Two

7K 128 3
                                    

Unedited Chapter. Hindi na ko nagbabackread. Sorry for the typos and wrong grammar

3rd Person's POV

****

Her smell

Nagbalik muli si Caelyn sa kanyang ulirat at nagtaka siya kung bakit at papaano siya napadpad sa lugar na iyon.

Pinagmasdan niya ang buong paligid ang kanyang napagtanto na siya ay nasa isang park. Pilit niyang inaalala kung paano siya napunta rito ngunit wala talaga siyang maalala. Ayaw niyang nagpupunta sa mga park dahil ang senti daw ng peg.

"Teka nga? Pano ko napunta dito?" Tanong niya sa kanyang sarili habang kinakamot ang kanyang batok.

Napatingin siya sa hawak niyang folder na naging dahilan ng paglaki ng mga nito.

"Shizzzzzzzz" Napatingin siya sa relo niya. "Halaaa. 10:00 na. Wala na. Huhuhu" Napahalandusay pa siya sa sahig sa lungkot. Mukha siyang bata ngayon.

"Pano na to?" Tuloy tuloy padin siya sa pagiyak. Para siyang batang inagawan ng candy. No joke. Nakakatawa talaga ang itsura niya ngayon.

Iniisip niya ang scholarship niya. Wala na. Ang taas pa naman ng expectation ng mga magulang niya sa kanya.

Tumayo siya at naglakad palayo.

Saan siya pupunta?

Sa Edinburgh High. Titignan niya kung may pagasa pa. Kung maaari pa siyang humabol. Isang oras palang naman ang lumilipas.

Kumaripas na siya sa pagtakbo.

**

Sa kabilang banda.

Medyo nakokonsensya si Memphis sa nangyari kanina.

"Aish" Napasabunot na lamang siya sa buhok niya sa sobrang inis.

Kargo de konsensiya niya pa yun.

'pahamak na babaeng yun. ni hindi ko pa alam ang pangalan niya. tsk.' isip ni Memphis. Bahala na.

Kaya ngayon ay nasa tapat na siya ng isang eskwelahan. Ito ang logo na nakita niya kanina. Isa sa mga papel na hawak ni Caelyn. 'Edinburgh high' ang nakalagay sa may gate.

Pumasok siya sa loob ng walang nakakakita. Masyadong mabilis si Memphis. Isa lamang iyong sa mga katangiang taglay niya bilang superhuman.

"Yes? Anything?" babae ang principal ng edinburgh high.

Hindi siya sumagot,patuloy lang siya sa paglapit sa babae saka hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang pisngi ng principal.

Naalala niya tuloy ang pagcompel niya kanina kay Caelyn. Ibang iba iyong sa mga taong nacompel niya. Ayaw lang aminin ni Memphis na may gusto na ito kay caelyn. Na nalove at first sight siya.

"Saan nakalagay ang mga listahan ng scholars niyo?" Mariin niyang tanong.

Hindi nagsalita ang principal at tinuro lamang niya ang lalagyan kung saan nakalagay ang mga hinahanap niyang papeles.

Binitawan niya ang pisngi ng babae atsaka dumiretso sa file cabinet.

Binuksan niya ito at sinimulan na niyang hanapin. Isa isa niyang tinignan ang lahat ng mga papel doon. Hanggang sa makita niya ang kanyang hinahanap.

'Sa wakas' Halata sa mukha ni Memphis ang pagkagalak. Tinitigan niyang mabuti ang papel.

'Maisha Caelyn Hermosa' binasa niya ang nakalagay sa papel. Iyon ang pangalan nung babaeng eskandalosa.

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon