Chapter 15

7.4K 153 1
                                    

~Chapter 15

Macey POV

Simula nung insidente sa school hindi na ako ulit pinayagang pumasok ni Alex. Pinag home study na niya ako. Huhuhu. Ang boring dito sa bahay. Para akong bata na grounded. Bawal pati gadget. At ang masama pa, hindi niya ako pinapansin.

Sobrang late na niyang umuwi, tulog na ako pag uwi niya at tulog pa ako pag alis niya sa umaga. Huhuhu miss ko na siya. Isang buwan na niya akong iniiwasan.

Ang sarap ng tulog ko ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ako kumilos at nagkunwari akong tulog na tulog. Tiyak akong malapit na malapit ang mukha ni Alex sa akin dahil amoy na amoy ko hininga niyang amoy alak. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako at naramdaman ko na lang ang banayad na pagpahid ni alex sa mga luha ko gamit ang hintuturo niya.

"I'm sorry baby." mahinang usal ni Alex saka niya ako niyakap ng mahigpit.

Amoy na amoy ko ang pabangong nakakapit sa damit niya ng mapadikit ang mukha ko sa dibdib niya.

Agad akong kumawala sa yakap niya at nagmamadaling iniwan ko sa kama ang naguguluhang si Alex.

Agad akong tumakbo sa banyo at doon nagduduwal. Ang sama ng amoy ng pabango na nakakapit sa damit ni Alex. Agad akong naghilamos at nagmumog pagkatapos kong sumuka at nakasalubong ko sa pinto ng banyo si Alex na nakakunot ang noo.

PAK!

Isang malutong na sampal ang agad kong sinalubong sa kanya.

"WHAT WAS THAT FOR?!" nanggagalaiting tanong ni Alex sa akin.

"PARA YAN SA PANLOLOKO MO SA AKIN! WALANG HIYA KA! KAYA PALA GABI KA NA KUNG UMUWI KASI NAMBABABAE KA!" galit na galit kong sigaw sa kanya at pinagsusuntok ko siya sa dibdib. Agad naman niyang pinigilan ang mga kamay ko sa pagsuntok sa kanya pero pinagtutulak ko siya palabas ng banyo hanggang umabot kami sa gilid ng kama.

"Anong nambababae? Wala akong babae. Busy ako sa kumpanya." galit pa ring sagot nito.

"KUMPANYA MONG MUKHA MO! LUMAYO KA SA AKIN! ANG BAHO BAHO MO! AMOY BABAE KA!" naghihistirya ko ng sigaw sa kanya at pilit ko siyang pinagtutulakan dahil naduduwal talaga ako sa amoy niya.

"You're crazy baby. Eh pabango mo tong gamit ko eh." nakangisi niyang sagot na lalong nagpabwiset sa akin. Pakiramdam ko pinapaikot niya lang ako.

"F*ck you! Wag ka ng magkaila dahil bistado ka na!" sigaw ko sa kanya at mabilis akong lumayo sa kanya at nag empake ng mga damit ko.

"What the hell are you doing Macey?!" malakas na sigaw niya at pilit na inaagaw ang maleta ko pero malakas ko siyang itinulak na dahilan upang matumba siya.

Mabilis kong sinara ang maleta ko at mabilis na lumabas ng bahay. Naabutan ako ni Alex sa garahe habang papasok na ako sa drivers seat. Hawak niya ako ng mariin sa braso at iniharap niya ako sa kanya. Hindi hindi ko siya mapapatawad sa pambababae niya.

"Go back inside Macey. Let's talk." mahinahong utos niya.

"Let go of my arm! I will never forgive you. How dare you forced me to marry you and now you have the guts to cheat on me?" puno ng hinanakit na turan ko sa kanya na dahilan upang bitawan niya ako at kinuha ko yung oportunidad upang makaalis.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharorot palayo sa bahay ni Alex. Hilam sa luhang nagdrive ako pauwi sa bahay ni papa.

"What happened baby?" Agad na sinalubong ako ni kuya pagkapasok ko ng bahay.

Mahigpit akong yumakap sa kapatid ko. Binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib ng kuya ko. Mahigpit din niya akong yakap habang hinahaplos niya ang likod ko.

"Mabuti pa magpahinga ka muna sa kwarto mo. Mag usap tayo pagkatapos mong magpahinga."malumanay na utos sa akin ni kuya na agad ko namang sinunod.

Umakyat ako sa kwarto ko at dumiritso ako sa kama. Doon nag iiyak ako hanggang makatulog.

Andrew POV

Agad akong bumangon at inabangan ang pag uwi ni Macey. Alam kong dito ang tungo nun matapos lumayas sa bahay nila. Kakakausap ko lang kay Alex at kiniwento nga niya ang nangyari. Masiyado talagang mahal ni Alex ang kapatid ko.

Mukhang magiging masaya ang mga lilipas na araw. Kung hindi ako nagkakamali, buntis na ang kapatid ko kaya naman ganito ang kilos.

Good luck sa iyo Alexander. Dahil mukhang nagmana sa ina namin itong si Macey sa paglilihi. Ngayon pa lang naaawa na ako sa sasapitin ni Alex sa kamay ng kapatid ko. Ano kaya ang gagawin ng isang walang kinatatakutang Alexander Go sa naglilihi niyang asawa.

MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon