Dalawang Haring Ngmahalan
--ikadalawampung kabanata
Ama at Anak
Yukito Jing Nishii
"Lalalalalalalalala" kanta ko habang umiikot-ikot tulad ng mga geisha sa aming bayan. Nanunuod lang naman ako ng mga sayaw nila doon pero kapag tapos na, pinapaalis na rin ako ni Ina. Ang sabi kailangan ko daw matuto gamit ang mga mata ko kaya kung anu-anong klase ang pinapapanuod niya sa akin. Ang Geisha ay ang mga mananayaw ng mga maharlika ayon iyon kay ina.
"Ang galing ah." Napangiti ako sa nagsalita sa may pintuan. Ang hari ng Danton na si Yael Jing Song na siya ring pinagkuhaan ni Ama ng isa sa pangalan ko ang Jing.
"Kamusta kamahalan? Mukhang masaya ka muli ngayong umaga." Saad ko kaya pumasok na siya ng aming silid.
Hindi pa rin naman nya ako pinapaalis dito at wala naman akong balak umalis. Totoong may nararamdaman na ako kay Xing Ping pero sabi nga ng mga naging kasamahan ko sa Pilipinas, walang makakapalit sa unang pag-ibig. Siguro totoo dahil hindi ko naman malimutan ang pagmamahal ko sa kaniya. Kumokonti pero hindi nawawala.
"Maganda lamang ang sikat ng araw sa pagkakataong ito." Nakangiti niyang sinabi na tinanguan ko lang. Mainit nga ang sikat ng araw hindi katulad noong nakaraang halos magyelo na ang kalangitan. "May gagawin ka ba ngayong araw? Gusto mo bang mamasyal sa bayan?" paanyaya niya.
Gustong-gusto ko at ngiting-ngiti na ako sa sandaling iyon pero naalala kong nangako nga pala ako kay Bell na mangangabayo kami kaya nawala rin ang ngiti kong iyon."Pasensya na kamahalan subalit nangako na ako kay Bell na mangangabayo kami ngayon." Nakayuko kong sinabi. Nakasanayan lang siguro dahil ganito ang pagkausap ko kay ina at sa mga kapatid ni ama. Lahat sila mga hapones na hindi tumitingin sa mga mata. Isang kalapastanganan sakaling tingnan mo ang isang hapones sa mata habang nakikipag-usap.
"Ganoon ba? Magpakasiya kayo kung ganoon." Naupo siya sa gilid ng kama at saka may kinuha sa katabing aparador.
"Nagseselos ka ba?" biro ko habang nakamewang at nakatingin sa kaniya.
"Hindi. Hindi naman." Sagot nito pero halata namang nagseselos siya.
"Okay sige. Bukas aasahan kong makasama ka bayan. Sabi mo ibibigay mo sa akin lahat ng gusto ko hindi ba? Gusto ko bukas wala ang gagawin at sasamahan mo lang ako buong araw." Tumango pa ako matapos kong sabihin iyon ng nakapamewang. Nakakatuwang magpakaprinsepe kapag ang mismong hari ang magbibigay sa'yo ng ganitong klase ng pribeleheyo.
Tumingin siya sa akin at pinalapit ako sa kaniya na ginawa ko naman saka ako naupo sa tabi niya.
"Salamat at naiintindihan mo." Nakangiti nitong sinabi pero kita kong may iba pa roon. Doon sa loob niya na parang nasasaktan siya kaya ganito na lang ang kagustuhan niyang lumabas kami ng palasyo.
"May problema ka, kamahalan." Pahayag ko pero hindi siya nagsalita. "Sabihin mo sa akin." sabi ko pa't umayos ako ng pagkakaupo.
"Hindi mo maiintindihan kung sasabihin ko." Umiling ako sa sinabi niyang iyon.
"Subukan mo ako." Kumpyansa ko iyong sinabi kaya umayos din siya ng upo at humarap sa akin.
"Anak ko si Ping." Doon ako nagulat at napalayo sa kaniya. "Kita mo na. Kahit ikaw lumalayo sa akin." tumayo siya at lumayo sa akin. Aalis na sana siya ng silid kaya nagtanong pa ako.
"Teka, alam ba ni Bell ito?" nahito siya sa tanong ko. "Kung alam niya hindi dapat tiyo ang tawag niya sa'yo kundi ama hindi ba?" humarap siya sa akin matapos kong sabihin iyon.
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Исторические романыAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...