Ang nakaraan sa DHN:
Nalaman na ni Yukito ang pagtatago ni Yael sa kanyang ama. Ang pagsisinungaling nito at paggamit sa kanya na naging dahilan ng pagsisimula ng digmaan. Labinlimang grupo ang sumugod sa labintatlong kaharian sa Tsina at lahat iyon ay kasiraan ang naging dala. Lahat ng taong kakampi ng amerikano't naging alipin ng tsina ay kumalaban dito. Nasira ang mga lugar at lahat ng mga mamamayan ay nasugatan at napinsala. Marami sa mga opisyal ang binawian ng buhay.
Nakipaglaban ang grupo ni Mimiko; ang asawa ni Lukas sa Japan, sa mga kawal ng gobyerno ni Yael at halos magtagumpay na sila. Lumaban si Mimiko sa reyna ng digmaan na si Fei Tsun at pilit silang pinigilan ni Lukas hanggang sa masakal siya ni Semion at magsabi ng mga salitang hindi nalalaman ng lahat.
Sinabi ni Semion ang pasakit na kanyang nararamdaman sa buong buhay niya maging ang aksedenteng pagkakaroon niya ng anak sa sarili niyang kapatid na si Lin Fang. Subalit ng sandali ring iyon ay nagbitaw ng tatlong palaso si Lin Fang na naging sanhi ng pagkamatay ni Semion.
Nagkasundo ang tatlong reyna at si Lukas na ititigil na nila ang digmaan. Papunta na sila sa lugar kung nasaan ang sentro ng labanan subalit ng sandaling iyon, nasaksak ang pinakaimportanteng tao sa kanila na naging dahilan ng pagtangis ng mga kababaihan.
=========================================
Dalawang haring Nagmahalan
-ika-dalawampu't dalawang Kabanata
Sana Huwag ng Matapos Pa
Shirotani "Lukas" Nishii
*Four days ago*
"Masarap ba ang manggang naroon sa punong iyon?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang puno ng mangga. Ang natatanging puno ng mangga sa lugar na ito.
Mainit ang sikat ng araw, masaya ang mga ibon. Ito ang araw kung saan siya lamang ang kasama ko't wala akong ibang hiling kundi ang mayakap siya ng ganito. Kay tagal kong inasam, kay tagal kong hinintay. Noon pa man, umaarte na akong matapang. Pilit kong itinutuwid ang aking sarili upang makabalik sa aking bayan bilang ganap na lalaki subalit nag-iba ang lahat. Nagbago ang lahat dahil sa kunwaring droga na inilagay niya sa akin para lamang ako ay kontrolin.
Inaamin kong ang mukha niya talaga ang tipo ko't siya ang pinakamagandang lalaki para sa akin. Lubusan ko siyang minahal bago pa man namin maamin sa isa't-isa ang nararamdaman namin. Gayon pa man maraming humadlang. Ang pagiging Yamato ko, ang pagiging hari niya. Ang lahat ng kapatid niya, ang galit sa puso ko at ang DROGA na nagsilbing simula ng lahat ng ito.
Lahat nanatili sa isipan ko hanggang ngayon. Ngayong kasama ko na siya't nakayakap siya sa likuran ko't hindi ako nais pang pakawalan.
"Sabi nila masarap daw pero alam ko kung anong mas masarap?" bahagya ko siyang nilingon dahil sa sinabi niyang iyon.
"Ano?"
"Ikaw." Nakangising sabi niya saka niya hinalikan ang leeg ko. "Hmm.. mas masarap ka pa sa kahit anong prutas." Nakiliti naman ako sa ginawa niyang paghalik kaya pinilit kong lumayo habang humahagikhik dahil sa ginagawa niya subalit hindi ko nagawa dahil inihiga niya ako sa kama.
Sandali kaming nasa ganoong posisyon. Nakatingin sa mata ng isa't-isa. Walang ibang inaalala kundi ang mga segundong magkasama muli kami. Walang hadlang, walang gulo, walang alalahanin. Tanging kami lang. Kaming dalawa lamang ng aking hari.
Doon ko naisip, ganito rin ba ang nararamdaman ni Harrie noong magkasama sila ni Semion? Noong masaya silang dalawa't hindi pa nalalaman ni Semion ang tungkol sa babaeng pinakasalan di umano at naanakan ni Harrie. Isang kasinungalingan na sinang-ayunan lamang dahil sa karangalang dapat ingatan ng aming pamilya. Nakakagalit kung iisipin sa normal na paraan subalit ang babaeng iyon ay nangungusap ang mga mata na huwag siyang paslangin at ang kanyang anak kaya naman iyon ang ginawa ni Harrie. Kahit masakit sa kanya'y tinaggap niya ang babae at ang anak nito kahit na hindi talaga iyon sa kaniya.
"Mahal kita aking hari." Napabalik ako sa pagtitig sa aking mahal na nakaibabaw sa akin. Ngumiti ako at inilagay ko ang mga kamay ko sa leeg niya.
Ang mahabang tela ay tumakip sa aming mga mukha sa magkabilang gilid kaya kung mayroon mang magtangkang pumasok ay hindi agad makikita kung sino ang naglalampungan dito sa kama ng reyna. At dahil nga sanabi ni Jing na huwag papasok sa silid na ito ang kahit na sino'y wala rin naman sigurong magtatangkang pumasok.
"Mahal din kita aking hari." Nakangiti ko iyong sinabi at dahan-dahan niyang pinaglapat ang aming mga labi.
Walang mapaglagyan ang aking galak. Ito na ang pinakamagandang kalayaang nakuha ko sa buhay ko. Walang mga tauhan, walang alalahanin, walang ibang iisipin kundi siya at ako. Iyong pagkakataong kami lamang dalawa, walang balakid, walang hadlang, walang nakaka-alam.
Napakasiya ko... sana huwag ng matapos pa.
Narration
"JING SONG!!!" sigaw na nagmula sa hari ng mga Yamato habang halos madulas sa pagtakbo kasabay ng pagbuhos ng muli ng malakas na ulan. "Jing gumising ka Jing. Hindi ka pupwedeng mamatay! TABI!" sinigawan ni Lukas ang sarili niyang anak na nakita nilang nagtarak ng sandata sa katawan ni Yael.
"Lukas... Aking hari." Nasambit ni Yael bago niya hawakan ang pisngi ng kanyang mahal.
Mabilis niyang pinutol ang espada sa kanyang harapan maging ang tumagos sa kanyang likod ay inalis din niya saka siya humarap sa kanyang mahal. May dugo sa kanyang labi dahil sa sugat na natamo kay Yukito habang ang binata nama'y may ganoon ding klase ng pinsala.
"Huwag.. huwag mo akong iiwan." Pakiusap ni Lukas subalit tumawa lang ng mahina si Yael.
"May buo ka ng pamilya ngayon, aking hari. Hindi mo na ako kailangan." Saad nito saka biglang napakapit ng mahigpit sa braso ni Lukas. "H-Hindi ba't galit ka nga sa akin, gusto mo ng umalis? Kapag natapos ito... makakabalik ka na... sa dating... ikaw." Doon bumuhos ang luha ni Lukas hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kasintahan. Hindi niya matanggap ang tono ng pananalita nito na parang nagpapa-alam.
"Huwag kang tanga! Hindi ko gustong bumalik sa dati. Gustong kong palayain mo lang sila.. silang lahat. Kahit na anong galit ko sa'yo NORMAL lang yon JING! Normal lang yon dahil mahal kita." Puno ng emosyon ang pagkakasabi ni Lukas sa salitang mahal kita.
Yakap niya ang katawan ng minamahal na hari pero wala na itong ano mang ikinilos o sinabi.
Lumipas ang isang bwan, nagkaroon ng sandaling kapayapaan sa pagitan ng Tsina at Nippon. Sinugod naman ng Tsina ang iba't-ibang kalapit na bansa na sinundan din ng mga hapon at sumunod ay ang mga amerikano't kastila dahilan para magkaroon ng ikalwang digmaang pandaigdig na sinamahan ng bansang Pilipinas.
Lumipas pa ang maraming taon at nabura sa mapa ng tsina ang Danton. Tinawag na Japan ang Yamato at masaganang nabuhay at kinilala ang lengwaheng engles bilang pangkalahatang salita ng mga naging kaanib na bansa nito.
Sa huli'y naging masagana sa papausbong na teknolohiya ang bansang Yamato at isa sa nakilalang pinakamaunlad na bansa sa Asia.
----------------1/22/2016 10:40 PM
Naks.. achivements. 30 mins ko lang to ginawa. Whahaha.. linsyak.. sabaw ba?? XDDD
Di nyo ba nagustuhan?
ENDING na po!!
Sa kasunod na kabanata. ^___________^
Maraming-Maraming salamat po sa sumuporta sa DHN.
Ang kasunod ko pong gagawin na Historical ay tungkol naman sa isang KNIGHT at isang HARI.
Tingin niyo? May mangyayari kayang kakaiba o normal na MasterxSlave lang ang mangyayari?
Sana po suportahan niyo ng mga comments and Suggestions para magawa ko siya! Maraming-Marmaing Salamat po!~runesaito
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Historical FictionAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...