Chapter 27

6.2K 100 0
                                    

~Chapter 27

Third Person POV

"Why did you kidnap us?" tanong ng batang makulit nato. Isang linggo na sila sa resort ko sa palawan.

"Paulit ulit na lang Mace. Sabi na ngang di ko kayo kinidnap. Hiniram ko lang kayo. Gusto ko lang naman kayo makasama. Napaka walanghiya kasi ng daddy niyo. Ayaw man lang kayo ipakita sa akin." Nakanguso kong pagpapaliwanag sa kanila habang naka upo kami dito sa buhangin sa dalampasigan.

"Bakit ba ayaw sa inyo ni daddy?" seryosong tanong ni Mark.

"Nagseselos kasi siya sa akin. Ayaw niyang malapit ako sa inyo lalo na sa mommy niyo. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Yes I love your mom. It's because she is my sister. Even your lolo don't know that I'm his son. My mom didn't tell him because he is already married to your lola." malungkot kong pagpapaliwanag sa mga pamangkin ko.

"Kayo na lang ang pamilya ko. Gusto ko rin kayong makasama kahit sa mga huling oras ng buhay ko." mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko sa isiping mamamatay na ako.

"Hindi ka pa po mamamatay tito Carl. You will live long pa po kasama namin." umiiyak ng nakayakap sa akin si Mace. Napakaiyakin talaga niya parang si Macy nung bata pa.

"Oo nga po tito. Tutulungan mo pa po kaming alagaan ang prinsesa natin paglabas niya sa tummy ni mommy." umiiyak na ring segunda ni Mark.

Kahit hindi tunay na anak ni Macy si Mark eh kita ko naman ang pagmamahal ni Macy dito na tulad ng pagmamahal niya sa tunay niyang anak.

"Pack your things and toys na. I wilk bring you home. Tiyak nag aalala na cla sa inyo." nakangiti kong utos sa kanila. Alam kong ito na ang huling pagkakataong makasama ko sila. Halos bumibigay na ang katawan ko sa sakit. Lumalakas lang ang pakiramdam ko kapag kasama ko sila.

Mabilis naman silang tumalima.

Makalipas ang apat na oras ay narating na rin namin ang harap ng mansiyon ng mga Go.

"Here we go kids. Go inside na." utos ko sa dalawa hbang nakatingin ako sa malayo. Gusto kong maiyak. Gusto kong mayakap ang mga kapatid ko kahit sa huli. Pati na si dad.

"Come inside tito. I know mom will be happy to see you. Let's go." nakangiting hinatak ako ng dalawa palabas ng kotse. Masyadong nanghihina ang katawan ko kaya nagpatianod na lang ako.

Bago pa ako makapagdoorbell ay bumukas na ang gate. Hindi ko na nakita kung sino ang nagbukas ng biglang nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.

MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon