Chapter 19

7K 128 0
                                    

~Chapter 19

Alex POV

Sobrang saya ko ng makitang sa wakas ay gising na ang asawa ko. Niyakap ko muna siya ng sobrang higpit bago ako tumawag ng doktor upang tingnan siya. Napakaganda talaga ng asawa ko lalo na ngayon na animo nagba blush siya sa tuwing titingin sa akin sabay yuko na parang nahihiya.

"Kumusta na po ang asawa ko dok?" nakangiting tanong ko habang nakatitig sa asawa ko. Napakunot pa ang noo ko ng makitang namilog ang kanyang mga mata at akmang magpapanic.

"A-a-a" pilit siyang nagsalita pero halos ayaw lumabas ng kanyang boses. Bigla itong umiling ng pagkalakas lakas na akala mo nahintakutan.

"What's wrong baby? May masakit ba sayo?" nag aalala kong tanong sabay hawak ko sa mga kamay niya. Pilit niyang inaalis ang mga kamay niya sa pagkakahawak ko at yumuko ito. Napansin kong namumula ang mga pisngi niya.

"Mr. Go, I'll check your wife kindly sit on the chair please." magalang na sabi ng doktor kaya binitawan ko na ang kamay ng asawa ko at naupo sa couch. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.

"Misis ako po si Doktor Brent Santiago, ako po ang tumatayong attending physician mo, kaya niyo po bang magsalita?" marahang tanong ng kanyang doktor.

Umiling lang ang aking asawa bilang sagot.

"Okay, let's try writing." mahinahon pa rin sabi nito at binigyan ito ng drawingpad at pentel pen.

"What is your name?" paunang tanong ng doktor. Nakita ko namang nagsulat si Macy.

"So, Macy Liu ang pangalan mo?" tanong ng doktor sa kanya at tumango ito. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko sa narinig pero ibinalik ako ng kuya ni Macy sa pagkakaupo. Hindi ko napansin na katabi ko na pala ito.

"Hayaan mo muna ang doktor bro para malaman natin ang kondisyon niya.

"How old are you?" tanong uli ng doktor at nakita ko na namang nagsulat ang asawa ko.

"So you are 17 years old. Okay, alam mo ba kung bakit ka nandito sa hospital?" tanong uli ng doktor. Napapailing ang sa nangyayari. Naguguluhan ako sa mga sagot ng asawa ko.

"Okay, so hindi mo alam bakit ka nandito?" tanong uli ng doktor at nakita kong tumango si Macy at yumuko na uli.

"Macy, do you know him?" tanong uli ng doktor sabay turo nito kay Andrew na dahilan ng pag angat ng mukha nito at tumingin sa kinaroroonan namin. Tumango ito at sumulat uli.

"So, Andrew ang name niya at kapatid mo siya. Okay." tumango tango pa ang doktor habang nagsusulat ito sa chart niya at tumango rin si Macy. Napangiti naman ako kasi nakakakilala naman siya.

"Eh siya kilala mo ba?" nakangiting tanong ng doktor sabay turo sa akin at tumingin naman sa direksyon ko si Macy. Ang cute talaga ng asawa ko. Nakita ko kasing namula ang mukha nito at yumuko agad ito at marahang tumango. Sumulat din ito sa drawing pad niya.

"So, kilala mo din siya. Alexander Go ang pangalan niya at kaibigan ng kuya mo. Anything else about him?" napamura ako sa narinig ko mula sa doktor. Napailing naman si Macy upang kumpirmahing yun lang ang pagkakakilala niya sa akin.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya mabilis akong tumayo at lumapit sa asawa ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya at tinitigan ko siya sa mata. Namimilog ang mga mata niyang napatitig sa akin at nag umpisa na siyang mag panic.

"Damn Macy! Don't do this to me! I know your mad at me but don't you dare act like you don't know me! I'm your husband for christsake! And the father of your child!" gigil kong sambit pero sa mahina ngunit may diing boses.

Lalo namang nanlaki ang mga mata nito at napatingin siya sa bandang tiyan nito. Halos magulantang ako sa ginawa niya ng nililis niya ang kanyang hospital gown at tumambad sa amin ang kanyang binti, panty at maumbok ng tiyan. Agad ko namang tinakpan ng kumot ang kanyang pambabang bahagi at iniwan kong nakalabas ang kanyang maumbok na tiyan.

Nakita kong nakatulala ang asawa ko na animong hindi makapaniwalang buntis siya. God nakalimutan niyang mag asawa na kami at magkakaanak na. At kasalanan ko ang lahat ng ito. Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader pero nahimasmasan ako ng makitang namumula na naman ang pisngi ng asawa ko. God she's so adorable.

Sumulat si Macy sa drawing pad niya at binasa ko ito.

"Magkakaanak na tayo? Pano nangyari?" tanong nito sa akin na ikinangisi ko.

"Gusto mo bang i demo ko pano natin ginawa si baby?" bulong ko sa tenga niya at kinintalan ko pa ito ng halik at nagulat pa kaming dalawa ng sabay sabay na napaubo ang mga kasama namin sa kwarto.

Tsskkk mga istorbo!

MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon