DHN 13- Pamilya Song

326 12 3
                                    

Dalawang Haring Nagmahalan

-ika labing-tatlong kabanata

Pamilya Song

Kinagabihan ng araw na iyon muling nagsalu-salo ang pamilya Song sa hapagkainan kasama ang mga pamangkin, at ang prinsepe ng Yamato. Ilang pa rin si Yukito sa mga ito subalit tinapik sandali ni Xing Ping ang balikat ni Yukito dahilan para mapangiti ito at tumuloy sa kaniyang upuan sa tabi ni Xing Ping.

"Tingnan mo nga naman, kung sino ang magkaibigan." Bulong ni Sean kay Semion at nagawa pang sikuhin ito pero wala namang sinabi doon si Semion. "Baka naman magmana sa inyo yang magiging susunod na hari ha." Biro pa nito na ikinataas ng kilay ni Chin Sue ang ina ni Xing Ping at kumuha naman iyon ng atensyo nina Semion at Fei Tsun.

"Subukan mong magdilang anghel at sisiguraduhin kong ako ang mababansagang pumatay sa asawa ng Reyna ng Digmaan." Natawa na lang doon si Fei Tsun na asawa ni Sean habang hinehele ang anak sa maliit na higaan sa tabi niya. Alam niya kasing madaling mapikon ang kaniyang ate at tototohanin nito ang kaniyang mga sinabi. Gayon pa man, may taglay ding kapusukan ang Reyna ng Digmaan.

"Mukha namang walang posibilidad na magiging ganoon siya kung hindi niya makikita ang katawan ng prinsepe ng Yamato. Alam niyo na parehas nina Semion at Kuya Yael na nakita ang katawan noong Lukas at parehas nahumaling." Parang may panunukso sa salita ni Fei Tsun dahilan para maitarak ni Chin Sue ang kubyertos niya sa karne sa kaniyang pinggang kainan. Narinig naman iyon ni Yukito at nagtaka na lamang kung bakit pati itong tinatawag nilang Semion ay nagkagusto rin sa kaniyang ama gayong wala naman naiikwento ang kaniyang ama tungkol sa lalaki maliban sa parteng ito ang iniibig at nagligtas sa kaniyang Tiyo Harrie mula sa kadiliman ng kaniyang nakaraan. At siya ring nagtakas sa mga Yamato pabalik ng kanilang bansa.

"Ina? May problema ba?" tanong ng dalagitang si Weng Lu ang nakababatang kapatid ni Xing Ping at pangalawang anak ni Chin Sue ng makita niya ang panginginig ng kamay ng ina dahil sa inis na dulot ng panunukso sa kaniya.

"Wala naman, sinusubukan ko lang kung matalas ang kubyertos para madali kong masaktan ang mga tiyo at tiya niyo." Taas kilay nitong sinabi sa anak at para namang nagilabot ang mga kapatid at ang mga nakarinig sa kaniya at hindi na nagsalita ng tungkol doon.

Kung hindi lamang siguro nagkaroon ng bata sa sinapupunan ni Chin Sue noong panahon ng unang digmaan ay baka nakalaban pa siya't siya ang tanghaling reyna ng digmaan. Si Weng Lu na ang nasa sinapupunan niya noon at dahil sa digmaan kaya kahit si Weng Lu ay may ugaling nais makidigma at lumaban.

"Kumain na tayo mga ate." Bulong ni Lin Fang ang pinakabunso sa mga babae na medyo nangangapa sa ugali ng panganay na kapatid. Mahinhin, mayumi, mapagkumbaba. Isang tunay na palamuti ng palasyo. Isang prinsesang ang kalakasan ay sa mga salita. Katalinuhan ang kaniyang taglay na sandata at ang mga kagitingan ni Lin Fang ay mamamasdan sa mga estratehiyang pandigmaan.

Anak ni Lin Fang si Li Shing isang batang babae na mahilig sumama kay Semion sa mga gagawin nito at kay Xing Ping din kung maiisipan niyang gusto niyang kalaro ang pinsang si Xing Ping. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakaka-alam kung sino ang ama ng bata at iginagalang naman ng bawat isa ang desisyon ni Lin Fang na itago ang ganoong klase ng lihim sa kaniyang mga kapatid.

"Sige na. Ah, Lin paabot naman ako niyan."tinuro ni Chin Sue ang isang tinapay at medyo namumula namang iniabot ni Lin Fang ang pinapakuha nito. May nakakatakot na ngiti sa mga labi ni Chin Sue dahil pa rin sa inis sa kapatid na si Fei Tsun pero di rin nagtagal iyon. Ilang sandali pa'y gumaan na ang hangin sa paligid at nagkwentuhan na sila ng kung anu-anong tungkol sa mga ginawa at gagawin nila sa buhay nilang ito.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon