Kasinungalingan at Pagtataksil

566 19 2
                                    


Dalawang Haring Nagmahalan

-ika-anim na kabanata

Kasinungalingan at pagtataksil


Kinaumagahan ng gabing iyon hindi pa rin umalis ang hari ng Danton sa tabi ng hari ng mga bandido. Hawak niya ang tyan nito habang yakap niya ito mula sa likod. Marahan ang kanilang paghinga na para bang walang ibang iniisip kundi ang mangyayari pa sa lilipas na segundo.

May malay na si Yael subalit hindi niya inaalis ang ganoong posisyon nila pati na rin ang paggalaw ay pinipigilan niya. Dinadama niya ang bawat segundong lilipas habang pinapakinggan ang paghinga ng taong una niyang niloko sa isang gamot upang parusahan lamang.

Masarap pa rin naman ang pagkakahimbing ni Lukas at noon lamang siya nagkaroon ng ganoong klaseng katahimikan sa pagtulog. Kumakanta na ang mga ibon ng taglamig upang sabihing papalapit na ang nyebe sa bansa subalit hindi iyon maramdaman ng dalawa dahil masaya sila sa lagay nila ngayon. Ginising na rin sa wakas ng awit ng mga ibon si Lukas at dahan-dahang inisip ang nangyari kagabi.

Nang sandaling maramdaman niya ang kamay ni Yael sa kanyang bewang ay napangiti siya.

Hindi ito isang panaginip. Naisip pa niya saka humarap kay Yael at binigyan ito ng halik sa labi.

Iminulat niya muli ang mga mata at napanuod niyang tumingin sa kanya ang mga matang iyon. Mga matang kakaiba ang kinang 'di tulad sa dati.

"Mapagpalang umaga." Bulong ni Yael kay Lukas.

"Mapagpalang umaga din sa'yo." Puno ng kaluwalhatian ang sinabing iyon ni Lukas hanggang sa maalala niya ang itinungo niya sa Danton.

"May dinaramdam ka ba? May kumikirot ba kahit saan?" bahagya pang tiningnan ni Lukas ang mukha ni Yael bago magsalita.

"Sa dami ng beses na ginawa natin iyon, ngayon mo pa ako nagawang tanungin?" bumangon na si Lukas sa kama, suot pa rin ang panloob niyang kasuotan subalit walang pang-ibaba.

"Saan ka patungo?" tanong ng Hari ng Danton sa ibang tono ng boses. Hindi tulad ng dati'y puno ng pag-alala ang boses ngayon ni Yael Jing Song.

Walang halong karahasan o pang-uuyam patungkol sa katayuan ni Lukas para sa kanya. Tanging katamisan at kaligayahan lamang ang tinig na maririnig mula sa labi ng hari ng Danton.

"Hahanapin ko si Harrie. Hindi siya umuwi dito. Natatakot akong may nangyari ng masama sa kanya." Saad ni Lukas at kinuha ang mga damit para lamang pumunta sa silid paliguan ng malinisan ang sarili.

"Maayos lang siya, kasama niya ang kapatid ko." Pahayag naman ni Yael dito.

"Iyon na nga ang ipinag-aalala ko." Tanging sagot ni Lukas at nagpatuloy na sa pagpunta sa silid palikuran.

Hindi pa siya nagtatagal doon ay nakaramdam na siya ng isang yakap mula sa kasing-irog at halik sa kanyang leeg para lamang mag-iwan ng marka doon. Agad na napalayo si Lukas at hinawakan ang leeg na minarkahan ni Yael. Salubong ang mga kilay at nagtataka sa mga ganoong aksyon ng kasintahan niya si Lukas. Hindi pa siya sanay na ang dating ginagawa siyang parausan ay kasintahan na niya ngayon.

"Bakit mo ginawa iyon? Paano kung may makakita?" kita ang takot sa mga mata ni Lukas habang nakaupo sa isa sa malalaking bato na hindi nakaangat sa gilid ng batis na animo'y serenang nakaupo doon.

Nasa likuran lang niya ang tubig at kapag nadulas siya'y siguradong tubig ang babagsakan niya.

"Gusto kong malaman ng lahat na may nagmamay-ari na sa'yo." Kaswal na sabi ni Yael na ganoon na muli ang tono ng pananalita. Puno ng kapusukan at pang-aasar sa kapwa.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon