Chapter 25

7K 105 0
                                    

~Chapter 25

Alex POV

After 5 Years

"Daddy ready na po kami! Dinala na po ni yaya sa kotse yung mga bulaklak na dadalhin natin sa cementeryo. Alis na po tayo. Baka naghihintay na po si mommy doon." hypee na sigaw ng anak kong si Mace. Nagmana talaga ito sa kakulitan ng mommy niya. Samantalang si Mark naman ay ayun, nakaupo na sa kotse at seryosong nagmamasid lang. Manang mana sa akin. Aakalain mo talagang kambal sila pero pinaalam namin sa kanila ang tunay nilang pagkatao. Hindi naman ito naging hadlang sa turingan nila. Kahit magkaiba ng ugali ay magkasundo pa rin sila.

"Sige tumabi ka na doon sa kapatid, kukunin ko lang yung flower na dadalhin ko." nakangiti kong utos sa anak ko at mabilis naman itong tumakbo papunta sa kotse.

Ang bilis ng panahon, malalaki na ang mga bata. Hayyyy. Kung bakit naman kasi iniwan sa akin ni Macy tong makukulit na mga to. Sana siya nag aalaga sa mga yan.

"Daddy hurry up! Mommy is waiting already!" magkasabay na sigaw ng dalawa. Kaya naman mabilis na akong sumakay ng kotse at nagdrive papuntang sementeryo.

"Mommmmmmyyyyyyyy! We miss you! Bakit mo naman kasi kami iniwan! Happy birthday! We love you!" malakas na sigaw ni Mace pagkaaba pa lang ng kotse.

"You are so noisy Mace, tssskkk." saway naman ni Mark.

Naku ang kukulit talaga nung dalawa. Sana naman hindi marindi si Macy sa dalawang yan.

"Don't run Mace! Baka madapa ka anak!" saway naman ng asawa kong napakaganda.

"Hindi ako madadapa mommy! Magaling ata akong tumakbo! Diba Mark?" nakangising pagbibida ni Mace.

"Kaya pala natisod ka kanina."walang emosyong sagot ni Mark.

Naku naku mag uumpisa na naman yung dalawang batang yun.

"Stop it boys. Don't stress your mom." saway ko sa dalawa.

"Happy birthday baby. I love you." bati ko sa asawa ko sabay abot ng pumpon ng bulaklak na dala ko sa kanya at kinintalan ko siya ng halik sa kanyang labi.

"Thank you baby. Naayos ko na ang table sa gitna ng puntod ni Maricar at baby Alexis. Hindi ka ba pinahirapan ng dalawang yan?" nakangiting tanong nito habang nakayakap ang mga braso niya sa baywang ko. Aba inisnob ang mga bulaklak ko. Di bale, mas masarap ang yakap.

Nakagawian na talaga taon taon sa tuwing kaarawan ni Macy na dito magdiwang sa puntod ni Maricar at baby Alexis.

Si baby Alexis ang anak namin ni Macy na apat na taong gulang na sana pero sa kasamaang palad ay namatay dahil sa complication sa puso noong itoy pinanganak. Dalawang araw lang itong nabuhay.

At dahil sa isang milagro, naikikilos na ni Macy ang kanyang pang ibabang katawan mula ng manganak ito kay Mace. Naging normal na ang kanyang kilos at nakakalakad na ng maayos pagkalipas lamang ng anim na buwan mmula ng manganak ito.

"Ang kukulit nga baby. Pero mas okay na rin na nauna ka dito kasi nakapag ayos ka dito ng walang magugulong bubuwit." bulong ko sa asawa kong namumula na ang mga pisngi dahil sa ginagawa kong pag amoy amoy sa kanyang leeg.

Third Person POV

Antagal kong inantay ang pagkakataong ito. Ang masilayan ang babaeng matagal ko ng minamahal. Anim na taon din akong pinatapon sa Amerika ng hayop na lalaking yun. Babawiin ko ang lahat ng dapat ay akin.





MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon