Lunas

884 33 7
                                    

Dalawang Haring Nagmahalan

-Pangalawang pag-ibig

Ika dalwampu't pito ng Oktubre, araw ng kabilugan ng buwan. Sa bayan ng Taoloun sa tulay ng Song malakas ang ihip ng hangin at nakatayo roon ang haring Lukas Cabuenios. Nililipad ng hangin ang kanyang dilaw na buhok. Mapapansin pa rin sa maputi niyang balat ang mga tanda ng pagmamahalan nila haring Yael Jin Song na sapilitan lamang sa may leeg at ibaba ng tenga niya at ang hari ng bansa lamang ang nasayahan at hindi ang hari ng mga bandido.

Nakatingin lamang si Haring Lukas sa harapan niya at inalala ang nangyari sampung araw ang nakakaraan.

Pumunta sa bahay ng isang matandang may kaalaman sa mga selyo si Haring Lukas para sa iisang bagay. Ibinukas ng matanda ang pintuan ng kanyang silid para papasukin ang ginoo na hindi naman lingid sa kanyang kaalamang hari ito ng mga bandido.

"Pasok po kayo." Magalang na sabi nito dahil isa paring kliyente ang haring Lukas. "Ano pong kailangan ninyo sa akin ngayong gabi, ginoo?" tanong nito sa hari habang isinasara ang kanyang pintuan.

Humarap na rin siya sa hari ng mga bandido at ikinagulat at ikinalaki ng kanyang mga mata ng makitang nagtatanggal na ito ng kanyang kasuotan. Inalis nito ang salamin sa mata na nakalagay sa kanyang pang-itaas na damit, ang belt na kulay asul at ang pantalong hapit na hapit sa kanyang katawan at halos wala ng maari pang itago pasalamat na lamang sa makapal na kapa ng kamahalan na siyang nagtatago sa ganoong pangangatawan kung wala ito'y baka samo't-sari ng kahalayan ng mga makakakita sa kanya ang maibigay ng mga ito sa hari ng mga bandido.

"Gi-Ginoo anong inyong ginagawa? Wala na ako sa edad para bigyan pa kayo ng serbisyo." Nag-aalangang sabi ng matanda. Natatakot na baka patayin siya nito kapag hindi ito kaagad nagsalita.

"Ginoo, paki-usap. Tulungan mo akong tingnan ito." Itinuro ni Lukas ang hitang tinatakan dati ni Yael ng kanyang selyo. Hindi rin nawala sa matanda ang pagtingin sa katawan ni Lukas na punung-puno ng makra ng mga halik ni haring Yael. At ang iniisip ng nito ay galing sa kasintahan ng hari ng mga bandido.

Bahagya lamang ang natatakpan ni Haring Lukas sa kanyang pag-aari dahilan para magkaroon pa ng sandaling pag-aalinlangan ang matanda. Isang dahilan din iyon para iba ang isipin ng matanda na gusto niyang ipakita.

"Kamahalan, pakiusap huwag ninyo akong paglaruan ng ganito. Hindi na ako bata para sa mga ganitong kalokohan." Maang-maangan pa nito at saka napaupo ng lumapit ang hari ng mga bandido sa kanya.

"Anong kalokohan at anong bata ang pinagsasasabi mo?" takang tanong ni Lukas na hindi naman rumihistro sa eskpresyon ng kanyang mukhang kalmado pa rin, tila hindi naintindihan ang sinabi ng matanda. Hindi nga niya naintindihan ang matanda dahilan para lumapit pa siya sa dito na napalunok ng laway. "Bakit ko naman hahayaang bata ang tumingin sa akin ngayon. Gusto ko lang na tulungan mo ako dito."

Hindi lang napalunok ang matanda kundi namutla pa at parang isinisiksik na ang sarili sa upuan sabay ng pag-iling. Ang mga salitang napiling gamitin ni Lukas ay siyang nagpapakaba sa matanda at nagpapa-init na rin sa katawan nito kahit pa sabihin niyang hindi niya nais magkaroon ng kahit anong relasyong sekswal sa hari ng mga bandido.

"Gi-Ginoo, hindi ako ang dapat mong kinausap tungkol dito. Ayoko pa pong mamatay kahit matanda na ako saka kahit na bata pa ako'y hindi ako pumapatol sa lalaki Ginoo." Pikit matang sabi ng matanda, tinutukoy ang tungkol sa pagtatalik ng dalawang lalaki.

"Ano ba talagang pinagsasabi mo? Hindi bale na, nalaman ko lang naman na marunong kang bumasa ng mga tatak na ginagamit ng mga tao noon at ngayon, eksperto ka dito kaya kailangan ko ang tulong mo." Napalunok muli ang matanda at parang nahiya sa mga pinagsasabi niya sa haring Lukas matapos niyang mapagtanto na mali siya sa kanyang iniisip kanina lamang.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon