Ibang destinasyon

399 12 5
                                    

Dalawang Haring Nagmahalan

-Ikawalong Pag-ibig

Ibang destinasyon

Nishii Mimiko

Ako si Mimiko Nishii, asawa ng Hari ng Yamato na si Shirotani Nishii. Alam kong habang ako ang kasama ng aking hari ay hindi ako ang taong palagi niyang inaasam at itinatangi. Naalala ko ang nakaraan kung kailan kami unang nagkita.

Nasa hagdan ako ng palasyo ng Yamato, nagtitinda ng iba't-ibang klase ng tela. Iyon nga lamang walang masyadong bumibili dahil maraming tao ang nagpapatahi na lamang sa patahian at iilan lamang ang bumibili ng mga tela. Kasalukuyan akong nagaalok ng mapadaan siya't nakatingin sa akin.

"Tagarito ka ba?" tanong niya sa akin na hindi ko agad nasagot dahil hindi ko naman siya kilala. Hindi rin ako ganoon kagaling sa salita ng mga taga rito. Ngumiti lang ako't iniabot sa kaniya ang berdeng tela. Bagay na bagay sa kaniya ang berde kaya iyon ang ibinigay ko sa kaniya. "Para saan ito?" tanong niya pero nagbigay lang ako kasabay naman ng paglapit ng kasamahan kong marunong ng aking lengwahe.

"Tintanong niya kung bakit mo siya binigyan ng tela. Bakit mo pagbebentahan ang isang hari?" agad nanlaki ang mata ko at nakaluhod na humingi ng tawad.

"Hindi ko po alam na kayo ang hari. Patawad po. I'm really sorry." Napahawak ako sa bibig ko. Ipinagbabawal nga pala ang pagsasalita ng engles sa bansang ito sa kadahilanang may hindi pa rin pagkakasunduan ang Yamato at mga Amerikano tungkol sa isang bagay na hindi ipinaalam ng hari sa aming lahat.

Itinayo niya ako kaya ako nama'y hindi makatingin sa kaniya ng deretsyo. Ang sabi sa akin bago ako magpunta rito ay bawal tumingin sa mga mata ng mga taga-Yamato dahil hindi iyon paggalang para sa kanila.

"Sabihin mo sa kaniyang sasama siya sa akin sa palasyo." Sabi niya noon sa aking kasama na kabadong isinawika niya sa wikang pambansa kong Filipino.

"Isasama ka sa palasyo." Napakunot-noo ako noon at kinakabahan dahil baka ako'y bitayin ng kamahalan. Pero nang tumingin ako sa kaniyang mukha ay puno iyon ng kaginhawaan.

Isang mukha na hindi ko nakita ng lapitan niya ako. Nakasimangot kasi siya't parang may problema kaya ganoon na lamang ang pagkakatitig ko sa kaniya. Sa mukha ngayon na parang nailigtas ng aking inasal. Kinuha niya ang aking kamay at dinala ako sa loob ng palasyo. Pinasama rin niya ang aking katrabaho at sinabi sa akin ang lahat ng pinagsasabi ng kamahalan sa kaniya.

Nasa silid ko na kami ng ipaliwanag niya sa akin ang lahat.

"Sinabi ko sa hari na hindi mo siya sinasadyang pagbentahan. Sinabi ko na rin na regalo iyon. Wala naman daw iyon sa kanya at natutuwa siyang makilala ang isang tulad mo sa bansang ito, isang taong marunong ng lengwahe ng Amerika at nasabi ko ring nakakaintindi ka ng kaunting Nippongo." Napatango na lamang ako doon. "Ngayon inutusan niya akong turuan ka ng lahat ng alam ko tungkol sa lengwahe nila at tuwing linggo ay dadalawin ka niya upang makipagkwentuhan." Wala akong nasabi sa mga sinabi ng aking katrabaho.

Namamngha pa rin ako sa silid na kasing-laki na ng tinutuluyan naming bahay. Kakaiba ang mga mwebles at ang mga tela'y walang kaparis sa lambot at ganda ng desenyo.

"Papatayin niya ba ako?" tanong ko sa kasama ko.

"Itanong mo na lang sa kaniya kapag nagkausap kayo sa linggo. Sa ngayon magpahinga ka na muna saka tayo magsisimula ng pagtuturo sa iyo ng kanilang salita."

Ilang araw ang lumipas at mabilis ko naintindihan ang panimula na kailangan kong malaman tungkol sa mga lengwahe nila at ng dumating ang unang linggo ay nagawa ko ng sabihin sa kaniya ng maayos ang aking pangalan. Ngumiti ang hari sa akin. Isang ngiting puno ng kaligayahan subalit may kung anong kakaiba sa ngiting iyon na hindi ko malaman.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon