~Chapter 3
Nagkagulo ang mga tao sa loob ng simbahan ng makita nilang hinimatay si Macy.
"I think she's pregnant kaya siya hinimatay. Kaya siguro minadali ang kasal. Grabe na talaga mga kabataan ngayon." bulong-bulungan sa loob ng simbahan.
Wala ng pakialam si Alexander sa ibang tao. Ang tanging laman ng isip niya ay kailangan niyang madala sa ospital si Macy.
Agad namang tinulungan ni Andrew si Alexander na ipasok sa bridal car upang dalhin ito sa ospital.
"How's my wife?" alalang tanong ni Alexander sa pinsang doktor na sumuri kay Macy.
"She's fine. I think the rush of stress and excitement cause her to faint. But she's definitely fine. Just let her rest." nakangiting tugon ng pinsang doktor.
"And congratulation couz. She's a good catch. So better take good care of her." dugtong pa ng doktor.
Kahit papano ay kumalma ang kalooban ni Alexander sa narinig sa pinsan.
"I think you better bring her home already when she wakes up. Kami ng bahala sa reception hijo. Take good care of my daughter." paalam ng daddy ni Macy kay Alexander sabay tapik sa balikat ng binata.
"Thanks dad. Don't worry, i'll take good care of her." seryosong tugon ni Alex.
"Ikaw ng bahala sa baby sister ko. Wag na wag mo siyang sasaktan kung ayaw mong mabura yang pagmumukha mo.' nakangiting babala ni Andrew sa bayaw.
"I will never hurt her. You know how much i love her." nakangiting sagot ni Alexander.
Iniwan ng pamilya sa pangangalaga ni Alexander ang dalaga na payapang natutulog sa hospital bed.
"Mukhang mapupurnada pa ang ating honeymoon sa sobrang excited mo mahal ko." pilyong bulong ni Alex sa natutulog na si Macy.""
Ilang sandali pa at nagising na rin si Macy.
"uuuhhhmmm...nasaan ako?" halos pabulong na tanong ni Macy sa sarili ng hindi pamilyar and silid na kanyang namulatan.
"Nasa hospital ka." tipid na sagot ni Alex na nakaupo sa tabi ng kama ni Macy.
"Bakit ako andito?" naguguluhang tanong ni Macy. Sa pagkakatanda niya ay kasal niya ngayon.
"Sa sobrang excited mo hinimatay ka sa loob ng simbahan pagkatapos nating ikasal." nakangising sagot ni Alex sa naguguluhang asawa.
Dahil sa narinig, nag-uunahang pumatak ang mga luha ni Macy sa kanyang mga mata.
Tama, ikinasal na nga siya sa matandang huklubang ito. Umpisa na ng bangungot ng buhay niya kasama ng kanyang sangganong asawa.
"Why are you crying? Teka...anong masakit sayo ha? Tell me." natatarantang tanong ni Alex sa umiiyak na asawa.
"NURSE! DOK!" natatarantang tawag ni Alex sa intercom.
"Oh ano? Masaya ka na? Kasal na tayo. You better keep your deal with dad. Save our company. And i promise to do what you want." mahinang sambit ni Macy kay Alex. Di na niya napigilang mapahagulgol sa kanyang sinapit sa sobrang pagmamahal niya sa pamilya.
Nasaktan man sa tinuran ng minamahal na asawa ngunit mas pinili niyang manahimik na lamang. Niyakap na lamang niya ng mahigpit ang umiiyak na asawa.
"I know i've been so selfish. But i love you this much to have you by all means."piping usal ni Alex sa sariling isip.
"What happened Alex? Bakit ba nagsisigaw kna naman?" naiiritang tanong ng pinsan nitong doktor. Kasama nito ang dalawang nurse.
Pinili na lang manahimik ni Alex at tinitigan ang pinsan. Agad namang nakuha ng pinsan ang ibig nitong ipahiwatig.
"Dahil gising na si Macy. Pwede mo na siyang iuwi upang sa bahay na magpahinga." pinal na utos ng doktor sabay talikod palabas ng silid.
tbc...
*panu magiging matiwasay ang pagsasama ng isang seryosong 27 years old yummy papa at isang isip batang kaka 18 pa lang na dalaga. Ano ang mananaig? Galit? O pagmamahal? Pagkukunwari? O totohanan?*""
BINABASA MO ANG
MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)
Romansa~teaser I'm Macy Liu, 17 years old, full blooded chinese but grew up here in the Philippines with my dad and my 26 years old brother Andrew. I live like a fragile princess. I'm the apple of the eye of my family. They provided everything i need and w...