Chapter 28

6.8K 96 0
                                    

~Chapter 28

Alex POV

Tatlong araw nang naka confine si Carl sa hospital mula ng mawalan ito ng malay sa labas ng aming bahay ng hinatid niya pauwi sina Mace at Mark.

Kinuwento ng dalawang bata ang nangyari sa kanila mula ng mapunta sila kay Carl at nasabi nga nila na may sakit ito at gusto lamang niya makasama ang pamilyang pinagkait ko dito. Kinumpirma din ng doktor na stage four na ang bone cancer nito. Hindi pumayag si Macy na kuhanan pa ito ng DNA test dahil naniniwala daw itong magkadugo sila. Umuwi din mula sa Guam ang ama nila at personal na nag aasikasi sa mga kailangan ni Carl. Pati rin si Andrew ay pabalik balik sa hospital upang alamin kung nagising na ang kapatid. Minsan lang pinayagang dumalaw si Macy sa hospital dahil kakapanganak lamang niya.

"Al kumusta na si Carl?" malambing na tanong sakin ng asawa kong nakaunan sa mga braso ko. Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama namin at nagpapahinga.

"Nagising nasiya kanina, gusto na daw niyang lumabas ng hoapital kaya inayos na rin ni dad ang paglabas niya. Bukas lalabs na siya at didiritso sa mansiyon niyo. Tumanggi siya pero si dad pa rin ang masusunod." sagot ko naman habang hinahaplos ko ang kanyang likod.

"C-can I see h-him?" nauutal na tanong nito. Ganun na ba ako kasama para pati ang asawa ko ay matakot sa akin?hayyyy.

Niyakap ko siya ng mahigpit sak ko inangat ang kanyang mukha upang magtama ang aming mga mata.

"Ofcourse baby. We will go there tomorrow. We can sleep there if you want to." malambing kong sagot. Kitang kita ko kung pano mangilid ng luha ang kanyang mga mata. Alam kong nasasaktan siya sa kondisyon ng kapatid niya at ito lang ang magagawa ko for them. To let them bond until he can. I hug her again tightly until I feel her even breathing. She fell asleep in my arms.

After 1 Year.

"Baby rest ka na. Alam kong napagod ka sa pag aasikaso ng birthday ni Misha at Michelle." lambing ko sa asawa ko.

"I'll just take a shower." malamig na tugon nito.

Ganito kalamig ang pakikitungo nito mula ng mamatay si Carl dalawang araw matapos itong nakalabas sa hospital. Inamin ko kasi sa kanya na ako ang dahilan kung bakit hindi ito makalapit sa kanila noon. Pinagsisihan ko ang desisyon kung yun pero wala na akong magawa. Nagawa ko nang magkalayo sila ng pamilya niya. Pakonswelo na lang sa akin na nakikisama pa rin ito sa akin dito sa bahay dahil ayaw niyang masaktan ang mga anak namin.

Nasasaktan ako sa tuwing umiiwas siya kapag lumapit ako sa kanya na animo ay nandidiri itong mapalapit sa akin.

Nauna na akong mahiga sa kama habang nagsashower ito. Kakatapos lang ng first birthday celebration ng bunsong kambal namin.

Macy POV

Nakatukod sa wall ang dalawang kamay ko habang hinahayaan kong lumagaslas ang tubig mula sa shower sa buo kong katawan. Halos bumigay na ang pader na pilit kong nilalagay sa pagitan naming dalawa. Hindi na ako galit sa kanya, tampo na lang siguro. Kahit ganun yun ay mahal na mahal ko yun. At lalo akong napapamahal sa isang taong panunuyo nito.

Tinapos ko na ang pagligo, lumabas akong tanging puting towel lamang ang aking saplot. Balak ko siyang i seduce ngayon. Aba matagal na rin akong di nakakapaglandi dahil sa tampo mode ako.

Pero laking dismaya ko ng maabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Suot pa rin nito ang polo at slacks na suot nito sa birthday ng mga anak namin. Ni hindi man lang nagawang maghubad ng sapatos.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at inumpisahang hubaran ito. Siyempre sapatos muna. Tapos medyas. Eeehhhh. Ano ba uunahin ko? Pantalon ba o polo? Teka, pwede bang both? hihihi. Ang landi talaga ng isip ko. Inilapit ko ng aking mukha sa nakapikit kong asawa. Shems ang gwapo talaga niya. Ang pula ng labi. Grabe labi agad una kong napansin. Sarap kagatin. Hihihi. Isang kagat lang please. Gahibla na lang ang lapit ng labi ko sa labi niya ng nawalan ako ng balanse at napasubsob ako sa mukha niya.

*Ang Next Chapter ay hindi SPG chos lang...SPG ito kaya patnubay ng magulang ay kailangan at maghanda ng kumot pamunas...hahahahha...*

MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon