Dalawang Haring Ngmahalan
-Ikalabing pitong Kabanata
Deito at ang mga bandido
Nakaderetsyo ang tingin ni Yukito habang naglalakad. Pamilyar sa kaniya ang babaeng nangangalaga sa pinsan ni Xing Ping. Ang ganoong klase ng buhok, ang laki ng katawan, ang pakiramdam. Lahat iyon ay gumugulo sa kaniya pero nawala iyon panandalian ng hawakan ni Deito ang balikat ni Yukito at ito'y tanungin.
"May gumugulo ba sa isipan mo?" tanong nito na ikinatingin muna ni Semion sa kaibigan ng kaniyang ama.
"Wala naman. Naisip ko lang na pamilyar yung babae kanina." Tanging nasabi nito.
"Salamat." Nagtaka doon si Yukito kaya ipinagpatuloy iyon ni Deito. "Salamat at pinagkakatiwalaan mo ako, kami ng mga kasamahan ng ama mo." Tumango doon si Yukito saka bahagyang ngumiti.
"Hindi nga ako makapaniwala na mga katulad niyo ang mga sinasabi ni Jing na kaibigan ni ama." Bahagya itong napatakip ng labi gamit ang nakakuom kamao. Isang bagay na namana ni Yukito kay Lukas dahilan para agad na yakapin ni Deito ang binata dahil sa labis na hapdi na nararamdaman ngayong napatunayan ni Yukitong anim na taon na nga ang nakakaraan ng mamatay ang kanilang itinuturing na hari.
"Whhhaaaaaa.. ang aming prinsepe!!" sabay-sabay nilang sigaw kasunod ng pag-iyak. Para silang mga makinang de susi na kapag pinihit ay sabay-sabay na iiyak. Doon napatunuyan ni Yukito na labis ang pagmamahal ng mga ito sa kaniyang ama.
"Haha.. tahan na. Kaya naman pala nagiging bata si ama paminsan-minsan dahil sa inyo." Natatawang sabi nito. Pero sa loob niya'y masaya siyang makakita ng ibang tao maliban sa mga taong nakakasama niya sa hapagkainan nitong nakaraan. "Hindi matutuwa si ama sa kaartehan niyo, sigurado ako doon. Saka ako dapat ang magpasalamat dahil dinalaw niyo ako dito't ginawa niyo pang hari si ama noong nakasama niyo siya. Maraming salamat. Kailangan ko ring magpasalamat kay Jing mamaya para dito." Masayang wika ni Yukito.
"Aming prinsepe, bakit mo tinatawag ang hari ng Danton sa pangalan niya? Naging mabuti ba talaga siya sa iyo para tawagin mo siya sa kaniyang ngalan?" nagtataka ang nagtanong na kasamahan ni Deito at nagulatnaman ang naibigay na ekspresyon ng mukha ni Yukito matapos ay ngumiti at medyo namula.
"Anak ako ng aking ama." Iyon lamang ang sinabi niya't naglakad ng muli. May ngiti sa labi, gaan ng kalooban at kasiyahan. Totoong nasisiyahan siya sa mga pangyayari ngayon. Narito siya sa Danton sa hindi inaasahang pagkakataon. Una ay para maghinganti pero nagkaroon siya ng kaibigan, si Jing ay naging importante sa kaniya at ngayon heto ang mga tagasunod ng kaniyang ama, iginagalang siya.
"Kamahalan, ipagpaumanhin niyo subalit hindi makakabuti kung magkakaroon pa kayo ng ibang ugnayan sa hari ng Danton. Siya ang dahilan ng digmaan at dahilan ng pagpanaw ng iyong ama. Siya rin ang taong minahal ng iyong ama at kung nalaman ng maaga'y napigilan pa namin kaya kung maari lang kamahalan, alisin mo ang lahat ng nararamdaman mo para sa kaniya. Ayaw naming kaladkarin ka paalis ng bansang ito at itapon, ikulong at hindi palabasin sa sariling mong bayan ng Yamato." Babala ni Deito na talagang nag-aalala lamang sa nagiging relasyon ng prinsepe sa hari ng Danton.
Hinarap ni Yukito ang mga ito ng may nanlilisik na mga mata. Nagulat ang mga kasamahan ni Deito pero si Deito ay hindi man lamang natinag. Seryoso ito sa kaniyang sinabi sa prinsepe.
"Hindi ako madadala sa mga ganiyang titig kamahalan. Kahit kailan ay hindi kami tinitigan ng ganiyan ng iyon ama. Kahit na ganoon alam kong hindi ikaw ang aming hari at isa ka pa ring bata kaya gagawin namin ang aming makakaya para ipakita sayo ang aming senseridad sa mga sinabi ko kanina."
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Historical FictionAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...