Chapter 23

7.1K 128 0
                                    

~Chapter 23

Macey POV

"ALEXANDER! Bilisan mo diyan at kanina pa nag aantay si Mark!" malakas kong tawag sa asawa kong kasing kupad ng pagong kung kumilos. Daig pa ako sa kabagalan. Excited na kasi akong dalawin ang anak ng malandi kong asawa.

Ewan ko ba, nung panahong pinagtapat sa akin ni Alex ang nangyari bago ako maaksidente at ang nangyari nga kay Maricar at sa parusang ginawa nito ay di ko magawang magalit kay Maricar at sa bata, una walang kasalanan ang bata at kawawa naman kasi wala na itong ina at pangalawa ang walang hiyang Alex na yun ay nakatikim talaga ng katakot takot na batok sa akin dahil sa ginawa niya kay Maricar. Kawawa naman kasi siya, nainlove lang ang lola. Kaya ito araw araw naming dinadalaw si Mark sa hospital pagkatapos mailibing ni Maricar.

"Tsskkk. Hindi naman aalis yun doon sa hospital eh!" pagdadabog nitong sagot sabay tulak na ng wheelchair ko palabas ng bahay kaya naman napalingon ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Halika nga dito! Yuko!" malakas kong utos at nakanguso naman itong sumunod kaya ayun, dalawang malakas na batok ang binigay ko sa kanya.

"Aray naman! masakit yun ha! Tssskkkk! Kinakawawa mo na ako ng dahil sa batang yan!" nakangusong reklamo nito kaya naman binigyan ko uli siya ng pinong kurot sa tagiliran.

"ANAK NATIN! UMAYOS KA ALEXANDER KUNG AYAW MONG PALAYASIN KITA SA PAMAMAHAY KO!" inis kong bulyaw dito. Naku naku naku manganganak ako ng wala sa oras ng dahil sa hinayupak na ito.

"Tssskkkk bahay ko kaya to. Tapos palalayasin niya ako ng dahil sa batang yun. Naku humanda sa akin yun paglaki niya isasabit ko siya sa hagdan. Aagawin pa niya sa akinang asawa ko." pabulong na kausap nito sa sarili kaya hinayaan ko na baka ma highblood pa ako.

Sa wakas narating din namin ang kotse kahit panay ang reklamo nitong lalaking to habang tinutulak ang wheelchair ko. Bigla akong binuhat ni Alex para ipasok sa kotse pero napatili ako sa kabiglaan kaya naman napasigaw ako at pinagahampas ko siya sa dibdib.

"WALANGHIYA KA TALAGA! GUSTO MO BA AKONG MANGANAK NG WALA SA ORAS DAHIL SA PAGKABIGLA HA?! WALA KA NA TALAGANG GINAWANG MATINO LALAKI KA!!!!!" malakas kong sigaw sabay hampas sa dibdib niya pero bigla akong napatahimik dahil kinuyamos niya ako ng halik sa labi ng maibaba niya ako sa passenger seat ng kotse. Sh*t ang sarap sarap talaga ng labi ng asawa ko. Napakapit ako ng mahigpit sa batok niya at ang isa kong kamay ay nakasabunot sa buhok niya upang mas lalong lumapat ang mga labi namin. Nilaro ng dila niya ang dila ko kaya napaungol ako sa sarap.

Habol hininga kaming dalawa ng maglayo ang aming mga labi. Nakangisi naman itong nakatitig sa akin.

"Yan lang pala makakapagpatigil sayo. Ang ingay ingay mo." nakangising sambit nito kaya naman sinampal ko ito ng mahina sa pisngi. Alam kong pulang pula na ako sa sobrang hiya. Kainis talaga tong huklubang to. Porket ang sarap niyang humalik. Hmmmppp.

Sa awa ng diyos nakarating din kami sa hospital matapos ang isang oras na biyahe na dapat ay fifteen minutes lang. Ito kasing malanding huklubang ito ay panay ang hinto sa daan at umiisa lagi ng halik. Tssskkk. Siyempre sino ba naman ako para tumanggi? Masarap eh. Hehehe.

"Mr. and Mrs. Go andito na pala uli kayo. Gusto raw po sana kayo makausap ni Dra. Fernandez about kay baby Mark." bungad sa amin ng nurse ni baby Mark kaya tumuloy na kami sa opisina ni doktora.

"Mr. and Mrs. Go. Have a seat. Hinihintay ko talaga kayo." bungad sa amin ni doktora pagkapasok namin sa opisina niya.

"Okay lang po ba si baby Mark?" nag aalala kong tanong.

"Yes Mrs. Go okay naman siya. Actually mas naging maayos na ang kundisyon niya. Kapag nagtuloy tuloy ito ay maaari niyo na siyang iuwi next month. Naayos na rin ang nga papers niya at kayo na ang legal parents niya." masayang balita sa amin ng doktor na nagpangiti sa akin.

"Talaga dok? Wow! Narinig mo yun Alex? maiuuwi na natin si baby Mark." masaya kong sambit sa asawa ko.

"Next month pa Macy." walang emosyong sagot nito kaya sa sobrang inis ko pinaghahampas ko ito.

"Wala ka talagang......Ahhhhhhh....Awwwwwww." malakas kong sigaw ng makaramdaw ako ng sakit sa tiyan ko at ang biglang pagbulwak ng tubig sa pwerta ko.

MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon