Arko ng Hinaharap

263 12 1
                                    

Dalawang Haring Ngmahalan

--ikalalabing siya na kabanata

Arko ng Hinaharap

Nakayuko pa rin si Yukito ng mga sandaling iyon hindi niya maisip kung ano ang dapat niyang sabihin sa prinsepe ng Danton. Napansin din naman iyon ni Xing Ping kaya kahit na masakit dahil sa alam niyang hindi ngustuhan ng kaibigan ang mga sinabi niya ay nagpakumbaba pa rin ito. Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa nakatungong prinsepe ng mga Yamato saka niya hinawakan ang mga balikat nito.

Muli siyang huminga ng malalim at hinawakan ang pisngi ni Yukito. Nagulat doon si Yukito pero hindi inalis ang kamay ni Xing Ping sa kaniyang pisngi at hindi rin naman pinilit ni Xing Ping na patinginin ito sa kaniya. Nasa puso pa rin ni Xing Ping ang galit, sakit at pagkabigo pero pinilit niya iyong alisin para sa lalaking nasa harapan niya. Ginusto niyang ngumiti para mabawasan ang di kaaya-ayang pakiramdam sa pagitan nilang dalawa subalit hindi niya magawa dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman na nya. Dahil doo'y kinuha na lang ng prinsepe ng Danton ang siko ni Yukito at inalalayang maglakad.

Nakatingin naman ang dalawang prinsesa sa papa-alis na dalawa at hindi na lang pinigilan ang mga ito. May mga naiisip na bagay si Weng Lu pero hindi na niya iyon isinawika pa.

Kung tama ang mga nabasa ko, ang ganoong klase ng reaksyon ay nagsasabing naguguluhan siya sa mga nangyayari ngayon dahilan para hindi siya kaagad makapagdesisyon. Mahal nga kaya talaga niya ang hari para magkaroon siya ng ganitong pakiramdam?

Iyon ang mga sumagi sa isipan ng dalagitang prinsesa.

Patuloy na naglakad ang dalawa hanggang sa huminto si Yukito kaya napahinto rin si Xing Ping. Magkatabi lamang sila subalit hindi na ninais pa ni Xing na tingnan pa ang binata sa kaniyang tabi. Gayon pa man, nakatitig na ngayon sa kaniya si Yukito at may nais sabihin, hinihintay na lamang ang pagtingin sa kaniya ng kaibigan subalit hindi siya nito pinagbigyan.

"Xing ano, kasi.." di naituloy ni Yukito ang sasabihin ng muling kunin ni Xing Ping ang siko nito't inalalayang maglakad.

"Ihahatid na kita sa silid mo. Siguradong naghihintay na sa'yo doon ang kamahalan." Buong lakas ng loob ang pagkakasabi noon ni Xing Ping. Parang ginawa niyang kaswal ang boses niya pero sa loob ng mga salitang iyon ay sakit, inggit at galit ang nabubuo.

Alam iyon ni Yukito, ramdam niya na ayaw ni Xing na ihatid siya sa silid hari pero wala siyang magawa. Naiisip pa rin niya ang nararamdaman para sa hari ng Danton. Alam niya sa sarili niyang natupad na ang pangarap niyang mahalin siya ng magiting na Jing Song pero pakiramdam niya ngayo'y may mali. At dahil nga ayaw niyang maging padalos-dalos, hinayaan na lang niya si Xing Ping na ihatid siya sa silid ng kamahalan. Iniisip kung ano talaga ang mali. Ang pagmamahal niya sa hari o itong hindi niya pagbibigay ng sagot kay Xing Ping. Alin man, parang ayaw na niyang malaman ang kasagutan.

Matapos ihatid ni Xing Ping si Yukito sa loob ng silid ay agad din siyang tumalikod upang hindi niya makita ang anu mang reaksyon ng taong itinitibok ng kaniyang puso.

"Bell, huwag mo akong iwanang mag-isa." Sabi ni Yukito ng makaupo siya sa kama't papalabas na muli ng pintuan si Xing Ping.

"Hindi pa ba sapat sa'yo na saktan ako? Ang sama mo talaga Yukito." Nasasaktan si Xing Ping ng sabihin niya iyon pero hindi siya nanunumbat o ano pa man, naawa lang siya sa sarili niya dahil hindi siya kayang pakawalan ng kaniyang minamahal. Para siyang hindi makapaniwala na ganito ang nais ipagawa sa kaniya ng prinsepe ng Yamato't lalo lamang siyang nasasaktan dahil sa mga utos nito.

Lumapit si Xing Ping sa kama at lumuhod sa harapan ni Yukito. Ilang segundo pa'y tumunghay ito at doon namasdan ng prinsepe ng mga Yamato ang mga matang may nangingilid na luha ng kaibigan.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon