Chapter 17

7K 115 1
                                    

~Chapter 17

Macey POV

Hindi ko talaga matiis ang huklubang yun lalo na at mukhang may sakit daw sabi ni ahya kaya naman nagmadali akong nagpahatid kay kuya sa cebu gamit ang private plane ng hukluban kong asawa.

Agad akong umakyat sa penthouse kung saan siya nag i stay sabi ni kuya. Nagpaiwan na si kuya sa lobby baka daw makaistorbo siya. Parang baliw lang.

Binuksan ko ang pinto ng silid ni Alex gamit ang susi na nakuha ko sa front desk. Isang namumutla ngunit nakangiting huklubang sobrang hot ang agad na bumungad sa akin. Mukha ngang masama ang pakiramdam niya dahil sobrang putla niya. Akma sana itong tatayo ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa dito ang isang babaeng tanging towel lamang ang saplot.

"Kaya pala hindi ka na umuuwi dahil may iba ka ng kinakasama! Walang hiya ka talaga! Magsama kayo ng mukhang hito mong babae mga balasubas! Ipapakulong ko kayo! Kakasuhan ko kayo ng adultery!" naghihisterikal kong sigaw sa kanila at mabilis akong tumakbo palabas ng silid at pababa sa lobby.

Agad ko namang nakita si kuya na nakikipaglandian sa receptionist kaya hindi ko na siya inabala. Diridiritso akong lumabas ng building. Hilam sa luha ang aking mga mata. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung saan ako napadpad at ang huli ko na lang narinig ay ang mga sigaw sa paligid bago ko maramdaman ang malakas na pagbangga sa likuran ko bago ako tumilapon.

Alex POV

Mabilis akong nakababa sa aking kama kahit nanghihina pa ang aking pakiramdam. Hinabol ko si Macey na umiiyak na lumabas ng silid ko. Naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi ko alam bakit ito ngyayari. Nakita ko ang aking asawa na tumatakbo palabas ng building na umiiyak. Halos mapugto ang aking hininga ng makita kong papatawid si Macey sa kalsada. May isang kotseng mabilis ang takbong tinutunton ang kinaroroonan niya. Binilisan ko pa ang pagtakbo habang sumisigaw na umalis siya sa daan pero huli na ang lahat ng makita kong sumalpok ang kotse sa kanyang likod na dahilan ng kanyang pagtilapon.

Gusto ko man siyang buhatin ng makalapit ako pero natatakot ako baka lumala lang ang lagay niya. Nanginginig ang buong katawan ko sa nakikita kong naliligo ang asawa ko sa sarili niyang dugo.

Para akong mababaliw pero wala akong magawa. Dumating ang ambulansya at agad naman siyang isinakay. Pinayagan din akong sumakay sa ambulansya ng magpakilala akong asawa. Hawak hawak ko ang kamay ng asawa kong walang malay. May nakakabit na oxygen sa kanyang ilong at may brace ang kanyang leeg. Ayaw paawat ng aking mga luha sa sinapit ng aking asawa dahil sa aking kapabayaan. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Inasikaso agad ng mga doktor ang asawa ko pagdating namin sa hospital.

"Ikaw po ba ang asawa ni Mrs. Macey Go?"seryosong tanong ng doktor.

"Yes dok. Ano po ang lagay ng asawa ko?" nag aalalang tanong ko.

"We have a good news and a bad news. The bad news is critical ang condition niya ngayon. Malakas ang naging impact sa kanyang likod kaya nagka damage ang kanyang spinal cord. I'm sorry pero napakalaki ng chance na hindi na siya uli makakalakad. But the good news is, the baby is okay." mahinahong paliwanag ng doktor. Hindi ko alam kong maiiyak ako o matutuwa. Natutuwa ako dahil nalaman kong buntis pala ang asawa ko at okay lang ang anak namin. Pero baka hindi na uli makakalakad si Macey. At kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko namalayang napaupo na pala ako sa sahig at naramdaman ko na lang ang pag alis ng doktor sa tabi ko. Napakawalang kwenta ko talagang tao. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon