~Chapter 8
Alex POV
Sumasakit ang ulo ko sa gulo ng asawa ko sa loob ng opisina ko. Tinutok ko na lang ang atensiyon ko sa mga papeles na pipirmahan ng biglang may iniabot na folder sa akin si Luke.
"What's this?" Kunot noong tanong ko.
"Files about Jake." Nakangising sagot niyo. Ang sarap suntukin ng gagong to. Pinagtatawanan ba niya ako? Di bale, mabilis naman niyang nagawa ang pinapagawa ko kaya naman palalampasin ko ang pagngisi ngisi niya.
Agad ko namang binuklat ang folder at agad na umusok ang tenga ko sa topless na picture ng isang lalaki na agad na tumambad sa akin. Agad ko itong pinunit at hinagis kung saan. At sunod na nakita ko ay ang pangalan nito. JAKE CUENCA HUH! You better hide now!
"Bago ka maghurumentado boss eh yang lalaking iniidolo ng asawa mo ay isang artista. Kaya wala kang dapat na ipag alala." Nakangisi pa ring paliwanag nito na ikanapanatag naman ng loob ko.
"You can leave now Luke." Agad kong pagdidismiss sa assistant ko at tumalima naman agad ito.
Tiniklop ko na ang folder na naglalaman ng files ni Jake at tinapon sa basurahan. Napakunot ang noo ko ng mapansing tahimik na ang opisina ko. Agad akong lumingon sa couch na kinaroroonan ng asawa ko at nakitang mahimbing na itong natutulog.
Nilapitan ko siya habang nakatitig ako sa maamo niyang mukha. Napakainosenteng tingnan ang asawa ko.
Nakaluhod ako ngayon sa kanyang harapan at hinahawi ang mga hibla ng buhok niyang tumabing sa maganda niyang mukha.
Naagaw ang atensyon ko sa isang kulay pink na celphone na nakapatong sa mesa katabi ng couch. Dinampot ko ito at tiningnan. Muntik ko ng maihagis ang celphone niya ng makitang yung topless na picture nung Jake na yun ang wallpaper niya. Agad ko itong binura. Hinalungkat ko rin ang gallery niya at puro picture ng pesteng lalaking yun ang nakita ko kaya binura kong lahat.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at naglakad lakad. Pinalitan ko ng mga picture ko ang gallery niya pati wallpaper niya.
Pinasok ko na sa shoulder bag niya ang celphone niya pagkatapos ko itong lagyan ng mga picture ko. Sinukbit ko sa kanang balikat ang pink niyang shoulder bag at binuhat ko siya ng bridal style. Gumalaw siya ng kaunti pero di siya nagising. Ang gaan gaan niya. Kaya dapat pakainin ko siya ng pakainin para naman magkalaman siya.
Pinagtitinginan kami ng mga empleyado na nadadaanan namin pero wala akong pakialam.
"Naku mukhang pinagod mo masyado yang kapatid ko tol ah." Panunukso ng kapatid ni Macey na nakasalubong namin.
"Ulol! Hahahaha. Iuuwi ko na to. Napagod sa kakaisip ng bagong design ng office kong inangkin na niya."nakatawa kong sagot.
Napahagalpak naman ng tawa si Andrew sa tinuran ko.
"Goodluck tol. Color pink ba lahat?" Tatawatawang kantiyaw nito.
"Almost" napapailing kong sagot.
"Sige iuwi mo na yan ng makarami. Gusto ko ng sang dosenang pamangkin ha."
"Oo ba." Nakangising sagot ko saka nagtuloy na akong maglakad papuntang kotse ko at umuwi na kami.
------------
"AHHHHHHHHHHH! ALEXANDERRRRRRR!" malakas na sigaw ni Macey mula sa silid namin. Muntik na akong madulas sa banyo sa pagkakataranta ko.
"What happened? Why are you shouting baby?" Agad kong tanong sa kanya ng makalabas ako ng banyo at patakbo akong lumapit sa kanya sa bed.
"WAAAHHHHHH! BASTOS! BAKIT NAKAHUBAD KA?!" malakas na sigaw ulit nito at nagtalukbong siya ng kumot.
Ngayon ko lang naalala na hubo't hubad pala ako at di ko man lang nagawang magtapis sa pagmamadali kong lumabas.
"Eh ano ngayon kung nakahubad ako? Asawa naman kita eh. At isa pa nagmafali akong lumabas dahil nagsisigaw ka. Bakit ka ba kasi nagsisigaw?" Iritang tanong ko sa kanya.
"Ang pervert mo talagang hukluban ka! Bakit mo pinalitan ng topless picture mo yung wallpaper ko? Ang bastos mo talaga!" Sigaw nito habang nakatalukbong pa rin ng kumot.
"Aba! Buti nga ako nakapantalon dun tapos sasabihan mo akong bastos? Eh diba nakabrief lang yung jake na yun sa wallpaper mo?! Ikaw Macey! You are already married so stop fantasizing other men! Ako lang ang lalaking dapat na tinitingnan mo!"
"Ang kapal mo! Hindi kita gusto! Pinilit niyo lang akong pakasalan ka!" Sigaw niya rin sa akin.
Para akong sinaksak ng paulit ulit sa narinig ko mula kay Macey. Ang sakit palang marinig mula sa kanya na hindi niya ako gusto. Tumayo na ako at nagbihis saka ako lumabas ng kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/39768436-288-k276277.jpg)
BINABASA MO ANG
MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)
Romance~teaser I'm Macy Liu, 17 years old, full blooded chinese but grew up here in the Philippines with my dad and my 26 years old brother Andrew. I live like a fragile princess. I'm the apple of the eye of my family. They provided everything i need and w...