Ten

3.2K 45 0
                                    

Full of typos and wrong grammar

*

Illiana Vander..

3rd Person's POV

"There's an intruder." Nangangambang sabi ni Leicester. Ilang araw na rin silang wala sa bahay nila.

Nagsimula ito noong isang araw habang naghuhunting sila. Naamoy nila ang isang bampirang may masamang hangarin. Ngayon ay sinusubukan nila itong hulihin. Alam nilang nasa vicinity pa ito ng town.

"Leices dito.." Bulong ng asawa niya. Agad itong tumakbo sa kinaroroonan ni Charity. May tinuro siya. "Footprints.." Sabi niya sabay lapit at amoy dito. "Masama ang balak niya.."

Biglang kumaluskos ang paligid. Alam nilang may nagmamasid.

Nakatayo lang silang dalawa. Tila tinatantiya nila ang galaw ng kung sinuman yun.

Muli ay nakarinig na naman sila ng kaluskos. Hindi lang iyon ang kanilang nakita. May isa ring anino.

"1. 2. 3." Bulong nila bago dali daling sinugod ang bampirang iyon.

"Ano ba!!" Naririnig nilang pagmamaktol ng bampira. Babae ito. Hindi pa nila nakikita ang mukha nito dahil tinatalian nila ito ng silver string para hindi makatakas.

"Araaaaaaay shet. Tito! Tita! It's me. Jeez.." Sigaw nung bampira.

Napatingin sila sa babaeng yun. Si---

*

Caelyn's Point Of View

Medyo. Take note: MEDYO close na kami ni Krystan Lake. Boring lang kasi talaga pag magmumukmok lang ako sa kwarto. Kaya pinakuwento ko muna siya ng kung anong pwedeng niyang maikuwento sa kanya.

Krystan Lake Sarrosa ang pangalan niya. Weird nga eh. Bakit kailangan pang lagyan ng lake? Naloloka ako. Hahaha.

"So bakit ikaw ang nandito eh mayaman naman pala kayo?"

"Hobby ko ang carpentry tsaka bawas na rin yun sa mga susuwelduhan nila mama."

"Kuripot. Hahaha"

Ginulo niya ang buhok ko. "Ang daldal mo talaga. Para kang manok. Haha."

Inirapan ko lang siya. Psh. "Ge tawa pa. Saya mo eh"

"Pikon ka pala eh." Asar niya. Tsk.

"Pangit mo." Sabi ko sa kanya sabay belat. Isip bata lang. Haha.

"Sus. Gwapo ko kaya."

Sasagot pa sana ko pero biglang nagring yung phone niya. Tumayo siya at tumingin sakin sabay turo sa may phone. Sumenyas lang siya na sasagutin niya yung tawag. Tumango na lang ako.

Bumalik din siya pagkatapos pero-

"Mama ko.." Sabay turo sa phone. "Pinapauwi na ko. bukas na lang ulit. Ge pakisabi sa mama mo umalis na ko ah?"

"Ingat." Sabi ko sa kanya.

*

Life must go on kahit may pilay ako. Psh. Kamay ko lang naman yung nasira. Hindi naman kasama utak ko dun. Haha. Ayoko namang bumaba grades ko dahil lang sa 'napilay' ako. Lame reason yun.

Kararating ko lang at dumiretso na ko sa classroom para maghintay.

"Hi.." Nagulat ako sa taong nagsalita sa gilid ko.

"Memphis.."

Napakamot muna siya sa batok niya bago nagsalita. "Uhh. About what happened the other day. Uh--" Pinutol ko siya sa pagsasalita niya dahil sumingit ako.

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon