawakan.

This day is going to be so fuuuuuuuuuuuuuuuuun.

---> Si Krystan Lake Sarrosa po yan. Huwag pagnasahan. Akin na siya. Weee. ^o^

**

Naiinis ako sa sarili ko. Err. Di ko talaga kaya ang romantic plot. :3

Fast forward na sa next chapter. :)

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon