~Chapter 16
Alex POV
Sumasakit ang ulo ko. Hindi ako nakatulog kahit sinabi ni Andrew na safe na nakarating si Macey sa kanila. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng babaeng yun. Bigla bigla na lang nagalit.
Gusto ko mang sundan sa kanila ang asawa ko pero sabi ni Andrew pabayaan ko muna si Macey. Sobra akong naging busy lately dahil araw araw akong bumibiyahe mula pampanga pa cebu sa umaga at mula cebu pauwi ng pampanga sa gabi dahil sa pinapatayo na private resort doon.
Utos kasi ng daddy ni Macey na personal kong i-supervise ang construction kaya kelangan ko magstay doon pero hindi ko naman kayang hindi makita ang asawa ko kaya naman pinipilit kong umuwi araw araw.
Hindi ko naman kasi maisama si Macey doon kaso hindi ko rin sya maasikaso. Ang sarap iuntog ng ulo ko sa irita.
Akmang iuuntog ko na sana ang ulo ko ng biglang nag ring ang celphone ko. Agad ko itong sinagot umaasang si Macey ang tumatawag.
"Hello." nanghihinang sagot ko.
"Pumunta ka ngayon din sa cebu. Nagkaproblema ang site. Hindi nakarating ang mga dagdag na materyales. Doon ka muna mag stay para hindi na magkaaberya. Ako ng bahala kay Macey." maotoridad na utos ng ama ni Macey.
"Okay dad"malungkot kong pagsang ayon.
Nag ayos na ako at tumungo na sa airport.
-----------------------------
Mag isang linggo na ako dito sa cebu at kahit isang beses hindi ko pa nakakausap ang asawa ko. Namimiss ko na siya. Konting tiis pa malapit ng matapos ang construction.
Sinubukan ko uling tawagan si Macey, nagbabakasakaling kausapin na niya ako. Naka dalawang tawag muna ako bago may sumagot.
"Hello Alex?" sagot sa kabilang linya. Palagay ko si Andrew.
"Nasaan si Macey?" paos ang boses na tanong ko.
"Okay ka lang ba? Bakit ganyan ang boses mo?" nag aalalang tanong ni Andrew.
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko. Nandiyan ba si Macey? Pwede ko ba siyang makausap?" pagbabakasakali ko pa rin.
"May sakit ka pala, nagpacheck up ka na? Oo andito si Macey. Sorry bro, ayaw ka pa ring makausap eh."
"Ganon ba? Alagaan mo na lang siya para sa akin. Sige bye." nanghihinang paalam ko saka ibinaon sa unan ang mukha ko.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Naalimpungatan ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Ang sakit ng ulo at katawan ko. Mukhang nagka trangkaso na ako. Pilit kong iminulat ang aking mata at napakunot ang noo ko ng mapansing iba ang suot kong damit. At may hand bag na nakapatong sa side table ko.
Napangiti ako sa pumasok sa isip ko. Baka dumating si Macey. Baka hindi niya ako natiis. Nasa ganong estado ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang napakagandang mukha ng asawa ko. Mukha talaga siyang bata lalo na at maong na jumper short at white t-shirt ang suot niya.
Tatayo na sana ako para salubungin siya ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at inuluwa ang isang babae na tanging puting towel lamang ang tumatakip dito.
BINABASA MO ANG
MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)
Romance~teaser I'm Macy Liu, 17 years old, full blooded chinese but grew up here in the Philippines with my dad and my 26 years old brother Andrew. I live like a fragile princess. I'm the apple of the eye of my family. They provided everything i need and w...