Twenty Six

2.1K 35 0
                                    

4 chapters to go. Short Update.

Sorry sa typos

**

Caelyn

"I don't care about that stupid clan..Seriously.." Pacool na sabi ni memphis habang nakadekwatro pa.

Ako din naman, walang pakialam sa clinton. WALA SANA! Kung hindi lang dahil diyan sa batas batas kuno nila.

Mabuti sana kung normal na bampira lang ang clinton. Kaso hindi e.

"Sige, kalabanin mo silang mag-isa ha? Papahanda na namin ang lamay mo.." Asar sa kanya ng tatay niya. Hahaha.

"Tss. Paano ako magkakaroon ng lamay e lasog lasog na ang katawan ko pag natagpuan niyo ko.."

Really? I should've known that nung nagtratraining palang ako.

Tinotorn sila into ashes para mamatay. Ganun ba ang gagawing nila kay memphis?

"Eh wait lang.." Napatingin silang lahat sa akin. May naalala ako e.

"Di ba about dun sa umibig sa isang tao. Yung issue tungkol kay lola Maria? Do you guys have any idea kung sinong clan yun?" Remember the story of lola ana's death? Naalala ko yun e. May isang bampirang umibig sa human. Gusto ko lang malaman kung sino yun.

Biglang nabalot ng katahimikan ang paligid. "Oh shoot. I forgot, may project nga pala kami sa history. Gotta go.." -Ciera

History? Project? Ah right i remember. AY SHETE. Ako din pala, hindi ko pa nagagawa yun. Arghhh. Ulyanin ka na Caelyn,

"Ay patay. Memphis, Uh tito, tita, Ako rin po pala hindi ko pa nagagawa yung project ko sa history.."

Nginitian ako ni tita Charity. "Naku okay lang yun wag kang magalala. Dalaw ka ulit ha?"

Hinatid kami ni tito at tita hanggang sa labas kung saan nakapark ang sasakyan ni memphis. Umakyat na si Jeron pagkalabas namin.

"Sige po, bye.." Bineso ko sila bago pumasok ng sasakyan.

"Shungaers ka talaga Hermosa. Nakalimutan mo pa talaga project mo ah? Scholar ka ba talaga?" Pangaasar sa akin ng walangyang bampira.

Paiba iba ng mood. Abnoy ay!

"Hindi ako scholar. Tao ako, tange!" Inirapan ko siya.

Binaba ko ang bintana ng sasakyan niya.

"Uy, daldal!"

Nilingon ko siya habang nakataas ang isa kong kilay. "Why?"

Napawoaw siya. ay abnormal talaga. Anyare? Nasapian ba siya?

"Haha sungit. Seryoso na. Galit ka ba sa clan na tinulungan ni lola Maria mo noon?" Nakatingin siya sa road habang tinatanong yon. Galit nga ba ako?

"Ahm, maybe? Kasalanan kasi nila kung bakit nagawa ni lola yung potion na yun. I don't know. Wag na lang nating pagusapan yun.."

Sumunod naman siya.

-Memphis' POV-

"Haha sungit. Seryosa na. Galit ka ba sa clan na tinulungan ni lola ana mo noon?" Nakatingin siya sa road habang tinatanong yon. Galit nga ba ako?

"Ahm, maybe? Kasalanan kasi nila kung bakit nagawa ni lola yung potion na yun. I don't know. Wag na lang nating pagusapan yun.."

Wag daw pagusapan? It means galit nga siya sa amin? Damn! Bakit ba kasi hindi pa sinabi ni dad kanina? Problema pa to e!

Baka kapag pinatagal pa ito, mas lalo pa siyang magalit

Pagkahatid ko kay Caelyn, umuwi na din kaagad ako.

Nakaupo ulit silang lahat sa sala. Parang yung pwesto lang kanina

"Sabi niya, she doesn't know daw kung galit siya. Tsk. It means may possibility na magalit siya sa atin kapag malaman niya yung totoo." Hindi ko mapigilang hindi mainis tuwing naaalala ko yung sagot kanina ni Caelyn. Paano nalang kaya kapag nalaman na niya ang totoo?

"Lam niyo people, mas magagalit talaga yang si Caelyn kapag mas papatagalin niyo pa ang pagtatago sa kanya. Imbis na yung Clinton clan lang ang prinoproblema natin e." Ani ni Jeron. Sumangayo naman ang lahat sa kanya. Ang sarap lang patayin ng Clinton e, akala nila, sila ang naghahari sa mundo.

"Yeah. He's right. pero knowing Caelyn, mukha naman siyang mabait e." Sabi ni Ciera habang kinukulit na naman si Jeron.

Mabait? Oo mabait kapag tulog.

--

Madaling araw na. Tulog na kaya siya?

Naging habit ko na kasi ang pagbisita sa kanya every night. Parang si Edward Cullen. Lagi niyang binabantayan si bella. Si Caelyn naman ang bella ng buhay ko. Pero siyempre, mas maganda parin si caelyn kaysa sa Bella swan na yan.

Dahan dahan kong pinasok ang bintana ng kwarto niya. Mabuti nalang at hindi marunong itong babaeng ito na magsarado ng bintana.

Natawa ako sa itsura niya. Nakabukaka siya. Although may kumot naman atsaka nakapajama ata siya. Nakanganga at kulang nalang ay ang laway na tutulo. Haha.

"Baliw talaga." lumapit ako sa gilid ng kama niya at mariin siyang tiningnan. Inayos ko din ang kumot niya

Mukhang malalim na talaga ang tulog nito ah. Humihilik na e. Imba ka talaga kahit kailan Hermosa. Kaya mahal na mahal kita e.

"I love you at maaayos din natin ang lahat.."

Sana nga.

Sana tigilan na ng Clinton ang kahibangan nila.

-itutuloy-

A/N

Sorry late ud. 1/3 na yung natytype ko sa last chap. :D

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon