Unedited Chapter. Sorry for the typos.
**
Resist..
3rd Person's POV
Ilang minuto na ring nakatayo sa labas ng gate si Memphis. Nagdadalawang isip kasi ito kung papasok siya. May choice naman kasi siya. Wala namang pakialam ang nanay niya kung pumasok man ito o hindi. Hindi rin ito manghihinayang sa perang nagastos niya sa pagpapaenroll sa binata.
Now. His decision is between what he feels and what is right.
Pwede siyang tumalikod at maghunting na lamang upang maiwasan ang dapat iwasan. Laging sinasabi ng nanay niya na dapat mas gawin mo ang tama. Mapapahamak ka lang kapag sinundan mo yang nararamdaman mo. Taksil ang puso.
Kanina pa din nakatingin sa kanyang yun guard. Naweweirduhan na ata sa kanya. Naka jacket iyo na may hood. Para siyang si Joaquin Manansala ngayon. Vampire version nga lang.
"Hey hottie. Hindi ka pa papasok?" May tuko-este babaeng biglang kumapit sa braso niya. Medyo nagulat yung babae nang mahawakan ang braso ni Memphis. "Wow. You're literally cold. Tara na sa loob" Sabay hila. Hindi naman nagreklamo ang binata. Oo na. Mas pinili na niya ang pumasok.
Gusto lang niya masigurado kung okay na talaga si Caelyn.
Palusot niya e.
Ngayon lang niya natitigan ng mabuti ang Edinburgh High. Hindi gaanong kilala ang bayan ng Edinburgh ngunit maganda at mayayaman sa forest at High castles ang lugar nito.
"By the way,i'm ericka" Inilahad ni tuko ang kamay niya. Tsk. Mortal ito e. Dapat hindi nakikipagclose.
"Memphis.." Malamig na sagot niya.
Alam niyang may gusto si Ericka sa kanya. Palusot din niya e. Pasimple pa. Tss.
"You're new here right? Ngayon lang kita nakita eh." Madaldal. Parang si Maisha Caelyn. Tsk. Siya na naman iniisip niya. "I can be your tour guide for today. Okay lang?"
"Hindi. Kabisado ko na ang school dont' worry." Pagsisinungaling niya dahil ang totoo ay wala pa siya kaalam alam sa mga pasikot sikot at mga building ng school. Sungit ng peg ni koya e. "Sige una na ko."
Lumayo na siya. Ngayon saan na siya pupunta? Si ericka pa lang ata ang tanging kilala niya rito. Maliban na lamang sa iniirog niyang hindi na siya maaalala.
Nilabas niya sa kanyang bag ang kanyang schedule.
First subject. 8:30-9:30. History. Building A. Room 209.
Napatingin siya sa relo niya. Tsk. Quarter to nine na. Late na siya.
Pumunta siya sa room niya at kumatok agad ng makarating.
"Yes?.." Bungad sa kanya ng isang matandang babaeng nasa 40 na siguro ang edad.
"Uhmm. New student po?" Aba. May magalang side din pala itong bidang bampira natin.
"Oh. Yeah i remember. Please come in and introduce yourself to everyone.." Binaling naman ang tingin sa mga estudyante niya. "Class may bago kayong classmate. Be nice ha?.."
"Yes maa" They said in chorus.
Pumasok siya sa loob at nilibot ang mata.
Napako ang mata niya sa isang babae na nakaupo sa pinakadulo sa may bandang kanan. Ito ang babaeng hindi mawala wala sa kanyang isipan. Si Caelyn.
Nakatingin lang din sa kanyang ang dalaga pero walang halong pagtataka o pagkatakot. Sapagkat wala itong maalala.
"Good Morning. I'm Memphis Clayne Heraldy. Nice to meet all of you.."